CHAPTER 8

3.4K 79 13
                                    



WALA siyang ibang alam na puntahan kung hindi si Carrie. Nakakahiya man sa kaibigan ang paulit-ulit niyang pang-iistorbo rito ay sa bumalik na lang siya sa bahay nito. Iyak siya nang iyak, hindi agad magawang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa nadatnan niyang eksena. Ang sakit. Sobrang sakit. Hinayaan na nga siya ng asawa na mag-isang dalhin ang matinding dagok na dumating sa buhay nila ay niloko pa siya nito. And the nerve of her husband to bring his woman into their house. Gagawa na lang ito ng kalokohan ay doon pa sa bahay nila. Doon pa sa mismong kuwarto nila, doon sa kama kung saan nagsalo sila sa marami-raming maiinit na tagpo. The idea disgusts her. It tainted the happy memories she had started to build in that house.

Tinawagan niya si Dane nang gabing iyon, sinabi na hindi muna siya uuwi. Hindi nag-usisa ang lalaki. Hula ni Lara ay puwedeng natuwa pa ito. She could imagine Amber also extending her stay in their house.

Gustong i-postpone ni Carrie ang pagpunta sa Singapore pero tumanggi si Lara dahil alam niyang mahalagang magawa ng kaibigan ang trabaho nito. Nabanggit na rin kasi nito sa kanya na posibleng promotion ang kapalit kapag maganda ang naging performance nito sa assignment na iyon.

"Okay, I'll go. Pero ikaw, dito ka lang sa bahay ko. Stay as long as you want," giit nito. Solo na sa buhay si Carrie. Bata pa ito nang maghiwalay ang mga magulang at isang tita ang nakasama nito sa paglaki. Nag-migrate na sa ibang bansa ang tita nito at iniwan kay Carrie ang bahay nito.

Nagpapasalamat na pumayag si Lara. It pained her all the more when Dane didn't even try to coax her back home. Kapag tumatawag ito at sinasabi niya na hindi pa siya uuwi ay hindi ito kumokontra. Noon niya naisip na mas mabuting tapusin na nila ng lalaki ang pagsasama.

Isa lang ang pakay ni Lara nang bumalik siya sa bahay. Iyon ay para sabihin kay Dane na gusto na niyang makipaghiwalay dito. He looked stunned as he asked her why.

"Because we don't love each other anymore. I even doubt if you ever loved me at all," sagot niya.

Kinontra iyon ni Dane. Ang dami pa nitong sinabi pero wala ng balak, at wala na ring lakas, si Lara na makinig. It was as if all those months she had been grieving alone had taken its toll. Iyong pagmamahal niya para kay Dane ay unti-unting naglaho nang hindi niya namamalayan. And when she discovered he is cheating on her, well, that was the last straw. All she wanted now is to leave him and never look back. Sa dinami-dami ng sinabi ng asawa ay isa lang ang naging tugon ni Lara.

"I'm leaving and there is nothing you can do about it. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.

Bumuka ang bibig ni Dane, mukhang balak pang makipag-argumento sa kanya. Pero isinara ulit nito iyon. The look on her face must have convinced him that there is nothing he could say that would make her change her mind. At least at the moment.

Inempake ni Lara ang mga gamit niya. Hindi pa niya madadala lahat ang mga iyon kaya iyong mga kailangan lang muna niya ang binitbit niya. Wala si Dane pagbaba niya. Hindi na niya hinanap ito. Nag-book siya ng sasakyan pagkatapos ay umalis na siya.

Kahit desidido siyang makipaghiwalay na sa asawa ay may parte pa rin pala ng pagkatao niya ang umasa na hahabulin siya nito, pakikiusapan na magbago ng pasya. Pero mukhang natuwa pa yata ang lalaki na sa kanya na nanggaling ang desisyong magpapalaya sa kanilang dalawa dahil ni hindi siya tinawagan nito. He didn't even bother to find out where she'd be staying. Nahuhulaan ni Lara ang laman ng thought bubble nito patungkol sa kanya. Bahala ka sa buhay mo.

Lalo na siyang nabaon sa matinding depresyon. Mag-isa na ulit siya, isang estado na hate na hate niya. Si Carrie ang halos araw-araw tumatawag sa kanya. Pinipilit ni Lara na lagyan ng konting sigla ang boses niya para huwag mag-alala ang kaibigan niya. Pero ang tutoo, pakiramdam niya ay para siyang halaman na tuyo na at anumang sandali ay mamamatay na nang tuluyan.

She hardly ate. Mas madalas na nakahiga lang siya, nakatulala sa kawalan. Naglalaro sa diwa niya ang iba't ibang panahon sa buhay niya at sa tuwing maaalala niya ang pagbubuntis niya, ang saya at pag-asang hatid niyon sa kanya, ay gusto na niyang mamatay ora-orada.

Instead, she is dying slowly as each day pass. Ramdam niya ang pagtakas ng lakas sa katawan niya. Para na siyang kalansay. Nakikita iyon ni Lara sa tuwing mapapatingin siya sa salamin. Karet at kapa na lang ang kulang ay puwede na siyang mapagkamalang si Kamatayan. The scary thing is, she doesn't care. Wala siyang paki kahit pa maging abo na lang siya at tuluyang ilipad ng hangin.

Well, kung tutoong may Kamatayan na nanunundo ng mga paalis na sa mundo ay malamang na matuwa pa siya kapag nakaharap niya ito. Sawa na siyang mabuhay. Mas maganda na umalis na siya sa mundong ibabaw.

And one night, as she lay in bed, she could swear she caught a glimpse of Death's personification. Pagtingin niya sa isang parte ng kuwarto na nababalot ng mga anino ay naaninag niya ang kalansay na mukha nito.

Napabuka ang bibig ni Lara para sumigaw pero walang boses na lumabas galing doon. Sobrang tuyo kasi ang lalamunan niya. Sinubukan niyang bumangon pero hindi rin niya nagawa. Nanghihina siya. Hinang-hina. In fact, it is an effort even to just breathe. Naninikip ang dibdib niya at hindi iyon kagaya ng madalas niyang nararamdaman. This time, it feels as if there is something blocking her air passage. O sobrang hina na ba niya na hirap na siya sa paghugot ng hangin?

Hindi niya alam at halos wala na rin siyang pake. If she dies, so be it. Pero kahit iyon ang iniisip niya, nang kumilos ang naaninag niyang pigurang nasa kadiliman ay napaigkas siya. To her horror, the figure started walking towards her. Mukhang oras na niya dahil hayun si Kamatayan, nakatayo sa tabi ng kama niya.

Isang malakas na sigaw ang nagawa niyang pakawalan nang maramdaman niya na hawakan siya nito at simulang buhatin...

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now