Chapter 59 - Recoil (December 31, 2019)

20.1K 635 99
                                    

Chapter 59 - Recoil

Chapter 59 - Recoil

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

March 19, 2012

"Okay ka na ba?" Hinawakan ni Odyssey ang dalawang kamay ng babaeng nasa harap niya.

Ngumiti si Ericka. Pinisil ang dalawang kamay ni Odi.

At this point, Odyssey has no idea that Mizzy was talking to Lee outside. Hahanap pa ng magandang anggulo at kukuhanan ng litrato ang eksenang ito.

"Ang laki mo na. Dati lang, hanggang balikat lang kita."

"Okay ka ba?" Ulit ni Odyssey.

"Okay ako."

"Hindi ka na gumagamit ulit?"

Lois Ericka winced at his words.

"Bata ka pa..."

"Bata lang ako pero alam ko 'yun ate. Mali ang gumamit 'nun. Kakalabas mo lang ng rehab."

"Alam kong mali. Jusko naman." Ani Ericka. She pulled her hands this time. "Lahat naman siguro alam na pinagbabawal na gamot 'yun. Pero tingin mo ba, ginagawa ko 'yun dahil gusto ko?"

"Ate..."

"Gusto ko lang makalimot. Kahit sandali."

Napailing si Odyssey.

"Pero anong nangyari? Nahanap pa rin ako ni mama. Ayaw ko na sa poder niya. Sa inyo na lang ako ni Perci."

"Hindi pwede hangga't gumagamit ka."

"Odyssey naman. Alam mo naman kung bakit."

"Alam ko kung bakit. Alam ko lahat. Pero hindi ka pwede sa'min hangga't hindi ka malinis. Menor de edad si Perci." Ani Odyssey na akala mo hindi siya kaparehas na menor de edad din.

"I promise. Hindi na ako gagamit kapag sa inyo na ako nakatira. Hindi naman ako magiging pabigat. Magta-trabaho din ako."

"Hindi lang naman 'yun. Walang compromise ate. I promise, ako pa mismo magiimbita sa'yo kapag alam kong malinis ka na ng matagal na panahon."

Batang-bata pero kung may makakarinig, aakalaing si Odi ang kuya. He bears so much responsibility for his little family and he will do everything for Perci. He wouldn't let him be tainted with these corrupt issues. Kahit ito lang ang maibibigay niya para dito. Kahit na masakit din sa loob niya na hayaan si Ericka na manatili sa nanay nila.

Kahit hindi niya pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit ito lang ang kinuha ng mama niya at hindi silang dalawa ni Perci.

Kaya noong kinagabihan, nang kumprotahin siya ni Lee kasama 'yung larawan, wala siyang masabi.

Hindi sa gusto niya itong itago. Masyado lang itong mabigat— lahat ng kinakaharap niya tungkol sa pamilya— para ilagay niya sa harap ng utak niya sa ibabaw ng lahat ng mga mas importante pa.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now