CHAPTER 25

2.9K 77 9
                                    



KABADO si Lara. Pagkatapos ng nangyari sa resort ay lagpas isang buwan pa ang lumipas bago siya makabuo ng pasya at sa loob ng ilang araw bago ang nakatakdang lakad nila ni Dane ay iyon na ang default mode niya. Kinakabahan siya. But she is also relieved by the idea that finally she is doing something to get her life in order. If only her hormones would cooperate. Para kasing nagpapaka-bibo ang mga iyon. Hindi na bago sa kanya ang ganoon. There are really phases in her cycle when her hormones go into overdrive. Malas lang yata niya na pumatak ang phase niya na madali siyang ma-arouse sa panahong magkakasama ni Dane. Mukhang masusubukan nang husto ang self-control niya.

And then she remembered something. Iyong sinabi ng lalaki nang tanungin niya ang terms and conditions ng proposition nito.

Of course we'll have sex. It is the one aspect of our marriage where we have no problems whatsoever. Hindi pa ba natin ie-enjoy iyon? Maybe for the last time?

Tiniyak din naman siya ni Dane na hindi siya pipilitin nito.

I would persuade you, not force you. May mangyayari lang sa 'tin kung gusto mo rin.

And that is the problem. Paano nga kung gusto rin niya? Sa estado ng hormones niya, makakaya ba niyang tumanggi sa lalaki?

Nakahanda na si Lara, kanina pa. Kaya nang marinig niya ang ugong ng dumating na sasakyan ay inayos na niya ang mga dadalhin niya. Isang buwan ang itatagal ng pagkakasama nila ng lalaki pero ang sabi nito ay huwag na siyang magdala ng masyadong maraming damit kaya isang pirasong luggage lang ang pinuno niya saka isang overnight bag na mga toiletries ang laman.

Nang pagbuksan niya ng pinto si Dane ay nalanghap agad niya ang pamilyar na amoy nito. Even her sense of smell seen to have gone into overdrive. Para kasing natakam ang ilong niya na suminghot pa ulit. Her insides as she caught a whiff of his masculine scent. Damn her raging hormones. Sa nalanghap kasi niya ay mistulang dinilaan ng apoy ang buong katawan niya. She is getting turned on. Parang hindi iyon napansin ni Dane, salamat naman. Ngumiti lang kasi ito sa kanya saka tumingin sa loob.

"Iyon ba ang gamit mo?" anito.

"Y-yeah." Natauhan siya nang magsalita ito. "Kukunin ko na." Pumihit si Lara para puntahan ang nakahanda na niyang bagahe.

"No." Hinagip ni Dane ang braso niya. Her body shuddered when she felt his touch. Oh, damn, damn her hormones. Konti na lang ay baka yakapin na niya ang lalaki at ipagsiksikan ang humihilab niyang kaselanan sa matigas nitong katawan. Remembering how hard his body is made her crave for him all the more. His cock...

No! Tahimik na sinita ni Lara ang sarili. She must not think of his cock.

"Ako na ang magdadala," anang lalaki saka siya nilagpasan para puntahan ang kinaroroonan ng gamit niya.

Parang walang bigat ang binitbit nito. Kung sabagay, alam niyang nagwo-work-out dati si Dane. Malamang na itinuloy nito dating routine kaya mani lang dito ang bigat ng bagahe niya. Ni hindi na kasi nito pinagulong ang maleta niya kahit puwede naman.

Ini-lock na ni Lara ang pinto saka siya lumabas na at sumunod sa lalaki. Inilagay ni Dane sa trunk ang gamit niya saka ito mabilis na lumigid ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. Pag-upo niya sa passenger seat ay saka lang niya napansin na may tao sa likod. Namilog ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon.

"Ivan?" Namamalik-mata ba siya? Pero hindi. Kahit ilang beses siyang kumurap ay si Ivan talaga ang nakikita niya.

"A-ano'ng ibig sabihin nito?" tanong niya kay Dane, na noon ay kakaupo lang sa driver's seat, ang tinanong niya.

"Nag-usap kami ni Ivan. It's time we end this impasse so that we can get on with our lives. This is the moment of truth for all of us. I want to be fair to you. Gusto ko na makakapag-desisyon ka ng maayos kaya inimbitahan kong sumama sa 'tin si Ivan. This way, you get to see both of us, interact with us, at the same time. I'm hoping this would help you make your decision."

"At...pumayag ka?" baling niya kay Ivan.

"I am willing to grab whatever opportunity that was presented to me. Pinaglagpas ko na noon ang pagkakataon na maging akin ka at pinagsisihan ko iyon nang husto. This time I am prepared to give it my best shot to have you in my life," sagot nito.

His answer took her breath away. But Dane's gesture of inviting his competition to go with them had the same effect on her.

"We had come to an agreement," patuloy ni Dane. "May the best man win. At kapag nakapadesisyon ka na kung sino talaga sa 'min ang gusto mong makasama ay tahimik na tatanggapin ng talunan ang pasya mo."

Oh boy! Mukhang imbes mapadali ang pagdedesisyon niya ay lalo pa siyang mahihirapan dahil sa bagong pangyayari na iyon.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now