Chapter 13 - Kool-Aid (July 24, 2019)

34.9K 1K 156
                                    

Chapter 13 - Kool-Aid

Chapter 13 - Kool-Aid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

February 14, 2011

"My goodness!! Ayoko na! Ayoko na pumunta!" Halos umiyak na si Lee nang sabihin ni Yaya Melay na tinagusan niya ang prom dress niya. Isang oras na lang bago siya sunduin ni Aldrin pero heto siya at nagkakalat pa.

"Bakit kasi hindi mo alam kung kailan ka magkakaroon? Ano ka ba naman Lee? Hindi ka ba nagbibilang?" Pinagagalitan siya ng mommy niya na kakauwi pa lang galing ng GenSan.

"Bakit naman ako magbibilang mommy hindi naman ako nakikipag-sex?"

Halos mamula si Kristina sa sagot ng anak niya. Napatawa na lang din si Yaya Melay na tinutulungan si Lee na hubarin ang gown niya.

"Kahit na!" Nakabawi naman agad ang nanay ni Lee and gave a reasonable comeback. "Counting your menstrual cycle isn't just about pregnancy!"

"Oo na mommy. Sorry na." Yumakap naman si Lee sa mommy niya to appease her. "Sige na bibilangin ko na from now on."

"Oo na. Oo na... Mag-shower ka muna doon."

"Pwede kaya mommy huwag na ako pumunta?"

"Siyempre hindi pwede. Dadating na kuya Aldrin mo. At may pupuntahan pa kami ng yaya Melay mo."

"Saan kayo pupunta ng gabing-gabi? At saka may mga tao pa rin naman sa bahay kahit wala kayo."

"Basta. Hindi pwedeng hindi ka pumunta. 'Yung ibang mga schools hindi nagje-JS Prom kaya you have to be thankful that you'll get to experience these kinds of things, Lee."

"Pero natagusan ko na nga 'yung gown ko!"

Ipinagtulakan na siya ng mommy niya sa CR and a few hours later, hindi niya alam kung anong milagro ang nangyari dahil wala nang bakas na dumi sa gown niya in a few hours. Pero kahit na wala nang kita sa labas, masamang-masama naman ang pakiramdam niya bago pa man siya sunduin ni Aldrin dahil sa sakit sa puson.

Kaya sa sasakyan pa lang habang katabi si Aldrin papunta sa school quadrangle kung saan gaganapin ang JS Prom, badtrip na siya. Pinagpasalamat na lang din niya na may kasama pa silang isang babae, na prom date ni Aldrin who's also a senior. It was a general rule in their school that you can only take dates within your year level, kaya hindi na rin siya kinulit ni Aldrin para maging prom date. Kaya heto sila, pareparehas na walang sinasabi while Aldrin's driver takes them to their school.

Halos masilaw si Lee sa damit niya pagbaba pa lang niya ng sinasakyang Van. The diva lights and the photographer's flashes reflected on her shimmering gold gown.

"Let's go?" Inalalayan siya ni Aldrin habang nakakapit naman ang prom date nito sa tabi.

"Hindi na." She pointed at someone at the side. Nakita na niya kasi si Julius na naghihintay.

She actually didn't want to ceremoniously go inside the hall with a prom date, pero ayaw niya namang maki-third wheel lalo na't parang nahahalata niya na naiinis sa kanya ang promdate ni Aldrin dahil kasabay pa talaga siya sa sasakyan.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now