Chapter 51 - Begrudge (December 21, 2019)

24.4K 711 145
                                    

Chapter 51 - Begrudge

Chapter 51 - Begrudge

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

February 10, 2012

"Bye, kuya." Kumaway si Lee kay Aldrin. Katulad noong isang taon, ito at ang driver na naman kasi nito ang naghatid sa kanya sa prom kahit wala na ito sa high school nila ngayon. "Ako nang bahala dito kay Louella."

Tinapik ni Lee ang balingkinitang babae sa tabi niya na lumabas din galing sa sasakyan ng mga Castro. Pinsan ito ni Aldrin na ngayong taon ay junior sa eskuwelahan kaya kasabay nila sa JS Prom na ito.

"Okay, enjoy your night!" Gumanti rin ng kaway si Aldrin bago marahang tumango kay Odyssey na naghihintay kay Lee.

Nagngingitngit ang panga ni Odyssey. Hindi man maamin, masama ang loob niya na wala siyang kakahayang sunduin at ihatid si Lee. Noong tumingin siya noon kung magkano mag-arkila ng service katulad ng mga ginagawa sa mga foreign chick flicks na pinapanood nila ni Lee kung saan nag-aarikala ng limo ang mga lalaki para sunduin ang mga prom date nila, halos atakihin siya sa presyo. Dahil hindi niya kaya ang mga ganitong luho.

Wala siyang kakayahan para gawin ito dahil maging siya, nag-commute lang nang naka-suite para lang makarating dito. Kaya nanatili lang siyang tahimik habang inaantay na makalapit ang babaeng ngayon ay sobra niya nang mahal.

Naalala niya, noong isang taon lang, hindi niya pa maintindihan lahat ng nararamdaman niya kaya nasaktan niya pa ito. Tapos heto na naman siya ngayon, kinakain ng insecurity.

"Sige, ate Lee. Mauna na ako sa loob!" Paalam ni Louella na masiglang pumasok at iniwan si Lee kay Odyssey.

"Hey! Tara na?" Isinilid ni Lee ang braso niya sa bisig ni Odyssey at naglakad papasok, hindi man lang napansin ang madilim na itsura ng lalaki.

Natawa agad si Lee nang makita ang Kool-Aid na sine-serve sa loob. Naalala niya kung anong nangyari noong isang taon matapos mag-fluctuate ang kuryente at natapunan niya, sa lahat ng tao, si Odyssey pa talaga.

"Huwag kang magaalala, ngayon hindi na kita tatapunan!" Nakangising sabi ni Lee.

Pero nanatiling seryoso si Odyssey. Halos parang tuod na nakatayo lang sa gilid ni Lee.

"Anong problema mo na naman?"

"Wala."

Napailing na lang si Lee at hindi pinansin ang topak ng kasama niya. Kilala niya na kasi ito. If you force him to open up, mas lalong hindi ito magsasalita. Inisip niya na lang kung may nagawa ba siyang masama, o kung may pinagdadaanan ba ito sa labas ng relasyon nila at ng eskuwelahan.

Umandar ang gabi na nakaupo sila sa isang lamesita kasama ang ilang mga ka-klase. Tahimik na kumakain at nagpapakiramdaman. Hindi naman gaanong nababahala si Lee dahil inaasikaso pa rin naman siya ni Odyssey kahit na malamig ito ngayong gabi.

He still fixes her cocktail dress when the straps fall down her shoulders. He still wipes her face with his hanky. He also still pushes the curtain of her bangs into the back of her ears when the industrial fan blows it away.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt