Chapter 56 - Out of it (December 25, 2019)

22.5K 665 174
                                    

Chapter 56 - Out of it

Chapter 56 - Out of it

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

February 15, 2015

"It's so nice here 'no?"

"Ang ganda nga. Sobrang ganda." Ani Odyssey kay Danielle habang nakatingin sa horizon. Maganda ang mga sinasabi nito, pero walang buhay ang mga mata.

Walang magawa si Dani kundi manahimik na lang sa tabi nito.

Nasa tuktok sila ng Marina Bay Sands at nagdaraos ng anniversary ng organization nila. Naka-suot ng bath robe halos lahat ng international students na mga orgmates nila dahil handa na sa pagligo sa napakalawak na infinity pool na nakalatag sa tatlong building ng Marina Bay Sands.

Ito ang isa sa pinaka-sikat na icon ng Singapore at isa rin sa mga pinaghahandaang makita ni Odyssey noon. Dahil nakapunta na si Lee dito, naalala ni Odi kung paano nito ibinibida kung gaano kaganda ang lugar.

She would always say how she's not a beach person kaya mas naeenjoy nito ang mga pools. May takot daw si Lee sa mga pwedeng makita sa ilalim ng dagat so she feels safer in pools. And this infinity pool 57 floors above the city is one of her favorites.

Iniisip ni Odyssey dati nna pagiipunan nila ang pagcheck-in sa hotel na 'yun para lang sa infinity pool sa taas dahil hindi basta pwedeng pumasok lang doon ang isang tao para makapag-swimming. Medyo mahal ang pinaka-murang room kaya pinaghahadaan niya na, natanggap niya pa lang ang acceptance letter dati.

But now that he's finally here, totoong maganda. Pero sobrang lungkot niya.

He would imagine how Lee enjoyed this big pool. How she looked into the skyline as she smiles.

It hurts to remember her smile.

"Tangina." He whispered as he tried to reign his emotions in. Ilang taon na pero siya pa rin laman ng utak niya.

Nakaka-survive siya sa araw-araw na buhay niya dito. Minsan okay siya. Minsan akala niya naka-move on na siya. Pero sa mga oras na naalala niya ito katulad nito, kahit wala naman silang ala-ala ng magkasama dito, parang gusto niya na lang magpakalunod sa pool sa harap niya.

"Dani, aren't you gonna dig in?" Sigaw ng isang Indonesian orgmate nila sa may buffet table where the cocktail is served.

"Yep!" Sigaw ni Danielle bago tumayo. Tinignan niya muna si Odi na nakaupo sa isang bench at tanging hindi naka bathrobe dahil wala itong balak maligo. Hindi niya maintindihan kung bakit lumubog na naman ang mood nito kahit nagsasaya lang sila kahapon bago pumunta dito.

"Halika na doon?" Yaya niya dito.

Nang makarating sila sa harap ng mga pagkain, Odyssey couldn't fake his appetite kahit na masasarap at binayaran talaga nila ang pagkain doon.

He just went in front of the grazing table para kumuha ng ilang fruits and nuts kaysa kumain ng proper meal na baka hindi niya naman maubos.

Danielle noticed this.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now