CHAPTER 21

3.1K 85 5
                                    



"AFTER what happened between us, I'll be damned if I'll let you go," anito.

Nagsikip ang dibdib niya. Ipinaalala lang ng sinabi ni Dane ang gusot sa pagitan nila. Gusot na sa palagay niya ay malabo nang maayos.

"You have to. Dahil sa pagkakataong ito ay determinado na 'kong mag-file ng petition for annulment. Kontrahin mo kung gusto mo. Bahala na ang korte na mag-decide kung iga-grant iyon o hindi." Umakma siyang lalakad na ulit.

"The process would be long and messy," anang lalaki. "Alam mo iyon."

Alam na alam nga niya. Pero hindi na niya kayang manatiling nakabitin sa ere ang civil status niya, pati na rin ang kanyang lovelife.

"I have a proposition," sabi ni Dane.

"Hindi ako interesadong marinig."

"It would be to our own best interest. Sa 'tin pareho."

Hindi umimik si Lara. Itinuloy na niya ang paglakad.

"Papayag na 'kong ipa-annul ang kasal natin." Parang hindi halos makalabas ang boses sa lalamunan nito.

That stopped her dead on her tracks. Bumaling siya sa lalaki.

"Seryoso ka diyan? O pinaglalaruan mo lang ako?"

"Seryoso ako. This has to end after all. Hindi puwedeng ganito na lang tayo habang buhay. So yes, I promise to cooperate. Heck, I will be the one to file the petition for annulment if you want."

"What's the catch?" tanong niya. Of course there's a catch.

Tumingin muna sa kanya si Dane. She saw the hesitation in his eyes. May naaninag din siyang...takot? Hindi niya sigurado. Mahirap mag-isip kung ganoong naaalog ang pagkatao niya. Does she dare hope that he would finally set her free?

"I promise to cooperate with you," hayag nito, mas matatag na ang tinig. "Sa isang kundisyon. Gusto kong...gusto kong bigyan mo tayo ng huling pagkakataon para makasiguro na gusto na nga nating kumalas nang todo sa isa't isa. Na wala na talagang pag-asang maayos ang pagsasama na natin."

Marahas na bumuga ng hangin si Lara. Wala namang bago sa sinabi ng lalaki.

"Lumang tugtugin na 'yan, Dane. You're wasting my time." Tatalikod na dapat siya.

"Isang buwan, iyon lang ang hinihingi ko. Come with me and we'll take a long vacation someplace nice. Sa isang lugar kung saan makakapag-focus tayo sa isa't isa," patuloy ni Dane na para bang hindi siya nagsalita. "After that, kung pakiramdam mo ay wala na talagang pag-asa na mahalin mo ulit ako ay nangangako akong hindi na kokontrahin ang petition for annulment na ipa-file mo. Like I said, I would even file it myself if that's what you want. Ako na rin ang sasagot sa lahat ng gastos."

"No," mabilis na tanggi ni Lara.

"Why?" May bahid ng paghahamon ang tono ni Dane. "Natatakot ka bang makasama ulit ako dahil baka madiskubre mo na may nararamdaman ka pa rin para sa akin?"

"Huwag mong lokohin ang sarili mo, Dane. I have no more feelings for you whatsoever."

"And yet you responded to me..."

"That's just sex," sabad niya.

"And good sex is one of the foundations of a good marriage," hayag ni Dane.

"So is trust. At iyon ang nawala sa 'kin. I can't trust you anymore."

She saw the flash of pain in his eyes. Na para bang sinampal niya ito. Pero tutoo lang naman ang sinabi niya. Hindi na niya kayang magtiwala rito. Magtiwala na hindi ito magluluko, na hindi siya iiwan ulit sa ere kapag may dumating na namang dagok sa pagsasama nila.

"So who is this man you can trust? The man you were waiting for in this room?" tanong nito.

Nag-atubili si Lara. Sasabihin ba niya?

"N-none of your business." Parang hindi niya magawa.

"It's Ivan, right? Sa wakas ba ay nagawa mo ng labanan ang takot mo na hindi ka niya tatanggapin?"

Hindi ipinahalata ni Lara pero nagulat siya na nahulaan ng lalaki ang takot niya na iyon.

"You are so easy to read, Lara," sabi ni Dane. "At alam ko, laging nakapagitna sa 'tin si Ivan. Kahit noong mag-asawa na tayo, lagi mo akong ikino-compare sa kanya."

"Hindi tutoo 'yan."

"Of course it's true. He is the saint and I am the sinner." May lumabas na mapaklang ngiti sa labi nito.

Hindi nakaimik si Lara. Kung magiging tutoo siya sa sarili ay aaminin niya na may katotohanan ang mga pahayag ni Dane.

"I am tired of living under his shadow, tired of being compared to a person who could do no wrong in your eyes. So kung gusto mo talaga siya, heto na ang paraan para mawala ang hadlang sa pagitan niyo. Take on this challenge and if you succeed, you will be free. We would both be."

"Kung gusto mong maging malaya na rin bakit hindi ka na lang pumayag sa gusto ko?" hamon niya.

"Dahil hindi kagaya mo, gusto ko pa rin namang ipaglaban ang pagsasama natin. So take it or leave it. In the meantime, maybe I can do something to help you make a decision." In a flash he was by her side. Hinila nito ang beywang niya at isinagad ang katawan nito sa kanya.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now