CHAPTER 47

2.1K 68 2
                                    



NAPATINGIN sa direksiyon ni Lara ang lalaki. Bumaba ang mga mata nito sa baby blanket na hawak niya. Nakaisip na agad ng palusot si Lara kung bakit nagtitingin siya ng gamit pambata kung sakaling usisain siya nito. She could always say it's a gift for a friend's baby shower. Pero nang lapitan siya ni Dane ay nag-decide siya na huwag nang magkaila. Sasabihin niya ang tutoo. Na buntis siya.

Saktong nasa tabi na niya ito nang atakihin siya ng matinding pagkahilo. Napakapit siya sa clothes rack dahil parang matutumba siya. Agad pumaikot ang braso ni Dane sa kanya para alalayan siya.

"Take deep breaths," utos ng lalaki sa kanya. Hinagod-hagod nito ang likod niya. "Come." Akay siya nito, mukhang handa itong buhatin siya kung kailangan. Sa isang bahagi ng mall siya nito dinala. Sumama na lang si Lara. Para kasing umiikot pa rin ang paningin niya.

"I'm okay," nasabi niya nang makitang sa isang clinic siya nito dinala. Luminga-linga siya. "Nasaan iyong kasama mo?"

"Oh, si Amber? Sinabihan ko siya na mauna na."

"Balikan mo na siya. Okay lang ako," sabi niya.

"No. She would understand."

Hindi maintindihan ni Lara ang iisipin. Puwede siyang mag-usisa sa lalaki kung may relasyon na ba ito at si Amber pero bakit pa niya gagawin iyon?

"You don't look okay," ani Dane. "Para ka ngang mahihimatay na lang basta. Halika na. May doktor..."

"I don't need a doctor," tanggi ni Lara. "Alam ko kung ano ang dahilan at nagkakaganito ako."

Matinding pag-aalala ang nabakas niya sa itsura ng lalaki. "You're sick?"

Napatawa siya nang bahagya. "Hindi naman classified na sakit ang...pagbubuntis."

She saw his jaw drop. Matagal na hindi ito nakapagsalita.

"W-who...who is the father? I mean, I think I'm the father pero baka nagkakamali ako," anito.

"Hindi ka nagkakamali," saad niya.

"Oh wow!" He looked shocked. "We should talk," anito nang mahimasmasan na yata.

Here we go, sa loob-loob ni Lara. Inihanda na niya ang sarili sa mga demands ng lalaki.

Sa isang coffeeshop sila tumuloy. Nang dumating na ang order nila ay saka tumingin sa kanya si Dane.

"Isa lang ang hihilingin ko. Iyon ay ang huwag mo akong alisan ng karapatan na makita at makasama ang anak ko. At sana rin, sana ay ipakilala mo ako sa kanya bilang ama niya."

Nagulat siya. Hindi iyon ang inasahan niya. That sounded reasonable. Iyon din naman talaga ang balak ni Lara.

"T-tungkol naman sa annulment, you go ahead and file the petition. Hindi ko na kokontrahin. I am even willing to pay for it."

Hindi rin lalo niya iyon inasahan.

"It's time I set you free. Hindi tama na itali kita sa 'kin kung ganyang wala ka ng nararamdamang pagmamahal para sa 'kin. I will help you with the baby. Hindi naman ako mag-i-interfere sa pagpapalaki mo sa kanya. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako. Oh my! We're going to have a baby!" nasabi nito na parang noon lang tumagos nang husto sa isipan ang magandang balita.

Hinagip nito ang dalawang kamay niya at mahigpit na hinawakan. When she saw the happiness shining in his eyes, her heart thawed a little. Kitang-kita niya ang matinding pagnanais na lalaki na magkaroon ng anak. Still, he didn't insist that she stay with him. And that made a big difference to her. O dahil ba iyon sa nagkaayos na ulit ito at si Amber?

She shouldn't care. Nag-decide na siya na hindi niya babalikan ang asawa, hindi ba? They are probably not cut out to be lovers. Mas maganda na katulad ni Ivan ay maging magkaibigan na lang sila.

