CHAPTER 43

2.1K 62 3
                                    



"AND so you found a very lethat weapon to use against him. Nasabi mo nga naman, you'd do anything to win me back."

"I wanted you to find out for yourself what kind of person you are idolizing."

"At umaasa ka na lalabas kang mas malinis kesa sa kanya?"

"No. I want you to see us both as what we are. Mga tao na may pagkakamaling nagagawa at mga kahinaan din. So that you'll be able to make an informed decision."

"O puwedeng inisip mo rin na kung hindi man ikaw ang piliin ko, you'd damn make sure I won't choose Ivan either," hula niya.

"I...guess so. Or kung pipiliin mo siya, at least you know what he is. Kung matatanggap mo iyon, well and good."

"I don't believe this." Hindi iyong nadiskubre niya ang hindi mapaniwalaan ni Lara. What she couldn't believe is the extent Dane is willing to go to just to make sure she finds out about Ivan's secret.

Pinaikot ng lalaking ito ang sitwasyon. Ginamit ang nalalaman nito para madagdagan ang tsansa na mapabalik siya sa buhay nito. The thought angers her. So much so she could hardly speak.

"Lara..." He reached out for her.

Napaatras siya. Nakita niya sa ekspresyon ni Dane na nasaktan ito sa reaksiyon niya.

"Huwag kang magalit sa 'kin, Lara. I only did what a man who is madly in love with a woman would do. Madly in love and desperate. Sa simula pa lang ay halos nararamdaman ko nang talo ako. But I needed to do something. And please believe me when I say that I also wanted you to be sure what kind of man you might be committing yourself to. Hindi mo kilala nang lubusan si Ivan."

Tama ito. Hindi nga niya kilala si Ivan. Si Ivan na napakalapit niyang kaibigan, na sa sobrang lapit ay inakala niyang kabisado na niya ang buong pagkatao nito. Itongnakakagulat na sikretong nadiskubre niya ang bumasag sa paniniwala niya na iyon. In much the same way, she discovered that she hardly knows Dane, too. She would never have thought he is capable of exposing another person's vulnerabilities in the manner that he used. Gumamit ito ng pain. Nakasama pa siya sa mga pain, para lang mailantad nito ang sikreto ng lalaki."

"Hindi rin kita kilala," nasabi niya bago niya tinalikdan si Dane at magtatakbo palayo rito.

NASA PANTALAN na si Lara at naghihintay ng masasakyan niya para lumipat sa kabilang isla kung saan may masasakyan na pabalik sa Kamaynilaan nang maramdaman niyang may palapit sa kanya.

"Ni 'wag kang magtangkang pigilan ako, Dane," babala niya.

Wala ang lalaki kaninang mag-empake siya. Iniwan siya nito, ewan kung saan ito nagpunta. Mabilis niyang ipinaglalagay ang mga gamit niya sa bag niya saka siya nagtanong sa mga bangkero sa baybayin kung paano makakabalik ng Maynila. Sa mga ito niya nalaman na may dumadaong na speedboat dalawang beses sa isang araw. Sakto na malapit nang dumating iyong unang biyahe.

"Hindi kita pipigilan. I just want to say sorry. Ayoko rin na maging inconvenient sa iyo ang biyahe kaya ipapahatid na sana kita. Parating na iyong motor launch na sinakyan natin at..."

"No, thanks," tanggi niya. "Mas gusto kong makalayo nang sariling sikap ko."

"Pero, Lara..."

"Don't push it," anas niya.

Parang may gusto pang sabihin si Dane pero nauwi na lang sa pagpapakawala ng malalim na hininga ang pagbukas ng bibig nito.

"Kung may gusto ka mang bawian sa ginawa mo, si Ivan na lang. Siya ang alukin mo ng maghahatid sa kanya. It was you who invited him to this place after all," aniya.

"I'll do that," malumanay na saad ng lalaki. "I owe him that courtesy."

Natanaw na ni Lara iyong motorboat kaya hinagip na niya ang mga gamit niya. Maagap nga lang si Dane kaya nauna ito na mahawakan ang handle ng bagahe niya.

"Ako na. Please let me do this for you," anito.

Inalalayan din siya nito sa pagtulay sa andamyo na ginamit para hindi na mabasa ang paa ng mga sasakay sa bangka. Mabuti na rin lang dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Kung hindi siguro siya hawak sa siko ni Dane ay baka nahulog siya sa tubig.

"Okay ka lang?" Naramdaman yata nito ang sandaling pagtigil niya sa paglakad.

"Yeah." Itinuloy na iyon ni Lara.

"I-message mo 'ko pag nakarating ka na sa bahay mo. I just want to be sure you got there okay."

Tumango lang si Lara. Si Dane naman, pagkatapos sandaling mag-atubili ay umalis na sa tabi niya at bumalik sa pampang. Sa pag-alis ng bangka ay nakita niyang nakatanaw sa kanya ang lalaki. Agad na niyang inalis ang tingin dito. Sa biglaang paggalaw ng ulo niya ay nakaramdam na naman siya ng pagkahilo. Hindi nakatulong ang pagiging mauga ng bangka para umayos ang pakiramdam niya. May pagkakataon nga na para siyang masusuka. Mabuti na lang at nawala rin agad iyon nang punuin niya ang baga ng sariwang hanging dagat.

SHOWDOWNOnde as histórias ganham vida. Descobre agora