Chapter 74 - Love endures (January 11, 2020)

21.8K 694 146
                                    

Chapter 74 - Love endures

Chapter 74 - Love endures

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 14, 2019

Halos tumalon ang puso ni Lee nang makalabas siya sa bahay nila nang hindi nakikita ni Ericka. Pero kabadong-kabado pa rin siya hindi lang dahil sa pag-iisip na baka nasa paligid lang ito at baka bigla na lang lumitaw sa isang kanto na lalakaran niya, iniisip na rin ni Lee si Perci.

She didn't know if she acted correctly earlier. Nagbangga lang naman silang dalawa ng hindi sinasadya, pero ang reaksyon niya, sobrang halata.

Iniisip niya pa rin kung totoo ba lahat ng sinasabi ni Ericka. Iniisip niya kung nagbigay ba siya noon ng intensyon sa kapatid ni Odyssey kaya nagkaroon ito ng paghanga sa kanya. But Lee also realized, that it didn't actually matter.

Hindi niya kailangang maging ganoon kay Perci dahil lang sa sinabi ni Ericka. Maayos ang samahan nila at kailangan niya ring magtiwala sa kapatid ni Odyssey. Kung ano man ang totoo, kung ano man ang nararamdaman nito, hihintayin niyang ito ang magsabi sa kanya at ayaw niyang husgahan ito dahil lang sa mga narinig niya.

Dumaan muna si Lee sa tindahan ng prutas para bumili ng simpleng pwedeng ibigay kay Odyssey. Dahil kahit pa hindi naman talaga malala ang sakit nito, at umiiwas lamang sa stress na dulot ni Ericka na kung makapag-alaga ay masahol pa sa kanya, alam niyang may sakit pa rin ito. Kagagaling lamang sa maliit na operasyon na pagsasara ng butas na ginawa ng mga doktor para makahinag ito.

At para kay Lee, hindi 'yung simple.

Pero hindi maintindihan ni Lee kung bakit noong sasakay na siya ng bus doon sa terminal, hindi niya na alam kung saan na ang punta niya.

"Ha?" Tinitignan niya ang mga karatula ng mga destinasyon. Cubao. Fairview. Alabang. Lawton.

"Ma'am saan po kayo ma'am?" Tanong ng isang lalaki na naka-uniporme nang katulad ng kulay ng bus terminal na 'yun. "Cubao? Dito Cubao!"

He is clearly asking with good intentions pero dahil may kung anong nangyayari kay Lee, naging iritable siya sa paulit-ulit nitong tanong.

"Saglit lang! Saglit! Manahimik ka muna!"

Halos tumaas ang kilay ng lalaking harap sa bigla niyang pagtataray.

Of course, he didn't know that she has just dissociated. That she just suddenly didn't know where she is and what she's doing.

Pinagmasdan ni Lee ang nasa kamay niya at nakita ang mga prutas at bulaklak.

"Dadalawin ko ba si Sir Armand?"

Tumingin siya sa mga bus sa harap niya at nakita ang mga papuntang Alabang. Lee just resolves that she is back in 2016 noong mga panahong dinalaw niya ng ilang beses ang tatay ni Odyssey sa Asian Hospital.

Kaya kahit naguluhan ng saglit, sumakay si Lee papuntang Alabang para lang maguluhan mula pagbaba.

She knew there was something different. Hindi lang ang pamasahe, the buildings have changed. Kahit ang mga daan na tinatahak niya noon, may bahagyang pagbabago.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now