Chapter 12 - Looking in the mirror (July 23, 2019)

35.8K 978 81
                                    

Chapter 12 - Looking in the mirror

Chapter 12 - Looking in the mirror

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 11, 2011

"Lee! 'Yung mata mo! Manalig tayo kay Hyunbin-oppa." Pinalo siya ni Mizzy nang makitang nakatingin siya sa nagsasayaw ng quadrille sa harap.

Practice kasi ngayon ng cotillon ng halos lahat sa kakaunting 3rd and 4th year high school ng eskuwelahan. Pero bago kasi magsayaw ang lahat into one organized dance routine, magsisimula muna ito sa sayaw ng dalawang pares sa harap na kung tawagin ay quadrille. Obviously, model student Odyssey was one of them at ang kaparehas nito ay si Danielle. Ang isa pang pares ay ang kaklase nilang si Eliseo at isa pang babaeng taga ibang section.

"Ang tagal-tagal mo nang matatag Lee. Isipin mo 'yung Secret Garden! 'Yung kilig na naramdaman mo 'nung pinapanood mo 'yun. The sit-up almost kiss. The foam kiss. Lee, huwag kang mabulag sa tikling na 'yan friend." Pilit pinapaalala ni Mizzy sa kanya ang kdrama na kakatapos pa lang noong isang buwan. Totoo namang nabuwang siya dito, pero hindi niya talaga alam kung bakit parang magnet na napapatingin siya sa harap.

"Oo. Alam ko." Kinuha niya ang ID niya at tinignan ang picture korean actor na si Hyun Bin na nilagay niya sa loob. "Hyun bin oppa, help me."

Natawa na lang si Mizzy while turning Lee's vision away from the couples dancing in front of everyone.

"Partners. Parters! Get ready!"

Muli silang naghiwalay ni Mizzy at bumalik sa kanina pa nilang kinatatayuan.

Lee felt a little uncomfortable dahil sa lahat ba naman ng maipapartner sa kanya sa Grand Cotillion na ito, si Julius Javier pa talaga? Masugid niya itong manliligaw na wala yata sa bokabularyo ang NO dahil kahit ano pa yata sinasabi niya dati, hindi naman ito huminto.

Mabuti na lang at kung masugid ito, mas masugid siya dati sa pagsunod-sunod kay Odyssey. Kaya natatabunan ng efforts niya ang efforts ng lalaking ito pagdating sa panliligaw. She always tells him that there's already someone in her heart. And it's very obvious that it's Odi. nakakainis lang dahil ngayon na pinipilit niyang tinatanggal paunti-unti si Odyssey sa sistema niya, hindi na niya magagamit ang dahilan na ito para patigilin si Julius sa paglapit sa kanya.

Kaya habang nagsasayaw~ while Julius' eyes are sparkling while giving her a spin, lalong sumasama ang pakiramdam ni Lee. But at the same time, every turn, every step, she is having a great realization towards Julius. Ngayon lang niya ito natitigan ng ganito. Kaya ngayon lang din niya naramdaman ang ganitong pakiramdam.

It's not that she's falling in love with him now, but she's just seeing herself in him.

Bigla siyang nalungkot. At nahiya.

Nang matapos ang practice, Mizzy immediately confronted her dahil nakita rin pala ng kaibigan niya kung paano niya titigan si Julius.

"Ang sinabi ko, mag-move on ka. Hindi ko sinabing ma-inlove ka sa iba." Ani Mizzy habang naghihilamos siya sa CR.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon