Chapter 30 - Ghost from the past (November 22, 2019)

29.1K 797 278
                                    

Chapter 30 - Ghost from the past

Chapter 30 - Ghost from the past

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

June 01, 2019

"Tinatanong ni Perci number mo." Tanong ni Mizzy habang nakatambay sila sa apartment ni Lee. "'Di ko binigay."

"Thanks." Ngumiti si Lee.

"Pero mago-sorry lang daw siya sa ginawa ng ex-girlfriend niya."

Napaisip si Lee at naalala ang nangyaring sampalan sa La Renta. Kahit wala na ang bakat sa mukha niya, nararamdaman niya pa rin ang sakit from that day kapag inaalala niya.

But it wasn't all for naught. Dahil kahit wala pa rin siyang napala sa pagkuha ng schedule kay Julius Javier, at least she was able to hear his side.

Napangiti na lang siya.

"Bakit?" Mizzy raised an eyebrow as Lee's smile disperses on her face. "Nagkita kayo ni Perseus?"

Tumango si Lee. Hindi na kasi niya ito naikwento sa kaibigan. Lee is too busy trying to find ways to save her job. Mabuti na lang, natapos ang linggo na hindi pa rin siya natatanggal.

"Anong ginawa sa'yo ng ex-girlfriend niya."

Doon lang niya naisalaysay ng buo sa kaibigan ang mga nangyari. Mula sa aksidenteng pagkikita nila habang inaantay ang secretary ni Julius Javier, hanggang sa biglang pagsampal sa kanya ng isang babae.

Of course, she omitted the fact that it was Odyssey who pried her away from harm.

"Loko pala 'yang babae na 'yan eh!" Lumapit pa si Mizzy para suriin ang mukha ni Lee kung may sugat ba ito. "Eh kung sabihin ko kaya kay Perci na duguan mukha mo nang makonsensya?"

"Grabe. Okay na ako."

"So anong sasabihin ko dito? Ang kulit eh."

"Wala sabihin mo okay na ako."

Nag-reply si Mizelea at nakareceive naman agad ng text pabalik na parang nakabantay si Perci sa cellphone nito.

"Ang sabi, Pakisabi kay ate Lee magkita naman kami for old time's sake. I promise hindi ko sasasabihin or dadalhin si kuya Odi kung ayaw niya. Pero sana pwede siyang makita sa Pink's sa may Shang ng mga 5pm bukas. I'll be waiting."

Natahimik si Lee.

"Aba't nagbigay ng time and date ang gago. Hindi muna itanong kung available ka?"

"Manang mana talaga yan kay..." Si Lee na mismo ang kusang tumigil sa pagsasalita.

"Mana kanino?" Mizzy probed as she smirked.

Lee just clears her throat as if nothing happened.

"Makapag-Tinder na nga muna." Iniba niya ang usapan at humarap sa cellphone. She randomly swiped some people left and right. Naging laro na nga lang ito sa kanya dahil hindi naman siya sumasagot sa mga nagcha-chat.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now