Chapter 32 - Getting back (November 24, 2019)

27.6K 868 255
                                    

Chapter 32 - Getting back



June 02, 2019

"Saan lakad niyo ngayon?" Tanong ni Perci sa kapatid nang makitang paalis ito kahit tanghali na. Linggong-linggo pero malaki ang dala nitong bag.

"Bakit?"

"Wala lang."

He usually doesn't meddle with his brother's affairs, pero gusto niya lang makasigurado na wala ito sa malapit ng pagkikitaan nila ng ate Lee niya. Because as much as he wanted them to fix each other's shits, he also had so much respect to Lee to lie to her.

Hindi niya talaga ipapaalam sa kuya niya, kahit pa magalit ito sa kanya kapag nalaman nito.

But he was acting a little too strange for his brother to notice.

"Anong meron sa'yo? May gagawin ka na namang kalokohan 'no?" Odyssey noted on his brother's awkwardness. It is obvious that something is up.

"Kalokohan ka diyan."

"Bakit nga?"

"Wala. Masama magtanong?"

"Kapag ikaw nagdala ng babae dito. Sinasabi ko sa'yo."

"Wow. Di porket single ka, kailangan single na rin lahat ng nasa bahay."

"Ewan ko sa'yo." Odyssey prepares to leave. "Ikaw hindi ka rin natutulog ng maayos. Gabing-gabi na kagabi, wala ka pa. Saan ka nagpupupunta?"

"10pm po ako umuwi. Grabe ka naman mommy. Maaga pa 'yun eh." He teased his brother.

But Perci knew that Odyssey wasn't entirely wrong. Dahil kahit maaga siya umuwi kagabi, hindi rin siya nakatulog. Not even a wink.

Because he asks to meet with Lee not just for the sole reason of apologizing for Monique. He asked to meet with her for other things. Mga ibang bagay na gumugulo sa kanya simula dati pa.

Kaya nang umalis ang kuya niya, he readied himself and proceeded early on Pink's.

Not knowing that someone's following him.

-o-

Natapos lahat ng inaasikaso ni Lee nang mga alas onse na ng gabi. Nang yayain siya ni Perci na makipagkita, she knew she was not able to make it. Hindi lang dahil sa ayaw niyang makipagkita dito bilang kapatid ni Odyssey, pero dahil marami siyang inaasikaso para sa nanay niya.

But as midnight approaches, unti-unti rin siyang nako-konsensya. Alam niyang 5pm pa ang oras na sinabi ni Perci sa text nito kay Mizzy at paniguradong wala na ito ngayon doon.

Kaya kahit sobrang pagod na siya sa dami ng inasikaso kanina, her feet took her to Shang. She thought to herself, sisilip lang siya sa Pink's. Dahil makakatulog lang siya ngayong gabi, kapag nakitang wala na ito sa paligid.

Only, she was wrong.

As soon as she arrived, she realized that Pink's Hot Dogs BGC is actually open 5:00pm to 2:00am. At nandoon pa rin si Perci, kumakaway sa kanya kahit maga-alas dose na.

It means he was really ready to wait for her until 2AM.

Wala siyang nagawa kundi pumasok at umupo sa tabi nito.

"I knew you're gonna appear no matter what." Ani Perci at tumayo para yakapin siya.

"Mabilis lang ako, ha? Gabi na eh." Paalala ni Lee.

"Order ka muna." Perci pushed the the menu on her side.

Napasimangot si Lee nang makita ang presyo ng mga hotdogs. Halos 300pesos ang isa. Naisip niyang ilang Jollihotdog na ang mabibili non.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now