CHAPTER 6

3.6K 77 4
                                    



"YOU WERE with Ivan the whole day?"

Tumingin si Lara sa asawa. For once ay maaga itong umuwi. Pero dahil nasanay na siya na halos sa opisina na tumira si Dane ay hindi siya tumanggi nang yayain siya ni Ivan na mag-dinner. Sawa na siyang kumaing mag-isa. Iyon ay kung kakain nga siya. Mas madalas na umiinom lang siya ng gatas sa gabi pagkatapos ay matutulog na. Rather, pipilitin niyang matulog. Sometimes she succeeds, most of the time she would toss and turn in bed for a long time before finally falling asleep.

Pagbukas niya ng pinto kanina ay nadatnan niya si Dane. Nasa isang sulok ito ng sala, sa may bar area. May hawak itong baso na paubos na ang laman.

"Kanina ka pa?" Nagulat si Lara na nandoon na ito.

"Medyo. Maagang natapos iyong meeting at naisip kong umuwi para sana yayain kang kumain sa labas. Pero nasa labas ka na pala." Patag lang ang boses ni Dane pero hindi maiwasang maramdaman ni Lara na sinusumbatan siya nito.

Well, screw you! Malay ko bang mahahabag ka sa 'kin at maiisipang amutan ako ng konting oras mo. Nagrebelde ang kalooban niya.

"Yeah. I got tired of sitting around, all alone in our house." Kagaya ng kay Dane ang tono niya – patag lang iyon – pero mukhang natunugan ng asawa ang emosyong nasa ilalim niyon.

"Marami akong inaasikaso. Alam mong mahirap kapag nagsisimula ng bagong negosyo," anito.

Which begs the question. Why start a new business at a time when she needed him the most? Maganda na ang takbo ng kumpanya nito na isang engineering design firm pero pagkatapos mawala ng anak nila ay sumosyo ito sa kaibigan na construction firm naman ang hawak. Busy na nga ito sa pag-aasikaso sa sariling kumpanya ay naghanap pa ito ng dagdag na pagkakaabalahan.

Hindi na sumagot si Lara. Wala siya sa mood makipagtalo sa asawa. Minsan lang mawala iyong pakiramdam niya na sobrang sikip ng dibdib niya at ayaw niyang masira iyon dahil lang sa hindi natuwa si Dane na wala siya sa bahay pag-uwi nito.

Really! Screw you.

"Lets eat," sabi nito.

Hindi na lang tumanggi si Lara kahit pa busog na siya dahil kumain na sila ni Ivan. Habang magkasalo sila ng asawa ay saka siya inusisa tungkol sa araw niya, tinanong kung whole day silang magkasama ng kaibigan.

"Oo." Hindi nagsinungaling si Lara. "Nagkataon na libre siya kaya sinamahan niya 'ko maghapon. Matagal din kaming hindi nagkita eh. We had some catching up to do."

"Kumusta na siya?" Mahabang sandali ang dumaan bago umimik ang lalaki.

"Okay naman."

"May girlfriend na?"

"Hindi namin napag-usapan."

"Eh ano ang pinag-usapan niyo pala?"

"Marami. Kung ano-ano. Pero iyong lovelife niya, hindi kasali."

"Sure ka hindi bakla ang isang 'yon? Parang hindi pa yata siya nagka-girlfriend mula noon eh."

"Ilang beses mo nang sinabi iyan. I really couldn't be sure one hundred percent kung gay siya o hindi pero ang alam ko nagka-girlfriends siya dati. Hindi nga lang yata serious."

"Bakit hindi naging kayo?"

Ibinaba ni Lara ang kubyertos na hawak niya saka tumingin sa asawa.

"Asked and answered," sabi niya. Ilang beses na rin kasing itinanong iyon ng lalaki.

"Hindi ko lang maintindihan."

"Magkaibigan kami. Ewan ko kung bakit mahirap maintindihan na puwedeng maging good friends ang isang babae at isang lalaki."

"Okay." Iniba na ni Dane ang usapan. Nag-usap na lang sila tungkol sa walang katuturang mga bagay. Tungkol sa panahon, sa takbo ng ekonomiya, sa pagtaas ng mga bilihin.

Ramdam na ramdam ni Lara ang kawalan nila ng kuneksiyon ng asawa. Iyong topics nila sa mga bihirang panahon na nagkakasama sila ay mas bagay pag-usapan ng mga estrangherong nagkasabay lang sa pila sa grocery o sa paghihintay ng masasakyan. They are husband and wife but the intimacy between them seem to have disappeared along with the fetus she used to carry in her womb. And suddenly she feels tired. So, so tired. Hindi iyon pisikal na pagod kung hindi pagod ng kalooban. Kung puwede lang na tumigil nang mabuhay ay ginawa na niya dahil pakiramdam niya talaga ay wala ng dahilan para magpatuloy pa.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now