CHAPTER 45

2.1K 58 2
                                    



"I HAVE guessed as much based on what I saw," sabi ni Ivan. Namula ito, nag-iwas ng tingin. "I didn't mean to watch you. Oh, shit, of course I meant to watch you have sex. I couldn't turn my gaze away, actually. Dahil iyon ang ultimate fantasy ko. Ang makita kang may ka-sex na ibang lalaki and then I'd join the two of you. That's how sick I am. Like I said, sumubok na 'kong sumailalim sa psychotherapy. And I thought I was getting better. Pero hindi eh. Nandoon pa rin iyong urge, iyong craving."

"Baka hindi lang natumbok nung psych iyong pinag-uugatan ng kakaibang urge mo na 'yan. Or maybe...hindi ka rin desididong mawala iyon. I mean, kung doon ka nakakakuha ng matinding pleasure ay bakit mo gugustuhin na alisin iyon sa pagkatao mo, right?"

"Because it's not normal. And I feel guilty when I indulge in it." Napailing-iling si Ivan saka napapalatak. "Pero mabuti na rin na nadiskubre mo ang sikreto ko. Now, I can breathe easier when I'm with you. Hindi na 'ko kakaba-kaba na mabubuko mo 'ko. Tinatanggap ko na rin na hindi puwedeng maging tayo. You really don't deserve a guy as crazy as I am. That is the very reason why...why I couldn't act on my feelings for you."

"Oh, Ivan, hindi ganoon ang tingin ko sa iyo. Hindi ka baliw. In fact, you are one of the nicest persons I know."

"But it's not enough for you. Malabong in-love ka pa rin sa 'kin pagkatapos ng nadiskubre mo."

"Malabong maging in-love ako kahit kanino pagkatapos ng nadiskubre ko," hayag niya. "Nadiskubre tungkol sa sarili ko."

"Anong ibig mong sabihin?" Mukhang nagulumihanan ang lalaki.

"I was looking for a guy to hold my hand, protect me, take care of me."

"And?" Parang hindi pa rin naiintindihan ni Ivan ang tinutumbok niya.

"And that should not be the case. I am a grown woman. An adult. May kakayahan ako na buhayin at alagaan ang sarili ko kaya hindi ako dapat maghanap ng ibang tao na sasalag ng mga dagok sa 'kin ng buhay. I should be the one to take on the blows because I will learn from them and will grow strong from them. Iyak lang ako nang iyak nang mawala ang anak namin ni Dane. Well, okay lang naman siguro ang umiyak. Sa simula. Hindi iyong wala ng katapusan halos iyong pag-iyak ko. I didn't just lean on you. I clung to you like a millstone. Para siguro talaga akong bato na isinabit sa leeg mo. Ngayon ko mas lalong na-appreciate ang pagiging understanding at supportive mo. Pero na-realize ko na hindi naman puwedeng lagi na lang akong kakapit sa ibang tao kapag nahihirapan ako. I should take on the burden on my own. Kung ma-depress man ako na hindi kayang paalisin o bawasan man lang ng ordinaryong paraan I could always seek professional help. You did."

"Hindi umubra sa kaso ko," hayag ni Ivan.

"Pero hindi iyon dahilan para tumigil ka sa paghahanap ng paraan para maayos ang nararamdaman mo. O kung hindi man talaga puwedeng ayusin eh iyong magawa mo lang na tanggapin iyon nang hindi mo nararamdaman na napakasama mo."

Hindi umimik ang lalaki. Mukhang napapaisip ito.

"Nagkita na ba ulit kayo ni Dane? O nagkausap?"

Umiling si Lara. "Nag-message lang ako sa kanya nang makarating na 'ko rito sa bahay para hindi siya mag-alala. Mas mabuti na rin siguro ang ganoon. I have decided I would be better off living on my own. At least for now. Kaya hindi na muna masyadong mahalaga sa 'kin kung ma-annul ang kasal namin o hindi."

"I love you, Lara. Kung naiba lang ang sitwasyon..." Napailing ito. "But that's just like wishing for the moon, right? Of course hindi naiba iyong sitwasyon. Anyway, if I can't be your forever guy, I'm still your friend."

"Sa ngayon ay mas gusto ko iyon," sabi niya.

Inilahad ng lalaki ang mga braso nito at muli ay pumaloob sa mga iyon si Lara. Isiniksik niya ang ilong sa dibdib ni Ivan, sininghot ito. Napangiwi siya. Hindi ito mabaho. In fact, he is wearing the same scent she likes. Nakakagulat tuloy na parang nasulasok siya sa amoy.

"May b.o. ako?" Inamoy ng lalaki ang ilalim ng kili-kili nang umatras siya bigla palayo rito.

"Wala. Hindi ko lang type iyong scent na gamit mo." Natutop ni Lara ang bibig. Ang OA naman yata niya. Naduduwal kasi siya.

"Sigurado ka wala akong putok?" Kanda-singhot ulit si Ivan sa sarili.

Ni hindi niya magawang sumagot. Para kasing babaligtad ang sikmura niya.

"Lara, okay ka lang?" Halatang nag-alala na si Ivan.

Hindi na siya nakapagsalita. Ang sagwa na talaga ng pakiramdam niya. Nagtatakbo na siya papunta sa banyo sa may kusina. She barely made it. Sakto lang na nakalapit siya sa bowl bago humilab nang tuluyan ang sikmura niya. Nasuka siya.

"Mukhang kailangan mong magpatingin sa doktor," sabi ni Ivan nang datnan niya itong naghihintay sa labas ng cr. "Namumutla ka eh."

"M-masagwa nga ang pakiramdam ko," pag-amin niya. Pinagpapawisan siya ng malamig, nanlalambot ang mga tuhod at parang hinahalukay ang sikmura niya. Mula nang makabalik siya galing sa resort ay maya't mayang sumasama ang pakiramdam niya. Baka may nakuha siyang virus doon.

"Halika, sasamahan kita," sabi ni Ivan.

"Magbibihis lang ako." Hindi na siya tumanggi. Pero hindi niya naituloy ang paghakbang papunta sa hagdan. Her legs wobbled. Nakakita siya ng pultik-pultik na itim bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now