CHAPTER 11

3.1K 69 6
                                    



"GANOON-GANOON na lang?" anang lalaki.

"Hindi ito ganoon-ganoon na lang. Matagal ko nang nararamdaman na wala akong asawa. And now..." Napailing siya. "You cheated on me, Dane."

"What?"

"Huwag ka ng mag-deny. Nakita ko kayo ni Amber."

"I see." Nagpakawala ito ng hininga. Tumingin lang ito sa kanya nang matagal pagkatapos ay tumalikod ito at umalis na.

She thought that was it. Pero nang tawagan niya si Dane para banggitin ang plano niyang pagpapa-annul ng kasal nila ay kumontra ito.

"You are giving up on our marriage without giving it a chance," katwiran nito.

"Naibigay ko na lahat ng tsansa sa pagsasama natin," ganti niya.

"You really think so?" ani Dane. "Or are you just in so much hurry to be free so you can be with that so-called friend of yours?"

Hindi na gustong patulan ni Lara ang akusasyon ng asawa. Noon pa man ay may mga instances na kinakikitaan niya ng pagseselos si Dane kay Ivan. Hindi siguro iyon maiwasan dahil may mga tao talaga na hindi matanggap na puwedeng maging magkaibigan lang ang isang babae at isang lalaki. At sa kaso niya, aminado si Lara na nandoon naman talaga ang possibility na lumagpas sa friendship ang relasyon nila ni Ivan kung nagpakita lang ito ng kakaibang interes sa kanya noong wala pa siyang asawa.

"Ivan is and had always been just a friend," hayag niya. "Wala siyang kinalaman sa desisyon ko. You abandoned me, Dane. Sa panahong kailangang-kailangan ko ng makakasalo sa sakit na nararamdaman ko ay nagpakalayo-layo ka sa 'kin. Kung hindi man physically ay emotionally. I almost died. Alam mo ba iyon?"

Kitang-kita ang pagkagulat sa ekspresyon ni Dane.

"Of course you didn't. You were too busy with your life to think about me. Pero muntik na 'kong mamatay dahil iyon na rin naman ang gusto ko sanang mangyari. Kung hindi kay... kung hindi sa mga kaibigan ko ay malamang na wala na ako ngayon. I was able to get back on my feet with their help. At na-realize ko na mas gusto ko nang alam kong mag-isa ako kesa iyong akala ko ay may masasandalan ako tapos ay wala naman pala. I want to be free, Dane."

"Give me another chance," anito.

"No."

"Kung ganoon, iyon din ang sagot ko sa annulment na gusto mo. No. I won't give it to you. Puwede kang mag-file pero sinisiguro ko sa iyo na iko-contest ko iyon." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at umalis.

"UY, LARA, hinay-hinay." Pinigilan ni Carrie ang kamay niya na may hawak na baso. Balak niya ay gagawin na naman isang lagukan ang lamang inumin niyon. "Malalasing ka agad niyan." Pangatlong shot na niya iyon at iyong naunang dalawa ay inisang-lagok lang niya.

She is pissed, that's why. Noong isang linggo ay nag-birthday niya. Reminder iyon sa kanya na hindi na siya bumabata. And then just two days ago, si Judy, isang kabarkada nila, ay nag-announce na engaged na ito. Ipinapanood pa sa kanila ang proposal ng nobyo na dinaan sa isang makabagbag-damdaming video. Those two events made her feel that life is passing her by. Na iyong dream niya na magkaroon ng pamilya, or at the very least, a husband to grow old with, ay papalayo nang papalayo sa kamay niya.

Umalis na siya sa bahay ni Carrie. Ayaw niya ng pakiramdam na umaabuso siya sa pagkakaibigan nila kahit pa sabi ni Carrie ay puwede namang doon na muna siya tumira. Nakabili siya ng isang townhouse. Maliit lang iyon pero sakto sa kanya dahil mag-isa lang naman siya. The thing is, she didn't want to be alone anymore.

Kasalanan ni Dane. Kung hindi sana ito nagmamatigas sa pagtanggi sa annulment na isasampa dapat niya ay puwedeng na-grant na iyon ngayon at baka may bagong partner na siya. As it is, she was not even able to file the petition yet. Para kasing useless na gawin iyon kung haharangan din lang iyon ng asawa.

Damn you, Dane! Namura ni Lara ang lalaki sa isipan niya. Damn you, too, Ivan! Nadamay na ang kaibigan niya sa inis niya nang maalala iyong litratong nakita niya sa social media account nito. May kasama itong isang babae. Oh, hindi lang basta kasama. The woman was draped all over him while wearing a skimpy two-piece bikini. Nasa Palawan ang dalawa.

Wala siyang karapatang magalit kay Ivan. Friends lang naman sila. Friends pa rin lang hanggang ngayon at malamang na maging friends forever na lang. Iyon ay sa kabila ng undercurrents na nararamdaman ni Lara na namamagitan sa kanila. The guy has not made any overt moves. Sweet and loving lang ito, katulad ng dati. But there were instances she could almost swear he is about to break out of the friend zone they seemed stuck into.

Kagaya na lang nang nangyari sa party ng isang kaibigan. Mutual friend nila iyon ni Ivan pero hindi sure si Lara kung a-attend ang lalaki. Ang alam niya ay nasa Hongkong ito para sa sa isang seminar.

Malas nga lang na noon pa nagluko ang sasakyan niya. Nag-Grab na lang siya papunta sa venue kahit pa medyo malayo-layo iyon. Kakuwentuhan na niya ang ilang kakilala nang mapako ang pansin ng mga ito sa kung sinong dumating.

SHOWDOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon