CHAPTER 5

4K 84 7
                                    



IVAN had been her friend for the longest time. Anak ito ng isa sa mga family friends nila at dahil doon ay madalas na mag-krus ang landas nila sa iba't ibang mga okasyon dati. Ito pa nga ang naging escort niya sa mga proms niya. Pareho sila ng pinasukang kolehiyo kaya nagpatuloy ang pagkakaibigan nila. They shared each other's triumphs and failures.

He was her pillar of strength when she lost her parents. Kung hindi dahil dito ay baka bumigay na ang katinuan ni Lara sa tindi ng dagok na dala sa kanya nang biglaang pagka-ulila. Naka-recover na siya sa pagkawala ng mga magulang niya nang kinailangang sumunod ni Ivan sa mga magulang nito sa America. Nagkasakit kasi ang mommy nito at gusto ng lalaki na makasama ang ina sa natitirang panahon ng buhay ng ginang. Nawalan na sila ng komunikasyon pagkatapos ng ilang buwan.

And then, out of the blue, he was back. Hindi makapaniwala si Lara nang makasalubong niya ito sa birthday party ng isa sa mga kaibigan nila na sa function room ng isang hotel ginanap. She was too stunned to speak when she nearly bumped into him. Akala niya ay namamalikmata lang siya. Pero nang ngumiti ito, iyong ngiti na gustong-gusto niya at may panahon sa buhay niya na nagpasirko sa puso niya, ay nasiguro ni Lara na ito na nga ang kaibigan niyang hindi niya inakalang makikita pa ulit.

They took up where they left off. Na para bang hindi nagkaroon ng ilang taon na gap ang pagkakaibigan nila. She noticed some changes in Ivan but that is just to be expected. Puwede ba namang walang magbago sa isang tao sa pagdaan ng panahon?

May mga pagkakataon sa buhay ni Lara na nakakaramdam siya ng kakaiba sa lalaki pero parang kapatid lang ang trato ni Ivan sa kanya kaya imbes na masira pa ang pagkakaibigan nila ay pilit na lang niyang isinasa-isantabi ang namumuong damdamin niya para rito. That is despite the fact that there were times she could almost swear she sees some indication that Ivan has feelings for her, too.

And then she met Dane and it was as if a bomb exploded inside her. Instant attraction? Love at first sight? Ewan kung ano ang tawag sa nangyari sa kanya. Basta para lang ang lakas ng dating ng lalaki sa kanya. Kaibigan ito ng isang client niya na dahil naging suki na niya ay inimbitahan siya sa isa sa mga parties ng kumpanya nito. The feeling must have been mutual because Dane didn't waste any time before making his move. Niligawan siya nito.

He swept her off her feet, she would admit. Mahusay kasi itong manligaw. He showered her with gifts and pampered her with his attention. Nang malaman ni Ivan na boyfriend na niya ang lalaki ay sandali itong nawala sa eksena. Pero nag-reach out din naman ulit ito at hindi nagtagal ay bumalik na rin sa dating estado ang friendship nila. Kagaya ni Carrie, naging sandalan niya ito nang makunan siya at malaman na halos imposible nang mabuntis pa.

Naging busy nga lang ulit si Ivan. Sa pagkakataong iyon ay ang ama naman nito ang naratay kaya maya't mayang pumupunta ng America ang kaibigan niya para dalawin ito. Pero sa kabila ng pagiging abala ay madalas siyang tawagan o i-message nito. Kailan lang ito nakabalik ng Pilipinas.

"I'm sure hindi nag-e-exaggerate si Carrie. Lara, nagwo-worry ako sa iyo," anang lalaki. "Alam kong matindi ang pinagdadaanan mo pero hindi ko rin malaman kung ano ang puwede kong gawin para makatulong sa iyo."

Nag-init ang gilid ng mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Mabuti pa ito ay nag-aalala sa kanya, handang damayan siya. Samantalang si Dane ay mukhang naiinis pa sa kanya dahil hindi siya makaahon-ahon mula sa depresyong dala ng pagkawala ng batang nasa sinapupunan niya. Well, Ivan had always been a good friend. Hindi matatawaran ang concern at malasakit nito sa kanya.

"Salamat," usal niya.

"O, don't tell me na iiyak ka na naman. Tell you what. Magbihis ka. Dadaanan kita sa inyo at kumain tayo," anito.

"Busog pa 'ko at..."

"Pwes, ako eh gutom at gusto ko ng kasalo. So nasa sa iyo ang choice. Either magbihis ka o isasama kita kahit ano ang suot mo pagdating ko diyan. See you in ten minutes." At nawala na ang kausap niya.

"OPEN UP!"

Umiling si Lara, iniiwas ang bibig sa kutsarang nakaumang sa bibig niya. "Busog na 'ko."

"Busog? Nakakabusog na ba ngayon ang dalawang subo lang? I took you out to feed you and feed you, I will. Kaya kung tinatamad kang sumubo eh susubuan na lang kita. So, bukas ang bibig," utos ni Ivan. "Heto na ang engplane. Eeeeng....eeeng...." Inikot-ikot pa ng lalaki ang kamay na may hawak na kutsara.

"Ano ka ba?" Sinaway ito ni Lara. "Ginagawa mo 'kong bata. Stop it. Pinagtitinginan na tayo o." Napabaling nga sa kanila ang ilan sa mga customers ng resto na pinagdalhan sa kanya ng kaibigan.

"Naguguwapuhan lang sa 'kin ang mga 'yan. Huwag mo silang pansinin. Ang atupagin mo, 'tong pagkain. Eeeenggg..." Igagalaw na naman dapat nito ang kamay.

"Okay, you win. I'll eat. Pero di mo na 'ko kailangang subuan. I just had a miscarriage, I'm not an invalid." Nabasag ang boses ni Lara nang mabanggit ang salitang miscarriage.

"Hey..." Ginagap ni Ivan ang kamay niya na aabutin na dapat ang kubyertos niya. Pinisil iyon. Sapat naman ang init na dala ng pagdamay nito para lumuwag ang biglaang paninikip ng dibdib ni Lara. "Hindi ko sasabihin na alam ko kung ano ang nararamdaman mo because the truth is, I just have a vague idea as to the kind of pain you are feeling. Heto lang ang magagarantiyahan ko sa iyo. I'm just here if you need a shoulder to lean on."

"Mas maiiyak pa 'ko sa sinasabi mong 'yan eh," ani Lara pero napangiti naman siya sa kabila ng panibagong pagbalong ng luha sa mga mata niya. Nakaka-touch masyado ang pagpapakita ng malasakit ng kaibigan niya.

"Well, hindi iyon ang intensiyon ko kaya tama na 'yan." Dinukot nito ang panyo galing sa bulsa at pinahiran ang mga mata niya.

"Touched lang ako. You are really such a good, good friend," paliwanag niya.

"I am, am I not?"

May nahimigang lungkot sa boses nito si Lara kaya napatingin siya rito. She also saw a fleeting look of sadness on his face as he gazed at her. Pero sa bilis na napalis iyon sa ekspresyon ni Ivan ay hindi niya masiguro kung tutoo nga ba iyong nakita niya o guni-guni lang niya.

"You really are." She squeezed his hand back. "At dahil doon, sige, kakain na 'ko. Nakakagutom ang drama mo eh."

Natawa ang lalaki saka pinakawalan na ang kamay niya at itinuloy na rin ang pagkain.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now