CHAPTER 22

2.9K 75 18
                                    



NAPAPIKIT si Lara para kontrolin ang bugso ng pagnanasang dala ng pagdikit ni Dane sa kanya. Ganoon na ganoon ang naramdaman niya noong una silang magkakilala. Desire so intense she couldn't control it also washed over her. Si Dane ang lalaking kayang sindihan ang apoy sa katawan niya kahit pa siya mismo ang pinipigilan ang pagningas niyon.

Napatingin siya kay Dane nang maramdaman ang matigas na bagay na tumatama sa puson niya.

"You always turn me on, you know," anito. "And I know the feeling is mutual. So come with me. Lets find out if we really are no longer good together."

"No, Dane. Hindi ako sasama sa iyo," hayag niya saka siya kumalas na rito.

"Then we'll go on with this status quo," ganti nito.

Hindi na sumagot si Lara. Tinalikuran na lang niya ang lalaki saka siya lumabas at mabilis na naglakad sa mahabang pasilyo. As she turned the corner, she bumped into someone. Paigkas siyang napaatras. Nawalan tuloy siya ng balanse at nagsimulang mapaupo. Mabuti na lang at nakabig siya ng nabangga niya. Sa paghila nito sa kanya ay napasadsad siya rito. Lara found herself face to face with the guy she planned to seduce. Si Ivan.

Inasahan ni Lara na bibitawan na siya nito pero nanatili itong nakasaklot sa beywang niya at nakatingin sa kanya. With their bodies pressed close to each other, she could feel his muscled hardness. Iyong mukha nila, halos magdikit na.

Nag-iisip pa siya kung ano ang magandang gawin nang biglang kumilos si Ivan. Sinapo siya sa magkabilang pisngi, yumuko at mabilis na inangkin ang labi niya. Agad siyang napaatras sa pagkagulat. Mabilis naman siyang pinakawalan ng lalaki.

"Sorry, sorry." Namumula ang mukha nito, parang hindi alam kung saan ito titingin. "Hindi ko siguro dapat ginawa iyon. But the thing is, I can't do stop myself anymore. I've been wanting you for so long..."

"Ha?" Tama ba ang dinig niya? He had been wanting her for so long?

Mapakla ang ngiting lumabas sa labi ni Ivan. Nahalata yata sa mukha niya ang nararamdaman niyang pagdududa.

"I thought it was so obvious that I have been fighting this strong attraction I had for you for so long," anito.

"H-hindi ko maintindihan." Sa wakas ay nagawang magsalita ni Lara. "Lagi ka kasing humihinto kapag...kapag..." Hindi niya maituloy ang sinasabi. Nahiya siya.

"D-dahil sa mga dahilang hindi ko alam kung paano ipapaintindi sa iyo. Pero ngayon ay handa na akong sumubok. Masyado na 'kong nahihirapan sa pagpipigl ng nararamdaman ko."

Ang tindi lang talagang man-trip ng tadhana. Iyon ang naisip ni Lara sa nangyari. Kung hindi pala ibang lalaki ang pumasok sa kuwarto kung saan siya naghihintay ay naging complete success ang plano niya. Pero dahil mali ang lalaking nagapang niya ay mukhang magiging mas kumplikado ang sitwasyon.

"I want you to know that..."

"Lara..."

Naudlot ang sinasabi ni Ivan nang may tumawag kay Lara. Sabay silang napalingon ng lalaki sa pinanggalingan ng tinig.

"Nakalimutan mo 'to..."

Gustong lumubog ni Lara sa matinding kahihiyan nang makita si Dane at kung ano ang hawak nito. Her lacy underwear. Sa pagmamadali niya kanina ay hindi na niya pinilit na hanapin iyon nang hindi niya iyon mahagilap sa sahig.

Namimilog ang mga mata ni Ivan na napako sa lingerie niyang nasa kamay ng asawa.

"Sorry. My mistake," anito saka nagsimulang maglakad palayo.

Matalim na tingin ang itinapon ni Lara sa asawa.

"It's not what you think," she called after Ivan na bumagal ang paghakbang nang magsalita siya.

"It's not?" Umarko naman ang kilay ni Dane.

"Sinabi ko na sa iyo, di ba? Hindi ko alam na ikaw ang gagamit ng kuwartong iyon," angil ni Lara sa lalaki. "Hindi ikaw ang plano kong i-seduce kung hindi si Ivan."

Sa sinabi niya ay marahas na napaharap sa kanila si Ivan. Tumingin naman dito si Lara. Pinatatag niya ang kalooban.

"Yes, I was planning to seduce you." Napabuga siya ng hininga. "But things backfired." Kay Dane naman siya bumaling. "I made a mistake. A huge one. It. Was. A. Mistake."

Once more she saw a flash of pain crossed her husband's face. May naramdamang kurot sa puso niya si Lara. Hindi siya malupit na tao kaya siguro nagsisi siya sa ginawa. She was too harsh.

Hindi na niya alam ang gagawin kaya mabilis na niyang iniwan ang dalawang lalaki.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now