Chapter 11 - Give up (July 23, 2019)

37.1K 947 60
                                    

Chapter 11 - Give up

December 17, 2010, later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

December 17, 2010, later

"Nako, Lee. Hindi pwedeng mag-swimming. Isusumbong talaga kita sa mommy mo."

"Anong gagawin ko, yaya?" Lee replied witha monotonous tone. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard dahil hindi pa rin nito masyadong maigalaw ang hita, pababa.

"Nakakasama pa rin sa bali mo 'yung pagsu-swimming!"

"Pero hindi siya masakit kapag nasa tubig ako, 'Ya Mels. Hindi naman ako magsu-swimming na parang Olympics. Bababad lang ako para ma-relax 'yung paa ko."

Hindi na alam ni Yaya Melay ang sasabihin para pigilang mag-swimming ang alaga. Kahit naman kasi simple lang ang pagbabad sa tubig, kapag sinapian si Lee ng katakot-takot na enerhiya, maglilikot pa rin ito at malamang habulin ng habulin si Mizzy.

"Naalala mo 'yung nanonood tayo ng therapy sa youtube? Sa tubig 'yun 'di ba?"

"Pero wala tayong kasamang therapist. Kumain ka muna sa baba at mamaya tayo mag-usap."

"'Ya Mels, please."

"Alam kong masakit, pero sino ba kasi nagsabi sa'yo na pumunta ka doon sa highway ng naka-bike? Tignan mo ang napala mo? Sino ang nagba-bike sa highway, mabuti na lang at mabait ang daddy mo hindi na inungkat kung bakit ka nandoon."

Hinila ni Lee ang braso ng yaya niya at niyakap.

"Alam ko namang hindi mo ako ilalaglag kay daddy."

"Ewan ko talaga sa'yo Lee." Yaya Melay put up an angry front kahit mabilis naman talaga siya mapalambot ng paglalambing ng alaga.

That was when the door burst open.

"Lee!" Humahangos na sabi ni Mizzy.

Tumaas ang isang kilay ni Yaya Melay. Pinababa niya si Mizzy para magsabi sa tatay ni Lee na ayaw kumain ng anak nito. Hindi niya alam kung bakit bumalik ito agad na parang may dalang masamang balita dahil humahangos ito.

"Lee! Lee!"

"Ano?"

"Kailangan mong bumaba." Hinahabol pa ni Mizzy ang hininga nito.

"Buhat!" Itinaas nito ang kamay nitong na parang baby na nagpapakalong.

"Huwag kang magpa-baby diyan!" Halos hampasin na siya ni Mizzy.

"'Di ako nagpapababy. Oh." Tinuro nito ang paa nito na talaga namang hindi pa rin nagfa-function ng maayos.

"Umayos ka Lee. Nandiyan siya!"

"Sino?"

"Ano ka ba!? Sino pa ba ang hinihintay mo?"

"Sino? Si kuya Aldrin? Baliw 'di ko inaantay 'yun. Siya naman nagprisintang pumunta."

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now