CHAPTER 46

2K 58 2
                                    



NALITO sandali si Lara nang magising siya at makitang nasa isang kuwarto siya. It took a while for it to register in her mind that she is in a hospital room. Nakaupo sa silyang katabi ng kama si Ivan, binabantayan siya. He looked relieved when she opened her eyes. Dito na niya nalaman kung ano ang nangyari. Hinimatay daw siya bigla kaya dinala siya nito sa ospital.

"Thank heavens I was there," anito. "Ayokong isipin kung ano ang puwedeng nangyari kung mag-isa ka lang."

Tinawag nito ang doktor na pagdating sa kuwarto ay ineksamin siya.

"Is he...your husband?" tanong nito nang matapos ang nurse sa pagkuha ng vital signs niya.

"N-no."

Halatang nag-alangan ang doktor, na nagpakilalang si Dra. Pelaez.

"Lalabas lang muna 'ko." Si Ivan na ang nagkusang umalis. Kagaya ni Lara, nahulaan siguro nito na hindi matukoy ng manggagamot kung sasabihin nito ang diagnosis niya sa harap ng lalaki.

"Is it serious? Mamamatay na ba 'ko?" tanong agad niya nang wala na si Ivan.

"Oh, no. You are in good health as far as I can tell," sabi ni Dra. Pelaez.

"Pero hinimatay ako. Bakit?"

"Kailangan na lang nating gumawa ng isa pang test." Sinenyasan nito ang nurse.

Just a few minutes later, they got the results.

"I guess congratulations are in order," hayag ng doktor. "You're pregnant."

"Pregnant?" Hindi makapaniwala si Lara sa narinig niyang balita. Kulang ang sabihin na under shock siya. Naalala niya kung paanong masyado siyang madaling mag-init. Ganoon din siya noong unang beses na magbuntis siya. Pregnancy hormones in her body made her feel so horny.

Nagpaalam na si Dra. Pelaez at nakalabas na ito ng kuwarto nang hindi niya masyadong namamalayan ay nanatili pa rin siyang nakatulala lang sa kawalan. Ang isang kamay niya ay dumako sa sinapupunan niya at sumapo roon. She couldn't believe the miracle that had just happened to her.

"What is it?"

Nahimasmasan lang siya nang may magsalita. Nagmamadaling lumapit sa kanya si Ivan na pumasok sa bumukas na pinto.

"Ano raw ang sakit mo? It it serious? You're crying." Pinunasan nito ang luha niya.

Noon lang nadiskubre ni Lara na umiiyak nga pala siya. Kumurap siya para mawala ang panlalabo ng mga mata niya.

"Oh, Ivan!" Isinandal niya ang ulo sa dibdib ng lalaki.

"You're scaring me. Ano ba ang problema?" Sinapo nito ang baba niya at itinaas ang mukha niya.

"I...I'm pregnant," bulalas niya at kasunod niyon ay bumalong na naman ang luha sa mga mata niya.

Kagaya ng reaksiyon niya kanina sa sinabi ng doktor ang kay Ivan ngayon. Napatulala lang ito, nakatingin sa kanya na parang hindi maintindihan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. And then he hugged her tight.

"Hindi ako makapaniwala. This is a miracle," bulalas nito.

"I know. I know," napapaiyak niyang sabi.

"P-pero akala ko ba hindi ka na puwedeng magkaanak?" anito.

Tanong din iyon kanina ni Lara sa doktor at ang paliwanag nito ay hindi naman totally imposibleng magbuntis niya. Napakaliit nga lang daw ng tsansa. But the fact that it happened means that it was possible. Makikita rin daw sa tests kung saan sa uterus niya naka-attach ang placenta. Kung doon iyon sa walang scar tissues ay hindi manganganib na mag-detach iyon na magre-resulta sa pagka-kunan niya.

"Wow!" tanging nasabi ni Ivan sabihin niya iyon dito. "I am so happy for you. Ang tanong na lang, ano ang gagawin mo? With regards to Dane, I mean."

Iyon ang hindi pa matukoy ni Lara nang mga sandaling iyon. Noon din siya nakaramdam ng kaba. Kung hindi man ipilit ng lalaki na ituloy ang pagsasama nila ay puwedeng gumawa ito ng hakbang para kunin ang anak nila. Because he certainly wouldn't agree to not having a part in their child's life. Kagaya niya, o higit pa nga sa kanya, ay gustong-gusto ring magkaanak ni Dane.

EXCITED si Lara.

I am going to have a baby! Nakapa niya ang tiyan nang maisip iyon. Nakapagpatingin na siya sa OB-Gyne niya. Base sa results ng ginawang tests ay maganda ang kalagayan ng bata sa sinapupunan niya. Her chances of carrying the baby to full term is also very good. Hindi pa totally nagsi-sink in sa kanya ang mala-milagrong pangyayaring iyon. At least isa sa minimithi niyang pangarap ay nakatakdang matupad.

Pero kaya ko bang magpalaki ng anak nang mag-isa? Dinalaw na naman siya ng isang fear niya.

Of course I can. I'm a grown woman. Pinatatag na siya ng panahon, ng pinagdaanan niya. And this time around, she would not be looking for a man who would take care of her.

Nakabuo na rin siya ng pasya tungkol sa gagawin niya. Kailangan niyang ipaalam kay Dane ang kalagayan niya. May karapatan ito na malamang magkakaanak ito. And then she would face whatever his decision would be. Sinisiguro niya, magkakamatayan muna bago niya hahayaang makuha ng lalaki ang custody sa anak nila.

Nasa department store siya nang mga sandaling iyon, sa baby section. Tatlong buwan pa lang ang nasa tiyan niya, masyadong maaga para makampante siya na matutuloy na ang pagbubuntis niya kahit pa sabi ng doktor ay wala siyang dapat ipag-alala. But she refused to be afraid that she would lose the baby. Kaya hayun siya ngayon, nagtitingin ng baby items.

Napapangiti siya habang kinikilatis ang mga baby booties at mittens na may design ng Disney characters. Lahat ng baby items na binili niya dati ay ipinamigay na niya kaya dapat talaga siyang bumili ng bagong gamit para sa magiging anak niya. Blanket na may hoodie at rabbit ears ang hawak niya nang mag-angat siya ng paningin. Sandaling parang tumigil ang puso niya nang may matanaw siya. Si Dane. At hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Amber. Kagaya niya, nagtitingin ang mga ito ng mga gamit na pang-baby.

Parang sinuntok sa dibdib si Lara. Kahit naman nakapag-desisyon na siya na walang papatulan na kahit sinong lalaki ay may kakaibang kurot na dala ang malaman na iyong babaeng naging mitsa ng paghihiwalay nila noon ng asawa ay kasama ulit nito ngayon. Did they get back together o ni hindi naghiwalay ang mga ito? All the while ba ay niloloko siya ni Dane? Na gusto siyang makabalikan pero may iba pa ring babae sa buhay nito? 

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now