TEASER

10.6K 165 13
                                    


Gustong-gusto nang ipa-annul ni Lara ang kasal nila ng asawang si Dane pero nangako ang lalaki na kokontrahin iyon sa abot ng makakaya nito. Magastos at matagal na nga ang proseso ay tiyak na lalo pang hahaba ang usapin pag nagkataon. Kaya hayun, kahit lagpas dalawang taon na silang hiwalay ni Dane ay hindi pa siya maka-move on nang tuluyan. May gustong-gusto pa naman siyang maging bagong ka-forever, ang best friend niyang si Ivan na nakaramay niya sa marami ng tagumpay at pagsubok.

Until finally, annulment or not, she decided to seduce Ivan. Ginapang niya ang lalaki sa kuwarto nito sa resort, pinag-init nang todo para hindi na siya magawang tanggihan nito. Pero maling lalaki pala ang nagapang niya.

They were both in the throes of delirious pleasure when she discovered it was Dane she was seducing. Nadiskubre rin ni Lara kung gaano pa rin pala ka-potent ang epekto ng lalaki sa kanya.

Noon siya binigyan ng paraan ni Dane para makalaya siya rito. He threw down a challenge. Sumama raw siya rito ng isang buwan at pagkatapos ng panahong iyon, kung desidido pa rin siyang ipa-annul ang kasal nila ay hindi na ito kokontra.

Kakasa ba si Lara? Paano kung hindi niya mapigilan ang matinding sexual attraction niya sa lalaki? Masarap makipag-sex dito, walang duda. Pero hindi lang sex ang kailangan para sa isang masayang pagsasama. At paano na si Ivan na noon pa nagdeklara ng tutoong nararamdaman para sa kanya?

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now