Chapter 40 - Make me (December 04, 2019)

27.7K 912 375
                                    

Chapter 40 - Make me

Chapter 40 - Make me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

March 23, 2012

"Yes! Oh my god! Yes!" Nagtatatalon si Lee nang makita nila ang pangalan ni Odyssey sa mga na-shortlist na nakapasa. Halos ibato niya ang phone niya sa sobrang saya.

"Singapore! Here we fvcking come!" Sigaw niya like she's the queen of the world. Halos mabingi na si Perci.

"Fvcking na, come pa." Natatawang sagot ni Odi

"Wow. Nagjoke siya!" Sinapo niya ang noo ni Odyssey. "May lagnat ka ata ah. O nahawa ka na sa kapatid mo."

"Wag niyo ako idamay."

"Wushu wushu. Simula na nang pagtatampo ni Perci baby, kasi maiiwan siya mag-isa. Mami-miss niya si ate Lee niya." Lumipat si Lee sa pangungulit kay Perci at ito naman ang kinurot-kurot.

"Ay! Wag kase!" Hinawakan ni Perci ng mahigpit ang kamay ni Lee.

"Aray naman!"

"Perseus, masaktan ate mo."

"Hay. Ewan ko sa inyo! Mag-asawa na nga kayong dalawa." Nagtatatakbo itong lumabas.

"Anong gagawin mo, mami-miss ka ng kapatid mo."

"Mami-miss ko din naman siya."

Nagulat si Lee sa pag-amin ni Odi. Talagang ibang-iba na ito kaysa sa dati. He can somehow speak his heart without so much hesitation.

"Pero para din naman sa kanya 'to."

"I know! Kaya nga sobrang excited ako! My god! I can't believe it?!!!"

"You can't believe it? Akala ko ba sure ka na papasa ako. Tapos ngayon, sigaw ka ng sigaw diyan."

"Baliw! Bawal ba ma-excite? Sungit nito!"

"Biro lang." Odyssey hugged her. "Thank you... thank you..."

"Anong thank you? Ako ba nagpasa sa'yo? Utak mo naman lahat gamit mo. Buti sana kung ako nagreview sa'yo 'di ba?"

"But if not for you, I wouldn't have taken the test, and the skype interview..." He was talking about those things na kasabay ng entrance exam sa dalawang malaking school na gusto rin niyang pasukan.

Entering this university was a big risk dahil mawawalan siya ng dalawang back-up. Laking takot ni Odyssey na kung hindi siya makakapasa, malaki ang mawawala.

Kaya sa huling sandali, he hesitated a lot. He thought of the things at stake.

But of course, it was Lee who pushed him to take the risk.

It was her, who made him forget all his fears of failing. It was her who made him aim higher.

Because in the end, she said it was all for his brother. Na kung makakapasa siya at makakakuha ng malaking stipend, it will be more than enough to save for his brother's college fund. Kumpara sa pagwo-working student niya dito. It will really save him a lot of time, and effort.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon