Chapter 15 - Ghost (October 08, 2019)

35.5K 938 47
                                    

Chapter 15 - Ghost

Chapter 15 - Ghost

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

February 14, 2011

Malayo ang itinakbo ni Lee mula kung saan siya lumabas. The kiss can't stop playing at the back of her mind.

"Pucha naman!" She looked like a ghost crossing the road dahil sa damit niya at sa dilim ng paligid. Para rin siyang batang nagmamaktol sa bawat pag-padyak ng mga paa niya. She is never a cusser. Pero hindi niya alam kung bakit galit na galit siya! Kung bakit parang sasabog siya!

She was kissed!

For God's sake, she was kissed by the only man she ever loved. She has imagined a thousand of these scenarios in the past at hindi niya alam na galit at hinanakit pa pala ang mararamdaman niya sa oras na mangyari 'yung pinakahihintay niya. There were no butterflies. No fireworks. Puro luha lang 'yung dumaloy mula sa mga mata niya dahil gusto niyang pagsasapakin si Odyssey for hurting her feelings one second, and kissing her next.

Who told him to be hostile for so many months? Halos sigawan pa siya nito nang matapunan niya ng Kool-Aid ang damit nito. Halos maihi na siya sa takot. It was also a given that her hormones are playing at her feelings because of her monthly visitor.

"Para! Para!" Pinara niya ang dumaang taxi dahil gusto na niyang makaalis agad. Deep in her heart, naroroon ang posibilidad na sundan siya ni Odi after what happened. She knew she didn't want to face him, pero naiinis din siya while thinking of the flipside— that he may never look after her.

She just cried her way home habang pilit na itinatago ang iyak sa taxi driver.

"Dito na lang po kuya." Pag-abot niya sa driver ng bayad bago bumaba.

Pero bago niya pa lang mabuksan ang pinto, nakita niyang pababa rin ng kotse nila ang mama niya at si Yaya Melay.

"Huh?" Dahan-dahan niya tuloy isinara ang pintuan ng taxi. Hindi niya alam kung bakit siya nagtatago.

Pero pagkatapos makapasok, agad din siyang sumunod sa loob.

"Ma? Saan kayo galing?" Alam niya naman na nagsabi ang nanay niya na may pupuntahan ang mga ito kanina bago siya sunduin ng kuya Aldrin niya, pero hindi niya alam kung bakit parang may mali...

"Anak ng!" Halos madapa si Yaya Melay sa pagkagulat.

"Bakit parang nakakita ka ng multo yaya?" Humarap siya muli sa ina. "Mommy, saan kayo galing?"

Halos blanko ang mukha na lumingon ang ina.

"Oh, Lee. Bakit ka naka-gown? Saan ang lakad mo?"

"Mommy?" Napaatras si Lee. Bakit hindi naalala ng nanay niya na prom niya ngayon?

"Uhm, Lee. Magbihis ka muna ah." Humarang sa pagitan nilang dalawa si Yaya Melay. Naiwang nakapako si Lee sa kinatatayuan.

 Naiwang nakapako si Lee sa kinatatayuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now