CHAPTER 10

3.3K 80 8
                                    


CHAPTER 10

SHE WAS out of the hospital in a day. Si Lara ang nagpilit na lumabas dahil hindi siya kumportable sa ospital. Naalala niya iyong panahong na-confine siya dahil sa miscarriage niya at ng naging kumplikasyon niyon. Si Ivan ang kasama niya sa paglabas pero inasahan niya ay iiwan na siya nito pagkahatid sa kanya sa bahay ni Carrie. Nagulat siya nang makitang may ibinaba itong isa pang bag na alam niyang hindi naman sa kanya.

"Mga gamit ko," paliwanag nito nang makitang nakatingin siya roon.

"Gamit mo?"

"I'm staying here. Ipinakiusap ni Carrie. Pero kahit hindi niya ni-request ay imposibleng pabayaan kitang mag-isa rito."

"Hindi mo kailangang gawin iyon. Kaya ko na ang sarili ko. At kung nag-aalala ka na maulit iyong nangyari dati, promise, hindi na." Nailang si Lara sa ideyang naging pasanin pa siya ng kaibigan. Financial consultant ito at puwedeng magtrabaho ng hindi pumupunta sa opisina pero ayaw niyang karguhin siya nito.

"Well, too bad because I intend to stay. At dahil may permission ni Carrie eh hindi mo 'ko puwedeng ipagtabuyan," giit ni Ivan.

"Pero..."

"Hindi rin naman ako matatahimik kung alam kong nag-iisa ka rito. Pero promise din, kapag okay ka na, kapag malakas ka na, eh aalis na rin ako agad. I just need to be sure you're gonna be okay," sabad nito.

Nag-init na naman ang mga gilid ng mata ni Lara pero pinigilan niyang maiyak. Imbes ay kinabig niya ang kaibigan at mahigpit itong niyakap. Gumanti naman si Ivan. He hugged her so tight she could hardly breathe. Pero hindi rin gustong kumawala ni Lara sa pagkakakulong niya sa mga braso nito.

She felt all the loneliness she had been battling drain out of her when she was in Ivan's arms. Sa loob ng mga bisig nito ay nakahagilap siya ng kapayapaan. Iyong pakiramdam na hindi siya nag-iisa sa pakikipaglaban sa mga unos ng mundo.

Naging malaking O ang bibig niya nang may maramdaman siya sa bandang tiyan niya. It is a hard thing poking at her and it wouldn't take a genius to guess what it is. Ivan's erect penis. Napaangat ang tingin niya sa mukha nito.

He was looking at her and in his eyes she saw the bright glitter of desire. Iyong kamay ni Ivan na nakasapo sa likod niya ay umalis doon. Parang papunta iyon sa isa sa namimilog niyang dibdib. Nataranta naman si Lara, hindi niya matukoy kung hahayaan niya ito o tatabigin palayo ang kamay na iyon. Pero hindi na niya kinailangang mag-desisyon. Natigilan kasi ang lalaki, parang may naisip. At kung ano man iyon ay naging dahilan para huwag nitong ituloy ang pakay. Instead of going to her breast, his hand cupped her cheek. Doon iyon humagod.

"Magpahinga ka na. Kailangan iyon ng katawan mo," anito saka siya agad nang binitawan. Tumalikod ang lalaki sa kanya, inabala ang sarili sa mga gamit niya na ibinaba nito sa sala.

"Iaakyat ko na ang mga ito sa kuwarto mo," anito, parang nagmamadaling makalayo sa kanya.

Hindi napigilan ni Lara na sundan ito ng tingin. Sa pagkilos nito ay napansin niya na namumukol ang harap ng pantalon nito. The idea that he desired her made her feel conflicting emotions. Natuwa siya pero nailang din. Nagpasalamat din siya na hindi nito itinuloy ang kung ano mang binabalak nito na pagpapakita ng pagnanasa nito para sa kanya. Hindi iyon ang tamang panahon para magkaroon ng dagdag na kumplikasyon sa buhay niya.

MUKHANG pareho nilang balak ni Ivan na kalimutan na muna ang nangyari sa kanila. Hindi nila iyon pinag-usapan at kung kumilos sila, lalo na ang lalaki, ay para bang hindi nagkaroon ng pagkakataon na na-arouse ito sng dahil sa kanya. Hindi tiyak ni Lara kung ano ang dahilan at nakaramdam nang ganoon si Ivan habang yakap siya. Hindi naman niya ito matanong. Nauunahan siya ng hiya at naiilang din na mapag-usapan nila nito ang ganoong bagay. So she just kept her mouth shut.

She could say that she owes Ivan her life. Sinamahan siya nito sa bahay ni Carrie, binantayan, inalagaan. Kung wala ito ay malamang na babalik lang sa dating gawi si Lara. At puwedeng dumating na naman ang panahon na manghihina siya. Sa sobrang tindi ng lungkot na bumabalot sa kanya ay wala talaga siyang gana na alagaan ang sarili niya.

But Ivan was there. Nahuhulaan nga siguro nito ang posibleng mangyari kung hahayaan siya nitong mag-isa kaya sinamahan siya. Hindi lang basta sinamahan. Kinareer talaga nito ang pagtiyak na lalakas siya.

He made sure she eats well. Ito pa nga ang nagluluto kapag may oras ito. He fed her delicious and nutritious meals. Pati snacks niya, masustansiya rin at para maengganyo siyang kumain ay sinasaluhan siya nito lagi. Si Carrie naman, madalas na tumatawag para mangumusta. Nakaka-video call nila ito ni Ivan.

Just the thought that she is with someone who cares, who makes an effort to make her feel better, soothed her wounded psyche. At doon na rin nagsimula ang kagustuhan niya na pagalingin ang sarili niya. As the days passed, she regained the desire to live.

Sa buong panahon na kasama niya si Ivan sa bahay ni Carrie – na umabot ng kulang-kulang tatlong buwan – ay minsan lang siya dinalaw ni Dane. Parang hindi naman ito nagulat nang pagpasok nito sa bahay ay tiyempong pababa ng hagdan si Ivan na may dalang laundry basket. Tinanguan lang nito ang lalaki.

"You look good," komento ni Dane na bumalik agad ang mga mata sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin.

Hindi maibalik ni Lara ang compliment sa asawa. Kabaligtaran niya, mukhang haggard ito.

"K-kumusta ka na ba?" naitanong niya.

"Surviving. I...I just want to ask. Do you have any plans of ever going back home?"

Hindi agad sumagot si Lara. Kung may pinatunayan sa kanya ang pagtira niya sa bahay ni Carrie, iyon ay ang katotohanan na mas payapa pa yata ang kalooban niya kung hindi sila magkasama ng asawa. Ano ba kasi ang saysay na ituloy ang pagsasama nila kung ganoon na para rin lang siyang nag-iisa sa buhay kahit naturingang may asawa siya? Dagdag stress pa sa kanya ang kaalaman na niloloko siya nito.

"I want an annulment," hayag niya pagdaan ng mahabang sandali.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now