CHAPTER 12

3.2K 71 4
                                    


"UY, MAY bagong development yata sa buhay niya," komento ng isa sa kaumpukan nila sa mesa. Si Gina.

"May ganoon?" sabi naman ng isa pa, si Tracy

"Wit-twiiit!" pabirong sipol naman ni Dennis.

Nilingon ni Lara kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito. Si Ivan pala. At may kasama ito. A stunningly gorgeous woman who is clinging possessively on his arm. Lara was stunned by the depth of emotion that slammed on her chest. Parang gusto niyang hablutin ang buhok ng babae at kaladkarin iyon palayo kay Ivan.

"May gf na pala siya?" ani Gina. "I thought kayo ang may something," komento nito.

"Hindi ah! Friends lang kami," mabilis na tanggi ni Lara. Tutoo naman iyon pero aminado siyang nagkukukot ang kalooban niya.

"Ang sexy naman nun," sabi ni Dennis. "Hindi ko akalain na sex siren ang type ni Ivan. Tatawagin dapat nito si Ivan pero may ibang grupo ng kakilala ang nauna rito. Sa mesa ng mga ito giniyahan ng lalaki papunta ang kasama nito.

Pinili ni Lara na iwasan ito. Hindi mahirap gawin dahil nakatuon sa kasama nito ang pansin ni Ivan. Kahit nga nang magkaroon ng sayawan ay ang mga ito lagi ang magkapareha. Na lalo niyang ikinainis. Inis na pilit niyang nilulunod ng alkohol. Naparami tuloy kesa sa normal ang inom niya.

Gustong-gusto nang umuwi ni Lara. Hindi talaga siya natutuwa sa pangyayari. Kung dala lang niya ang sasakyan niya ay kanina pa siya umalis. Mahirap kumuha ng Grab dahil malayo ang venue. Kanina pa siya sumusubok mag-book pero walang available na driver. Wala rin si Carrie. Nasa ibang bansa na naman ito kaya hindi nakasama sa salo-salo.

Nang matanaw niya ang isang grupo ng acquaintance na paalis na ay kinapalan na niya ang mukha. Lumapit siya sa mga ito at nakiusap na i-hitch siya kahit hanggang sa lugar lang na madali ng kumuha ng masasakyan.

"Ida-drop off na lang kita," sabi ni Rick, ang may-ari ng sasakyan.

She smelled alcohol on his breath. Nag-alangan tuloy siya. She usually doesn't ride with someone who had been drinking. Isang drunk driver ang naging dahilan para mamatay ang mga magulang niya. Laman din ng maraming balita ang mga aksidente sa kalsada na nakainom na driver ang dahilan. Kaya lang ay nahiya siyang bawiin ang pakiusap niya na maki-hitch. At saka gustong-gusto na talaga niyang umalis kaya pikit-mata na lang siyang sumama sa mga ito.

Pasakay na siya sa kotse ni Rick nang may humagip sa braso niya.

"O, Ivan, nandito ka pala." Kunwari na lang si Lara na hindi niya alam na nandoon ito.

"Paalis ka na?" anito.

"Yeah. Nagluko iyong kotse ko kaya wala akong dalang sasakyan."

"Sa 'kin ka na lang sumabay," yaya nito.

No way! Sigaw ng kalooban ni Lara. Wala siyang balak maging third wheel kahit pa habang pauwi lang siya.

"Naku, 'wag na. Ayokong makaistorbo." Nakagat niya ang dila nang matukoy kung ano ang lumabas sa bibig niya. Maski ang tono niya, hindi nakakatuwa. Sobrang obvious na may hugot ang sinabi niya.

"Makaistorbo? Kanino?" Luminga-linga pa kuno si Ivan.

"May...kasama ka raw eh. Sabi lang nina Dennis." Paninindigan na niya ang pagpapanggap na hindi niya napansin ang presensiya nito kanina pa.

"Si Kenya siguro ang tinutukoy nila. Uuwi na lang iyon nang sarili niya. Tara na kung paalis ka na."

"Iiwan mo ang date mo?" Nagulat – pero natuwa rin – si Lara sa narinig niya.

"She's not my date. Naki-angkas lang. We met at the airport this morning at nang malaman niya na pupunta ako rito ay nag-request siya ba isabay ko na siya. May..." Ngumisi si Ivan. "May gusto raw siyang pagselosin. Her ex. Nandito rin daw. Nakita ko sila kanina, mukhang nagkakaigihan na. So I'm sure she won't be needing a ride home."

"Ano na, Lara?" Bumaling sa kanya si Rick.

"Okay na, brod. Ako na ang maghahatid sa kanya." Si Ivan ang sumagot.

Tumingin si Rick sa kamay ng lalaki na nakahawak sa braso niya. Lara felt a shiver run up and down her spine. There seem to be something possessive about the way Ivan is holding on to her arm. As though he is staking his claim. Kahit nga yata si Rick ay naintindihan ang mensaheng sinasabi ng body language ni Ivan. Tumango ito saka lumulan na sa kotse.

"Lets go," sabi sa kanya ni Ivan na hindi pa rin binibitawan ang braso niya. Hawak siya nito habang naglalakad sila, bumitaw lang nang marating nila ang sasakyan nito para ipagbukas siya ng pinto.

There was a strange tension in the air as they rode in silence. Hindi malaman ni Lara kung bakit wala siyang maisip na topic na bubuksan samantalang dati ay ang daldal naman niya kapag kasama ang lalaki.

"Uhm, h-how was your trip?" Sa wakas ay nakapagsalita siya.

"Tiring. But very stimulating," anang lalaki.

He glanced at her. Sandali lang nanatili ang tingin nito sa kanya pero napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. It seems he is thinking of some other activity that is also tiring but very stimulating. Ewan ni Lara kung malisyosa lang siya pero naisip niya na ganoon din ang pagse-sex. Tiring but very stimulating.

She felt a heaviness between her legs. Tempted nga siya na pagkiskisin ang mga iyon pero nahiya siya sa kasama. Napasinghap siya nang sa pagkambyo ni Ivan ay hindi sinasadyang nahawakan nito ang tuhod niya. Sobrang sensitibo ng balat niya kaya nang masayaran iyon sandali ng kamay nito ay para siyang sinilaban sa bahaging iyon. At ang apoy na likha ng simpleng pagdait na kamay nito sa balat niya ay ang bilis na gumagapang sa buong katawan niya. The ache between her legs intensified. The peaks of her breasts hardened and swelled. Bigla ay parang ang sikip-sikip ng bra niya. But she welcomed the feel of the fabric that rubbed against her tips whenever she moves.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now