Chapter 54 - The promise (December 23, 2019)

24.8K 705 322
                                    

Chapter 54 - The promise

Chapter 54 - The promise

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

August 16, 2013

"Ayan, lolo Dencio, nabawasan po ba ang pangangalay?" Ani Lee habang inaangat-angat ang braso ng matandang binibigyan ng marahang masahe.

"Lee, pwede ka na umalis. Nandiyan na si Karina." Bulong sa kaniya ng carer na assigned kay lolo Dencio dahil paparating na ang physical therapist nito.

"Ah... okay po..."

How many times has she been looked down dahil reflexologist lang siya. Ilang beses na kasi siyang nasaway ni Karina dahil iniisip nitong napapasama pa ang ginagawa niya sa matanda kahit na nag-training din naman siya para sa trabahong ito.

"Sige po, lo." Paalam niya sa matanda.

"Salamat, Lee. Happy birthday."

May kirot na naramdaman si Lee sa puso niya. Mabuti pa ang matandang ito, naalala ang birthday niya. Naluha siya ng kaunti pero pinunasan niya rin agad bago pa makapasok si Karina.

Dahil naabutan pa rin siya ni Karina na nagliligpit ng gamit, she still faced her with a lot of indifferences.

"Lee." Suway nito na parang pinagbabawalan talaga siyang galawin ang matanda kahit na ang Dela Cerna mismo ang pumapayag sa mga reflexologists for the elderly at ang rason kung bakit nag-aral ng ganoon si Lee. Hindi niya naman pinilit ang sarili niya doon.

Pero para hindi masira ang araw, wala na lang siyang sinabi.

"Wala siyang ginagawa. Nag-uusap lang kami." Si lolo Dencio ang sumagot kaya nginitian niya ito bago tuluyang lumabas ng kwartong iyon at nagtuloy-tuloy sa labas ng Dela Cerna.

Bumili na lang siya ng ice cream sa manong sorbetero na hindi pa rin nauubos ang paninda kahit hapon na. Umupo siya sa waiting shed sa gilid ng nursing home at pinanood ang lumulubog na araw.

She didn't even feel it is her birthday. Parang ordinaryong araw lang. Doon niya lang naramdaman lahat ng pagod at hirap ng buong araw na 'yun, at pinili niyang hindi na bumalik ulit sa tabi ng kama ng nanay niya dahil ang sakit na hindi na naman siya nito maalala kanina.

Ilang buwan na simula noong nagkaroon ito ng lucid moments at hindi na naulit 'yun. Iniisip niya na pagbibigyan siya ng universe ngayong araw dahil kaarawan niya naman— pero hindi.

She felt a stinging sensation on her sinuses dahil pinipigilan niyang umiyak habang naaawa siya sa sarili niyang magisa lang siya doon.

"Happy birthday, Lee." Tinapik niya ang sariling pisngi, encouraging herself. "You did well. You did very well."

Pero hindi pa rin niya napigilang umiyak dahil biglang bumigat na naman ang kwintas na naka-suot sa leeg niya.

Miss na miss niya na si Odi.

Matapos maubos ang ice cream, binilang niya ang mga natitirang pera at pumunta sa internet cafe para mag-rent ng computer at makapag-internet.

"Ngayon lang... Ngayon lang kasi birthday ko naman." She said to herself habang binubuksan ang facebook ni Odyssey.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now