CHAPTER 50

5.6K 114 13
                                    



"WALA nga. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ganoon ang mangyayari. Pero sobrang lasing siya na nakatulog na lang siya. Kahit anong gawin ko, kahit anong halik at hipo, hindi siya nagre-respond."

"Eh iyong nadatnan kong eksena?" Hindi pa kaya maniwala ni Lara sa sinasabi ng babae.

"Imbes matuwa o ma-arouse, nagalit pa siya. Galit na galit. Lalo pa nang...nang papaniwalain ko siya na may nangyari sa 'min."

"Sinabi mo sa kanya na nag-sex kayo?"

"Umaasa ako na baka...baka makatulong iyon para mag-iba ang tingin niya sa 'kin. Pero nakasama pa iyon. Nilinaw niya, pinaka-linaw-linaw, na walang relasyong puwedeng mamagitan sa 'min dahil may asawa siya at mahal ka mahal ka niya. Hindi niya ako sinesante pero ang lamig ng pakikitungo niya sa 'kin mula noon. Ako na ang kusang nag-resign."

Nag-init ang mga mata ni Lara sa narinig. Parang pinagkukurot ang puso niya nang maalala ang ginawa niya sa asawa.

"Hindi ko ipinagtapat kay Dane ang tutoo, na wala naman talagang nangyari sa 'min noong gabing nasa bahay niyo ako. Naghiwalay kami ng landas na iniisip niyang nag-sex kami. Masama rin kasi ang loob ko sa kanya. Nang magkita na lang ulit kami kailan lang ay saka ko ipinaalam sa kanya, para na rin humingi ako ng tawad. Ganoon din ang balak kong gawin sa iyo. Wala akong excuse sa ginawa ko, Lara kung hindi ang kagustuhan ko na mapunta sa 'kin ang asawa mo. Sorry. Sorry." Nangingilid ang luha ni Amber.

"Bakit ngayon lang?" Gusto niya itong sumbatan pero pinilit na lang niyang gawing kalmado ang boses.

"Naunahan na 'ko ng takot. Ng hiya. Pero hindi ako matahimik lalo nang malaman ko na sinusubukan ni Dane na ayusin ang pagsasama niyo. Kaya nandito ako ngayon para linawin sa iyo ang lahat. At humingi na rin ng tawad." Tumingin sa tiyan niya si Amber. "Sabi ni Dane magkaka-baby na kayo. Natutuwa ako. Gustong-gusto niyang magka-pamilya. Na maging isa kayong masayang pamilya.

"G-gusto ko rin iyon."

"Sabihin mo sa kanya iyon. Hinihintay lang niya na pabalikin mo siya. Mahal na mahal ka niya, Lara. Nakakainggit iyong klase ng pagmamahal niya sa iyo."

And suddenly, it's clear to her what she would do. Nahulaan yata iyon ni Amber base sa ekspresyon niya. Ngumiti ito saka nagpaalam na. Pag-alis ng babae ay kinuha ni Lara ang telepono niya, pinindot ang numerong kabisadong-kabisado na niya.

"Hello, Dane..."

She is willing to try again. Sa pagkakataong iyon ay hindi para may mag-alaga sa kanya o may masandalan siya kung hindi para maging masayang pamilya sila.

"CONGRATS, bes. I'm sure ang saya-saya mo," sabi ni Carrie.

"Sinabi mo pa, bes," paniniyak ni Lara. Nag-renewal of vows sila ni Dane pero sa pagkakataong iyon ay konting-konti lang ang mga bisita. Pagkatapos ng reception ay nagkakuwentuhan sila ng kaibigan. "Nasaan si Dano pala?" Luminga-linga siya.

"Kasama ni Ivan kanina," ani Carrie.

"Ang suwerte ko sa mga kaibigan. Did I ever tell you how Ivan saved my life?"

"Si Ivan?"

"Oo, doon sa resort. Nahulog kasi ako sa dagat..." Ikinuwento ni Lara ang pangyayari.

"Hindi ako ang nagligtas sa iyo."

Napatingin sila sa nagsalita. Si Ivan. Lumapit ito sa kanila saka naupo sa silyang katabi ni Carrie.

"Si Dane ang sumagip sa iyo, Lara," patuloy nito. "I think pinulikat siya kaya nahuli siya ng konti na makalapit sa kinakapitan mo. Nakahingi ako ng tulong sa dumadaang mga mangingisda at nakiangkas ako sa bangka nila kaya ako ang mas naunang nakarating sa kinaroroonan mo at nahila kita paangat ng tubig. Pero kung hindi siya nakalangoy palapit sa 'tin si Dane ay baka nalunod ka pa rin dahil nabitawan kita. He nearly drowned himself as he struggled to keep take you to the boat. Hindi makalapit iyong bangka dahil sa lakas ng alon ay puwedeng maitulak ito sa batuhan. Dane is your hero, Lara, not me."

Hindi makapaniwala si Lara. Naalala niya na hindi itinama ng asawa ang maling akala niya. Well, magugulat ito mamaya. Sa honeymoon nila ay saka niya ipapadama rito kung gaano kalaki ang pasasalamat niya.



WAKAS

*Salamat po sa pagbabsa. Sana ay nagustuhan niyo ang mainit na kuwento nina Lara, Dane at Ivan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now