Chapter 53 - Going back to me (December 22, 2019)

24.5K 667 206
                                    

*WARNING*

Slightly mature content. Lol

~~

Chapter 53 - Going back to me

Chapter 53 - Going back to me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

March 12, 2012

Inihatid ni Eliseo si Lee sa mga upuan matapos isayaw ng kaunti. Masakit na kasi ang paa niya dahil sa suot na heels at dahil kanina pa sila nagsasayaw ni Odyssey.

"Awatin mo na 'yung best friend mo." Eli motioned towards Mizzy na kasalukuyang kasayaw na ngayon ni Odyssey.

Ngumiti si Lee. Kanina pa kasi talaga nangungulit si Mizzy na isayaw siya ni Eli at ni Odi para naman daw may mag-sayaw nito ngayong Graduation Ball. Tinotoyo na naman.

Iba pa kasi ito sa JS Prom na naganap noong isang bwan. Dito sa okasyong ito, sila na lang mga seniors ang nagsasaya at mas pormal. Pero walang pakialam si Mizzy sa kapormalan ng okasyon dahil gusto lang nitong magparty!

Isa si Mizelea sa klase ng babaeng nagsasabing wala silang jowa, pero ang totoo, kapag may lumapit na, tinataboy naman nito palayo. Katulad noong mga ibang lalaking nagyayayang magsayaw sa kaniya kanina, pero umayaw naman ito. Tapos ngayon pinipilit lang ang mga ka-close nito na ang mga ito ang magsayaw dito na parang wala ng ibang choice kahit ang totoo, mayroon naman.

"Hayaan mo siya." Ani Lee.

Eli just nodded when he noticed Danielle sitting on the other side of the table. Ito naman ang nilapitan nito.

"Would you like to dance, Dan?"

Mapakla ang ngiting ibinalik ni Dani kay Eliseo sabay lilis sa suot laylayan ng damit niya para ipakita ang mga paa.

"Sorry. Nagpaltos na 'yung paa ko." Aniya.

"Ah. Okay. Okay lang. Upo lang kayo diyan." Sagot ni Eli bago naglakad palayo. "Ang hirap maging babae, bakit pa kasi kailangang mag-matangkad na sapatos."

Lumapit naman si Lee kay Dani para tignan ang paa nito. Parehas pala sila ng pinagdadaanan pero wala namang paltos ang sa kanya. It was just hurting a bit dahil nangangalay siya.

"Band-aid?" Tanong ni Lee dito habang naghahalungkat sa maliit niyang purse. Napaghandaan niya na kasi ang mga ganitong bagay kaya bukod sa cellphone, isang lipstick at pera, may adhesive bandage din siya.

"Sige, kung may extra ka pa."

"Sure." Pero imbes na i-abot ang adhesive, lumuhod si Lee.

"Huwag na. Ako na."

"Nandito na ako eh." Lee managed to push the shoes away before sticking the adhesive to the blistering tendon. "Ayan. Okay na ba?"

"You are perfect..." Hindi napigilang maiusal ni Danielle.

"Huh?" Natatawang sabi ni Lee habang bumabalik sa upuan. Tuluyan niya nang tinanggal ang heels at nakayapak na sa school grounds. Feeling niya ang OA naman ng reaksyon ni Danielle eh naglagay lang naman siya ng band-aid para dito.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now