CHAPTER 7

3.5K 79 10
                                    


NAGPATULOY pa ang pagdaan ng mga araw. Mga araw na hindi alam ni Lara kung paano niya naitatawid. Pinipilit niyang magtrabaho. Kahit paano ay naaalis ang pansin niya sa depresyong nagpapasikip ng dibdib niya kapag napupunta sa ginagawa ang pansin niya. Pero maraming pagkakataon pa rin na nawawalan siya ng ganang kumilos. It was as if a suffocating fog of loneliness is enveloping her.

Ang masaklap pa, kinailangan ulit umalis ni Ivan kaya kay Carrie na lang ulit nakakahanap ng pag-alo si Lara. Ayaw naman niyang lagi itong istorbohin dahil alam niyang busy rin ang kaibigan. So most of the time she just forces herself to get through the day on her own. Ni hindi na niya magawang umasa na darating pa ang panahon na magiging masaya ulit siya. She also thought things couldn't get any worse. But they did.

KAKAUWI pa lang ni Lara. Galing siya sa bahay nina Carrie at kung puwede lang ay hindi na muna siya babalik sa kanila. Dapat nga ay bukas pa ang uwi niya. Noong weekend siya biglang nag-decide na pumunta roon, nang pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait sa sobrang katahimikan sa bahay nila.

Nasa business trip si Dane. Wala ng bago roon. Kundi man business trip ang pinag-aabalahan ay nasa opisina ito, nagpapaumaga sa pag-aasikaso ng lahat na yata ng puwedeng asikasuhin doon. Wala itong paki kung kailangang-kailangan ni Lara ang emotional support nito. Basta magtatrabaho ito.

Pinipilit niya itong intindihin. Alam niyang masakit din dito ang pagkawala ng anak nila. Kagaya niya, excited ito sa baby. Hindi nga maiwasang isipin ni Lara na ang pagbubuntis niya nang hindi sinadya – contraceptive failure ang dahilan – ang naging primary reason kung bakit siya nito niyayang magpakasal. Kaya siguro ganoon na lang ang impact kay Dane nang makunan siya. Lara suspects he might have felt cheated. Puwedeng inisip nito na makukunan din naman pala siya, sana ay hindi na lang siya pinakasalan nito.

Puwede ring mali ang akala niya. But she would never know if she's right or wrong because she couldn't get Dane to discuss his feelings regarding his miscarriage. Sa tuwing bubuksan niya ang topic ay umiiwas ang lalaki. Kahit nga kapag nagsisimula siyang maglabas ng hinaing niya, ng emotional pain na nararamdaman niya, ay pinapatay ng lalaki ang topic. If only he knew how frustrating that was for her. Kagaya siya ng isang taong nalulunod, naghahanap ng makakapitan pero tumatanggi si Dane na sagipin siya.

Hindi na nagulat si Carrie nang tawagan niya ito at tanungin kung puwedeng magpunta siya sa bahay ng mga ito. Graphic artist siya, online-based ang trabaho, kaya basta may internet connection ay wala siyang problema. Kung puwede nga lang ay hindi na muna siya uuwi. Pero kahit naman welcome siya anytime sa bahay ng kaibigan ay ayaw niyang makaistorbo nang todo rito. Isa pa, naghahanda para sa pag-alis si Carrie nang mga panahong iyon. Ipinadala ito ng kumpanya sa Singapore at ilang buwan itong titira roon.

Napaaga ng isang araw ang pagbalik ni Lara sa bahay nila. Naisip niya na mas maganda na makapag-relax na muna siya bago dumating si Dane. Nagulat siya nang paghinto ng kotse sa gate ay natanaw niyang nandoon na ang sasakyan ng asawa. So he got home earlier than expected, too. Bakit hindi siya nito tinawagan para ipaalam na nakauwi na ito?

Tatawagin dapat niya ang pangalan nito pagpasok niya sa bahay pero hindi natuloy iyon nang makita ang wine na nakapatong sa mesita. Is Dane planning to surprise her? Balak kaya siyang sunduin nito mamayang gabi at iuwi sa bahay na naihanda nito para sa isang romantic dinner? Hope surged inside her. Hope and another emotion. Desire.

Well, maybe she would surprise him, too. May naisip siyang magandang paraan para matuwa ito. Just thinking about it intensified the tingling she is starting to feel deep inside her. Mula nang makunan siya ay hindi pa sila nagsama sa kama ni Dane, kahit pa nang magaling na siya mula sa surgery at may go-signal na ng doktor na puwede na silang mag-sex. Noong una ay siya ang tumatanggi. She didn't feel up to it. Nagagalit pa siya kapag kinakalabit siya ng asawa. Hanggang sa tumigil na ito sa pangungulit.

Ngayon niya naramdaman ang epekto ng matagal na pagka-tigang. She is suddenly in the mood for some hot, wild lovemaking. Hindi na itinuloy ni Lara ang pagtawag sa lalaki para i-announce ang presensiya niya. Balak niya ay hahanapin niya si Dane at pagharap niya rito ay hubad na siya.

Patiyad siyang naglakad sa kabahayan. Wala sa first floor ang lalaki kaya umakyat si Lara sa itaas. Sa kuwarto nila siya tutuloy dapat pero paakyat pa lang siya ng hagdan ay natanaw niyang bumukas ang pinto ng banyo na nasa second floor. Napatanga siya nang lumabas galing doon si Amber, ang assistant ni Dane, na nakatapi lang ng tuwalya. May ibubulalas dapat siya pero naipit ang boses sa lalamunan niya. She was so shocked she could hardly breathe. Nawindang siya sa suspisyong agad namuo sa isip niya. Na hindi para sa kanya iyong wine na nasa ibabaw ng sofa.

Imbes umimik ay napasiksik si Lara sa likod ng isang poste para hindi siya makita ng babae. Gusto niyang makasiguro na tama ang hinala niya bago siya magwala. Nakita niya na pumasok sa master bedroom si Amber. Itinodo nito ang pagkakabulas ng pinto kaya nasilip ni Lara ang loob niyon. Nakahiga sa kama si Dane, briefs lang ang suot.

Hinila naman ni Amber ang hugpungan ng tuwalya at basta na lang ibinagsak iyon sa sahig. She stood before Dane in all her naked splendor. Hindi na nakita ni Lara ang reaksiyon ng asawa dahil sinipa na pasara ni Amber ang pinto.

She was so stunned she was unable to move for several seconds. At nang sa wakas ay mahimasmasan siya ay matinding galit ang sumulak sa dibdib niya. Hindi malayo na iyong mga panahong laging wala ang asawa sa bahay nila, iniwan siya roon para mag-isang dalhin ang sakit na dala ng matinding dagok sa kanya, ay nasa kandungan ito ng iba. He left her alone to find solace and comfort in another woman's arms.

Ang unang reaksiyon ni Lara ay ang sugurin ang dalawa sa kuwarto, kumprontahin ang mga ito, sumbatan. But as she made a move to walk towards the room, she suddenly felt drained of energy. Para ring ayaw na niya ng maiskandalong kumprontasyon. All she wanted is to get away from it all. Imbes ituloy ang pagpunta sa kuwarto ay tahimik siyang bumaba saka tuloy-tuloy na umalis ng bahay.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now