Chapter 41 - Necklace (December 05, 2019)

27K 988 498
                                    

Chapter 41 - Necklace

Chapter 41 - Necklace

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

March 18, 2011

"Last day of classes na, Lee. 'Di mo pa rin ako pinapansin?" Nakasunod si Odyssey kay Lee.

"Ewan ko sa'yo!" Nag-tatali si Lee ng rubber shoes pero inagaw ni Odi ang mga sintas at lumuhod sa harap niya para ituloy ang pagtatali nito.

"Huwag malikot!" Pagtapos sa isang paa, siya rin ang nagtali ng sa isa pang sapatos sa kabilang paa.

"Nakakainis ka kasi!" Ani Lee at nagsimulang maglakad. Sinasama kasi siya ni Mizzy sa isang casual na volleyball match para year ender ng classroom nila, at hindi dapat siya sasama, pero ngayong nag-aaway sila ni Odi, nagbago ang isip niya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Odyssey acted as if opening his polo.

"Tigilan mo!"

Kanina lang kasi, pinakitaan siya nito ng maliit na tattoo sa may dibdib. Although small, it clearly reads Lee in cursive. Umiinit ang ulo niya. She wanted him to be more laid back, pero hindi naman aabot sa pagpapatato!

"'Di ka ba natutuwa?" Natatawang tawag ni Lee.

"Paano kapag nag-break tayo? May Lee ka pa rin diyan?"

Sumimangot si Odi.

"Yun pala talaga kaya ka naiinis?"

"Hindi lang 'yun! Ilang taon ka na ba? Feeling mo cool ka?"

"Kapag nagbreak tayo, bakit? Apelyido ko naman 'to."

Lalong nainis si Lee at hindi ito kinausap bago nagtatakbo sa mga ka-klase.

What she didn't know was it wasn't even real. Kaya tinatawanan lang kanina ni Odi ang itsura nito because he somehow finds it amusing to tease her. Hindi niya naman alam na aabot sa pagbe-break ang usapan.

His mood also plummeted by those words.

Siya lang mismo naggawa ng sarili niyang hukay. It was just a very believable henna. Niloloko lang talaga niya si Lee kanina.

Hindi magaling si Lee sa paglalaro ng volleyball. But she wasn't so bad at all. Nakakapag-serve naman ito ng maayos at nakakapag-receive ng malalakas na palo.

Because she's mad, she was extra intense. At the end of the game, Odyssey was also at the edge of his seat bago naalala ang kalokohang ginawa niya.

Sinalubong niya ito ng bimpo nang matapos magpaalam sa mga kaeskuwela dahil sa susunod na school year na rin sila magkikita. Lee's classmates including Mizzy teased her that they won't be seeing her anymore dahil baka ibang section na siya sa susunod.

Odyssey also wished the same, pero nanatili lang siya sa tabi.

They were the only ones left in the open court when he noticed something.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now