CHAPTER 34

2.6K 76 8
                                    



"LARA..."

Nahinto ang paghakbang niya.

"This is something I find difficult to talk about. But I want to share it with someone close to me. Sana lang...sana ay hindi mag-iba ang tingin mo sa 'kin nang dahil dito."

"Bakit mag-iiba?" baling niya rito.

"I...am not the person you think I am."

"What do you mean?"

Halatang hirap nga ang kalooban ng lalaki sa balak nitong ipagtapat sa kanya. Naiintindihan ni Lara kung bakit. Pribadong tao si Dane. Hindi ito mahilig magkuwento ng tungkol sa sarili. Hindi ito kumportable na ipaalam sa iba ang masyadong maraming detalye tungkol sa pagkatao nito, sa iniisip nito, lalo sa nararamdaman.

It makes me feel naked, nasabi nito dati sa kanya.

"You know me as Danilo Alcantara, only child ng mag-asawang si Engr. Danilo Alcantara at Dra. Lucille Alcantara. Mula pre-school ay nakapag-aral sa mga prestigious learning institutions at galing sa angkan na kinabibilangan ng kilalang pintor, musicians, abogado at dating justice sa Supreme Court."

Napapatango-tango si Lara. Naalala niya ang naikuwento noon ni Dane sa kanya ang tungkol sa family background nito. He was reluctant to talk about himself. Kaso ay mausisa siya kaya napilitan na rin ito. Maganda ang pamilyang pinagmulan nito, natuklasan niya. Sa kasamaang palad nga lang ay namatay ang mga magulang nito ilang taon na ang nakakaraan nang tumaob ang sinasakyang bangka ng mga ito na patawid papunta sa isang isla na kasama sa mga pinaka-nasalanta ng malakas na bagyo. Mahilig daw sa kawanggawa ang mga ito at miyembro ang mga ito ng grupo na magsasagawa sana ng mercy mission sa isla.

Kalaunan na lang nalaman ni Lara, noong boyfriend na niya si Dane, na hindi masasabing perpekto ang childhood nito...

"My parents are always busy. Kung hindi sa career nila ay sa ibang mga aktibidad sa buhay. That includes helping other people." May pait sa tinig ng lalaki nang sabihin nito iyon.

"Is it bad to want to help other people?" nasabi niya?

"Of course not," mabilis nitong sagot. He looked as if he's struggling with something. "Ang hindi nakakatuwa ay ang katotohanang mas nag-aabala pa sila sa ibang tao kesa sa akin."

Kakatanong niya ay nalaman ni Lara na ipinaubaya na ng mommy nito ang pag-aalaga kay Dane sa mga yaya nito. May mga birthdays nga raw ito na yaya rin lang ang kasama nito dahil kung wala man sa trabaho ang mga magulang ay nasa charity works ang mga ito.

"Minsan ay naitatanong ko tuloy sa sarili ko kung bakit nag-anak pa sila. And then dad told me something. He said that he worked so hard to make a success of his engineering firm. Nakapanghinayang daw kung walang magmamana niyon. At mukhang iyon ang dahilan kung bakit ginusto nilang dumating ako sa mundo. Para may magpatuloy ng angkan nila, at may magmana sa kumpanya ni daddy."

Nakikita ni Lara sa itsura ng lalaki na masama ang loob nito...

"Iyon din ang pagkakakilala ko sa sarili ko halos buong buhay ko," patuloy ni Dane. "I had a lonely childhood, yes. But I have an identity. A good one. Okay, malungkot iyong pakiramdam na kahit may mga magulang ako ay para rin akong ulila. Na may kasama ako sa bahay pero halos hindi nila ako napapansin. Pero buo ang pagkatao ko. I wanted so badly to have a family of my own. Nangako rin ako sa sarili ko na never kong ipaparamdam sa magiging anak ko isa lang siyang obligasyon para sa 'kin. I vowed to be a good father, the best father I could be. I was longing to be a father and to be a part of a family dahil hindi ko masyadong naranasan iyon habang lumalaki ako."

Ilang beses na nabasag ang boses ni Dane habang nagkukuwento ito. May ideya naman si Lara sa nararamdaman noon ng asawa, lalo pa iyong parte tungkol sa kagustuhan nito na magkaroon ng mga anak. Tatlo o apat nga ang balak nitong maging supling nila. The more, the merrier daw. Pero hindi niya inasahan ang lalim ng kalungkutang pinagdaanan nito. Paano nga kasi ay hindi makuwento ang lalaki.

Hindi niya namalayan na dumantay ang kamay niya sa balikat nito. Inabot naman iyon ni Dane. Pinisil. His eyes glowed with emotion. May init na bumalot sa kalooban niya dahil sa pagbubukas ng lalaki sa damdamin nito. It was like he had opened a door that had previously been shut, keeping her out, and now she could see into his heart. Kahit noong mag-asawa na sila ay hindi siya nakaramdam ng ganoong kuneksiyon dito. Because Dane had never bared his soul to her the way he is doing now.

"I was so happy, sooo happy when I found out you were pregnant," pag-amin nito. "Pero ang mas ikinasasaya ko ay ang ideyang ikaw ang magiging ina ng anak na pinaka-aasam kong dumating sa buhay ko. I felt then that my dream was within my reach. I will have a family, a woman I love and a child. I was in seventh heaven."

Tandang-tanda ni Lara ang malakas na sigaw noon ni Dane, sigaw ng tuwa, nang sabihin niya rito na buntis siya. Pinalis agad niyon ang takot niya na hindi magugustuhan ng lalaki ang balita niya. The very next day, he asked her to marry him.

And then later, the dream came crashing down around him, shattered into tiny little pieces. Isa iyong pangarap na malabo nang magkatutoo dahil halos imposible na raw siyang magkaanak. So, yes, she could see clearly now how badly he must have been affected by the tragic events. Hindi lang ang anak nito ang ipinagluluksa ng lalaki kung hindi pati ang pangarap na napakatagal palang iningatan.

"But shortly before you lost the baby, I...I found out something." Napalunok si Dane. "Ampon lang ako, Lara."

"Ano? Pero paanong..."

SHOWDOWNTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang