CHAPTER 44

2.1K 63 1
                                    



"LARA..."

Hindi na nagulat si Lara nang buksan niya ang pinto at makitang nakatayo roon si Ivan. Tumawag sa kanya ang lalaki, nakiusap na magkita sila kung saan man niya gusto. She wasn't feeling so well so she just told him to come to her place.

Haggard ang itsura nito. Parang ilang araw itong hindi nakatulog dahil ang tindi ng eyebags nito. Nangingitim ng todo at namamaga.

"Okay ka lang ba?" Sabay silang nagsalita at pareho ang tanong.

Bahagya silang pareho rin na natawa.

"Pasok." Nilakihan ni Lara ang pagkakaawang ng pinto.

Nilagpasan siya si Ivan pero pumihit din ito para harapin siya.

"I am so sorry, Lara," usal nito. "You must be so disgusted with me."

She saw deep regret in his eyes. May naaninag din siyang hiya roon.

"Sino ba ako para madisgusto sa kahinaan ng iba?" sagot niya. "Ako pa na may mga kahinaan din?"

Tatlong araw na ang dumaan mula nang umalis siya sa resort at sa panahong iyon ay nakapag-isip-isip na rin siya. Unti-unti rin ay nabawasan na iyong pagka-shock niya sa nadiskubre tungkol kay Ivan.

She doesn't know her best friend the way she thought she did. Mali na i-assume niya na dahil lang close sila ay alam na niya ang lahat-lahat dito. And she guessed Dane was right. She had been looking at Ivan through rose-colored glasses. Ang taas-taas ng tingin niya rito. He is the guy who could do no wrong. It is a standard no mortal man would ever be able to live up to. Kaya siguro nang malaman niya ang sikreto nito ay ang tindi ng pagkagulat niya. Hirap siyang tanggapin iyon.

But Ivan is just a man. And no human is infallible. Lahat may kahinaan. Ang tanong na lang ay kung ano ba ang kaya niyang tanggapin. In the name of love, a person would be able to accept anything. So iyon siguro ang true test kung mahal ba niya talaga si Ivan o ang romanticized persona nito ang kina-i-in-love-an niya.

Inilahad ng lalaki ang mga braso sa kanya. Sandaling nag-atubili si Lara bago pumaloob sa mga iyon. Pinatahimik ng yakap nito ang pagkabulabog ng kalooban niya. Kagaya ng dati, sa loob ng mga bisig nito ay nakatagpo siya ng kapayapaan.

"I have always loved you, Lara," usal nito. "Noon pa. Pero...pero iyong mismong sikreto ko ang rason kung bakit hindi ko magawa-gawang ipaalam sa iyo ang nararamdaman ko."

"Sana ay sinubukan mong ipagtapat iyon sa 'kin," sabi niya na kumalas na sa pagkakayakap ng kaibigan. "We're friends, after all. Ako nga ang dami ng nasabi sa iyo."

"Hindi ko kaya. Ilang beses kong sinubukan pero hiyang-hiya ako. I am a voyeur, Lara. Nakakaramdam ako ng sexual pleasure sa panonood ng mga taong nagse-sex. I crave it. And sometimes, I...I even join the action."

"Noon pa ba nagsimula 'yan?" usisa niya.

Tumingin sa sofa ang lalaki. "Can we sit while we talk? Mahabang kuwento ito."

"Sure." Nauna nang magpunta roon si Lara.

Ilang beses na naudlot ang pagsisimula ni Ivan sa kuwento nito. It is obvious he is having trouble finding the right words to say. Sa bandang huli, matapos ang paghugot nito ng malalalim na hininga, ay nagawa na rin nitong magkuwento.

"Bata pa ako, siguro mga 7 o 8, nang may pinsan ako na nag-stay sa bahay namin habang inaayos ng tito at tita ko na nag-ampon sa kanya ang papeles niya para makasunod na siya sa mga ito sa States. He is so much older than I am. Halos ten years ang tanda niya sa 'kin. Isang araw ay naaktuhan ko siyang may kasamang babae sa kuwarto niya. We share an adjoining bathroom at nasa banyo ako nang marinig na umuungol galing sa kuwarto niya. Na-curious ako kaya sumilip ako. Nakita ko siya na may ginagawang kung ano-ano sa ka-partner niya. At hindi silang dalawa lang ang nandoon. There was this other guy and soon, he, too, joined the action. I was confused by what I saw pero parang...fascinated din," salaysay ni Ivan. "Very religious ang mga magulang ko kaya kahit bata pa ako, feeling ko ay masama ang ginagawa ng pinsan ko at ng mga kasama niya. Natakot din ako kasi...kasi may naramdaman akong kakaiba. I was aroused by it although at that time, hindi ko alam na iyon nga mismo ang tawag sa naramdaman ko. Pinilit kong kalimutan na lang iyon kahit pa maraming gabi akong hindi pinapatulog ng eksenang nasilip ko."

Dumukot sa bulsa nito si Ivan ng panyo at nagpunas ng noo. Pawisan ito. Halatang nahihirapan ito sa ikinukuwento.

"Somehow, I did succeed in putting the whole thing at the back of my mind, lalo pa nang umalis na sa bahay namin ang pinsan ko. Sa paglaki ko ay nakalimutan ko na nga iyon. Hanggang sa magpunta ako sa States. I was at a friend's house for a party when I accidentally walked into a room where a couple of his guests are having sex. Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa ginagawa nila at dapat ay lalabas na lang ulit ako. But I was transfixed. Nag-flashback bigla sa 'kin iyong nakita kong eksena sa bahay noong bata pa ako. Bumalik din iyong naramdaman ko noon dati. I backed away but only to hide myself behind some furnitures. Pinanood ko sila. And...I...I started fondling myself while watching them. Akala ko ay hindi nila ako nakita pero bigla ay tinawag ako nung babae. She...invited me to join them. I...I agreed." Tumigil sa pagsasalita si Ivan at inihilamos ang palad sa mukha.

"It was like the act unleashed something inside me. Naging...habit ko na iyon. I get turned on by seeing people have sex. Ilang live shows ang napuntahan ko at may ibang pagkakataon na nag-participate ako sa couple na nagtatalik. It's sick! I know it's sick. But I couldn't stop myself. Nag-therapy ako and for a while it looked as if I am able to manage my condition. Pero hindi pala. Nag-regress ako at nang maaktuhan ko sina Marj at Wick na nagse-sex doon sa beach house, well, things got out of hand. Every chance I get I watch them. I feel this compulsion to watch them. Now you know what kind of pervert I am you have every right to be disgusted," pagtatapos nito.

"I...I have a secret I want to share with you, too," sabi ni Lara. "I like...rough sex. Hindi naman sadistic o masochistic level. But I find gentle sex boring. Gusto ko ay iyong may halong konting sakit."

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now