CHAPTER 48

2.2K 57 1
                                    



HALOS sabay na pumasok sa pinto ng kuwarto niya sina Dane at Ivan. Mula sa pag-swipe sa tablet ay napatingin sa mga ito si Lara na nakasandal sa mga unan. Nasagot ang tanong niya kung paanong nakapasok ang mga ito sa nang makitang kabuntot ng dalawa si Carrie. Nasa bahay na siya noon pagkatapos ng dalawang araw na pagka-confine sa ospital.

"Kumusta ka na?" Sabay na nagsalita ang ang dalawang lalaki. "Ba't hindi mo ako tinawagan?" Parehong-pareho ang dialogue ng mga ito.

"Wala siyang tinawagan na kahit sino sa 'tin. Nagsariling-sikap siya. Akala mo walang kaibigan sa mundo." Si Carrie ang nagsabi niyon. "Kaya ko lang nalaman na nasa ospital siya eh dahil kailangan niya ng mga gamit dahil mako-confine siya. Pero hapon na rin nang tumawag siya sa 'kin."

"Ayoko lang na mag-alala ka pa." Inulit niya ang dahilang ibinigay na niya sa kaibigan. Sinadya ni Lara na hintaying mag-isa ang resulta ng mga tests na ginawa sa kanya at sa batang dinadala niya bago niya tinawagan si Carrie. Nang matiyak niya na mabuti naman ang lagay ng sanggol at gusto lang na doktor na i-confine siya para makasiguro ito na hindi na ulit magko-contract ang uterus niya ay saka na siya humingi ng pabor sa kaibigan na kung puwede ay dalhan siya nito ng mga gamit niya.

Iyon lang ang hiniling niya rito pero nagpumilit si Carrie na bantayan siya. Ito rin ang kasama niya nang ma-discharge siya. Dalawang gabi na rin itong natutulog sa bahay niya.

"I had to call them. Bukod sa ang dami na nilang missed calls sa iyo eh kailangan kong pumunta sa Cebu bukas. Walang magbabantay sa iyo," anang kaibigan.

"Hindi ko kailangan ng bantay. Kaya ko naman eh." Nang mga panahong hindi pa alam ni Lara kung ano ang mangyayari sa ipinagbubuntis niya ay para siyang masisiraan ng bait sa pag-aalala. Iyon ang panahong kailangan niya ng makakaramay, ng isang taong hahawak sa kamay niya at sasabihin sa kanya na magiging ayos ang lahat.

She was actually on the verge of calling either Dane or Ivan but she stopped herself. Naalala niya ang pangako niya sa sarili na pipilitin niyang maging matatag sa pag-iisa niya. Kung desidido siyang maging single parent ay kailangan niyang simulan na ang maging matatag noon pa lang. Kaya kahit kay Carrie ay hindi niya ipinaalam ang nangyari sa kanya, saka na lang niya ginawa iyon nang lagpas na ang critical hours. She felt empowered by what she did. Napatunayan niya sa sarili na kaya naman pala niyang harapin ang mga problema ng mag-isa siya.

"You don't have to do this alone." Si Dane ang nagsalita. "Nandito ako. And since that is my child you're carrying, I should share the burden."

"Ang papel ng isang kaibigan ay ang dumamay. Kaya nandito rin lang ako," sabi naman ni Ivan.

Hindi mapigilan ni Lara ang maiyak. Ewan kung dahil din lang sa hormones kaya emosyonal siya. But she felt so lucky to have these good friends around her, ready to help her.

Napatuon ang tingin niya kay Dane. It was like seeing him again the way she used to, when she first met him. But he had been moving on. Kaya mas tama lang siguro na hayaan na niya ito. Maybe they are really better off as friends.

"We should set up a schedule. Maghalinhinan tayo sa pagbabantay sa kanya," baling nito kay Ivan.

"Good idea," ayon naman ni Ivan. "Para sure tayo na lagi siyang may kasama."

"Puwede ako anytime pero kung payag ka, Mondays, Wednesdays at Fridays eh ako ang dito matutulog," ani Dane. "In the morning, a nurse can stay with her."

"Walang problema sa 'kin ang Tuesdays, Thursdays and Sundays," sabi naman ni Ivan.

"I'm just pregnant, not an invalid," singit ni Lara sa usapan.

"Oh, shut up and let the people who care for you look after you," sita sa kanya ni Carrie.

Okay, she'd shut up. Para sa isang tao na naghahanap ng magmamahal sa kanya, na-realize ni Lara na napakasuwerte niya dahil hindi lang isa kung hindi tatlo ang tiyak niyang malalapitan sa oras ng pangangailangan. Maybe she won't find her forever guy but whoever said that only romantic love would fill a person with happiness. Kapag lumabas na ang anak niya ay isa na naman iyong nilalang na pupuno sa buhay niya.

"Thanks. To all of you. I accept," hayag niya.

"Group hug," sabi ni Carrie.

Nagyakap-yakap silang apat. She felt Dane reach for her hand. Pinisil nito iyon. Napatingin dito si Lara. The warm look in his eyes touched a chord in her heart. Pero hindi na niya pinansin iyon. For now, she can only take him as a friend. Iyon ang mas makakabuti para sa kanilang lahat. She learned once more that she needs to stand on her own. Nagawa na niya, nasubukan na siya, kaya mas tumatag na ang gulugod, at paninindigan niya.

"HAPPY birthday, happy birthday, happy birthday to you." Nagpalakpakan ang mga nakapaligid kay Lara at sa batang karga niya. Natuwa naman yata ito, pati ito ay nakipalakpak.

"Wow, ang saya ng baby ko." Tuwang-tuwa si Lara sa nakita.

"Happy birthday, son." Hinalikan ito ni Dane, hinaplos ang ulo. Inilahad naman ng bata, na pinangalanan nilang Dano, ang maliliit na mga braso nito sa direksiyon ng ama.

Kinuha ito ni Dane. As he held their child, their eyes met. Sandali lang iyon pero ramdam ni Lara ang pag-ahon ng emosyon sa puso niya.

They stayed as good friends, Dane and her. Si Ivan din ay nanatiling malapit na kaibigan niya. Katunayan ay nakiusap ito na kung puwede ay makisali sa pag-aasikaso ng first birthday celebration ni Dano.

"Sige na. Tutal naman eh ninong niya ako," katwiran nito.

Pumayag na si Lara. Kaya hayun, may mini-carnival pa sa birthday party na sa isang hotel ginawa.

Konti lang ang mga bisita pero mukhang nag-enjoy nang husto ang mga iyon. Nang matapos ang selebrasyon ay umuwi na sila sa bahay. Sumama sa kanya sina Ivan, Carrie at Dane.

"So, kumusta ang pakiramdam mo, friend?" tanong ni Carrie habang sinasamahan siya sa pagpapatulog kay Dano.

"I'm okay. Life is good. Malusog ang anak ko, masaya siya. Kalabisan na ang humiling ako ng dagdag pang grasya."

"By grasya you mean na fafa, tama?" tukso sa kanya ni Carrie.

Tumingin siya sa kaibigan. Kailan lang ay nag-propose dito ang nobyo. In three months' time ay ikakasal na ang mga ito. Aminado si Lara, nakaramdam siya ng inggit sa kaligayahang bakas na bakas sa mukha nito.

"You can have one, you know," anito.

"I don't think so."

May narinig silang mahinang katok sa pinto.

"Pasok," sabi niya.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now