CHAPTER 18

3.5K 98 12
                                    



SHE DIDN'T want to open her eyes. Nakaidlip si Lara pagkatapos ng nakakapagod na eksena sa pagitan nila ni Dane. Hindi niya iyon gustong gawin pero nang mailapag niya ang sarili sa tabi nito at kabigin siya ng lalaki para ikulong sa mga braso nito ay agad na tinalo ng matinding antok ang determinasyon niya na bumangon agad at iwan ito. It was the familiar warmth that enveloped her the instant Dane wrapped his arms around her that did it. Nasanay na siguro siyang masyado sa pakiramdam na iyon kaya nang maranasan ulit niya ay ganoon ulit ang naging epekto sa kanya. Inantok agad siya. Idagdag pa na nakakapagod ang mapasabak sa mainit na labanan. Nang magising siya ay ang amoy ni Dane ang agad pumuno sa ilong niya. Paano kasi ay nakasubsob pala ang mukha niya sa hubad na dibdib nito.

Hubad na dibdib. Napirme si Lara sa pagkakahimlay nang matukoy kung nasaan siya. Lalo pa nang maalala ang nangyari sa kanila ng asawa. They just had sex. It was glorious and wonderful, yes, but it was not supposed to happen. Masyado na ba siyang tigang kaya ni hindi niya nagawang tanggihan ang lalaki?

Akala ko kasi siya si Ivan. Well, it's kinda true. Buong-buo ang paniniwala niya noong una na ang lalaking ipinapa-seduce sa kanya ni Carrie ang kasama niya. Kaya nga pinilit niyang maging bold and daring. But it's also true that after she discovered it is Dane she is with is the time she became more comfortable in giving in to the pleasure she was feeling. Noon naging mas bigay na bigay na bigay ang mga responses niya rito. Until she was too aroused to stop.

Now she would have to face the consequences of her actions. Ni hindi nga niya alam kung paano pakikiharapan ang lalaki pagkatapos niyang hayaan na angkinin siya nito sa napakasarap na paraan. Inaamin naman ni Lara na nag-enjoy siya nang husto sa namagitan sa kanila. She participated in the act willingly, even enthusiastically.

But it doesn't change anything, giit niya sa sarili. Nag-sex man sila ni Dane ay hindi ibig sabihin niyon na handa siyang makipagbalikan dito.

She is just postponing the inevitable by pretending to be still asleep. Pero sige, bibigyan niya ng konti pang panahon ang sarili niya na mag-isip ng magandang idadahilan sa lalaki kung bakit hinayaan niyang humantong sila sa ganoon.

INGAT na ingat sa paghugot ng hininga si Dane. Baka kasi magising si Lara. Hangga't maaari ay ayaw muna niyang mangyari iyon. He wanted to savor the feeling of having her in his arms for just a little while longer. Nag-aalala rin siya na baka isang magandang panaginip lang ang lahat at kapag napalakas ang paghigop niya ng hangin ay bigla siyang magising at madiskubre na nasa kuwarto niya isa, mag-isa sa kama. He has had so many dreams like this, with Lara lying beside him or him making sweet love to her. Only to wake up and find himself alone in bed.

Tumungo siya, isiniksik ang ilong sa buhok ni Lara saka nilanghap iyon. Her hair still smells of a delightful combination of vanilla and jasmine. Hindi pa ito nagpalit ng shampoo mula nang una silang magkakilala. The scent is so familiar and he instantly recalled the many times he had woken up and inhaled that wonderful smell.

Agad siyang binalot ng matinding lungkot at panghihinayang. May kahalo rin iyong galit. Para sa sarili niya. It is his fault that he lost Lara. At walang araw na dumaan na hindi niya pinagsisihan ang naging kilos niya nang mawala ang anak nila.

Kung alam lang sana ng asawa ang isa pang pinagdadaanan niya nang mga panahong nawala ang bata sa sinapupunan nito. Siguro ay dapat na ipinagtapat niya iyon dito. But no, he didn't want to. Siya nga mismo ay gustong kalimutan na iyon, huwag nang isipin kahit kailan. And he hates it that he is reacting that way to it. He's a grown man, after all. Hindi na yata bagay ang kalituhan at ang pagkatinag ng pagkataong naramdaman niya dahil sa nadiskubre niya. So he lost her and for a long time he felt like he was living in limbo. Now that he experienced once more what it feels like to have her back in his arms, he'd be damned if he'd let her go again. At least, not without a fight.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now