NAPAILING si Lara pagkakita sa eco-bag na dala ni Dane nang pagbuksan niya ito ng pinto. Nag-uumapaw iyon sa prutas at gulay. May malaking lata rin ng gatas na para sa mga buntis.

Ilang beses kada buwan ay nagpupunta sa bahay niya ang asawa. Lagi itong may dalang mga pagkain para sa kanya. Iyon lang daw ang maiaambag nito sa pinagdadaanan niya na alam daw nito na hindi madali. Mabuti na lang at hindi katulad noong una siyang maglihi, hindi gaanong hirap si Lara. Sandali lang siyang nagdusa sa morning sickness at iyong pagkahilo niya, bihira nang mangyari. Kung meron mang nagpapahirap sa kanya, iyon ay ang libido niya. Mas lalo pa siyang madaling mag-init ngayon. There are days when she would feel so turned on she had to relieve the pressure by pleasuring herself.

Malas nga lang na mukhang si Dane na naman ang napaglilihian niya. Specifically, his scent. Malanghap lang niya iyon ay may nagsisinding apoy sa katawan niya.

Napasimangot siya nang dumaan ito sa tabi niya.

"O, bakit?" Napansin pala ng lalaki.

"Nagpalit ka ng cologne?"

"Oh, oo. Naubos na iyong dati eh. Bakit?"

"W-wala lang."

Sandaling hindi umimik si Dane pagkatapos ay napangiti ito.

"Mas gusto mo iyong dati 'no? I remember." Lumapad pa ang ngiti nito. "You get turned on by it when you were pregnant before. Ganoon din ba ngayon?" Lumapit ito sa kanya.

"Hindi! At saka iba ang amoy mo kaya asa ka pang nakaka-turn on ka." Nakagat ni Lara ang labi. Ano ba ang pinagsasasabi niya sa lalaking ito? At bakit ba kasi parang may kumakalikot sa private part niya? Humihilab iyon. Naghahanap.

Hindi niya sinadyang napatingin sa pundya ni Dane. Namilog ang mga mata niya nang makita ang pamumukol doon.

"Sorry," anito. "Maisip ko lang na pinagnanasaan mo 'ko eh nagwawala na si bossing. Anyway, dadalhin ko na 'to sa kitchen. At dahil hindi naman ako sobrang busy, ipagluluto kita."

"Yay!" Pinilit ni Lara na pumalakpak kahit pa may parte ng pagkatao niya ang gustong sakalin ang lalaki. Kesa ipagluto siya ay mas gusto yata niya na...

Stop that! sita niya sa sarili nang matukoy kung ano ang mas gusto niyang gawin ni Dane sa kanya.

Sumunod na lang siya sa lalaki papunta sa kusina. Inilalagay nito sa ref ang mga gulay nang datnan niya. Nakatungo ito kaya nakahantad sa paningin niya ang pang-upo nito. Napapikit si Lara. Kailangang labanan niya ang matinding temptasyon na sapuin iyon. His ass is rock-hard and she loves clenching the firm cheeks when he is...

Ano ba, Lara?

"Saan mo ba ilalagay iyong ibang..."

Dumilat agad siya nang magsalita ang lalaki. Nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

"What?" anas niya.

"Uhh, wala naman. Di na kako kasya iyong veggies. Pero sige, iluluto ko na lang." Nagsimula itong kalasin ang butones ng polo nito.

"A-ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Lara, medyo nataranta. Maghuhubad ito? Kakayanin ba niya na tignan lang ang katawan nito na kahit nga may damit ay natatakam siya?

Tanda mo ang ginawa niya? He manipulated the situation to suit himself, paalala niya sa sarili.

Because he loves you, kontra naman ng isang bahagi ng pagkatao niya.

That is no excuse, giit niya.

"Baka madumihan 'tong polo ko eh may meeting ako mamaya. Ayoko nang umuwi kaya huhubarin ko na lang muna," pabale walang sabi ni Dane na mabilis nang natanggal ang pagkakabutones ng suot nito.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now