CHAPTER 24

2.8K 74 6
                                    



"I...I DON'T know. I don't think so." Napailing-iling si Lara.

"W-what about me? May...feelings ka ba talaga para sa 'kin? O init lang ng katawan ang dahilan kung bakit mo 'ko binalak gapangin?"

"Balak kitang i-seduce dahil napagod na 'ko sa pagtambay sa friendzone," hayag ni Lara. "Pero nagkagulo ang lahat nang hindi ikaw ang datnan ko at...at may mangyari sa 'min ni Dane."

Nagtagis ang mga bagang nito, may ugat na kumislot sa sentido nito. "So, something really happened between you two?"

"Oo."

"Ang tanong lang naman ay ito. Do you still love him?"

Does she? Kung noon iyon itinanong sa kanya ay madali niyang masasagot iyon ng isang matatag na hindi na. Pero ngayon ay nag-alangan si Lara. But is it because she still has feelings for her husband or is she just longing for the kind of sex that she thinks only he could give her?

"H-hindi ko alam," nasabi na lang niya.

"At least you're honest. So where does that leave us?"

"Nowhere. Iyon ay kung hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Dane." Ipinaliwanag ni Lara ang napag-usapan nila ng lalaki, iyong hamon nito sa kanya.

"That jerk!" Napakuyumos ang mga kamao ni Ivan. "I hate him for manipulating the situation but in a way I get him. Sigurado kong nagsisisi siya na pinakawalan ka niya at balak niyang mabawi ka."

"I just want the whole thing to be over. Nakaka-frustrate na," bulalas ni Lara. "Dapat nga siguro eh itinuloy ko na rin noon ang pag-file ng annulment kahit pa tiniyak niya na kokontrahin niya iyon. Baka by now ay..."

"Pormal nang hindi na-grant ang petition mo," sabad ni Ivan. "Hindi na ganoon kadaling magpa-annul ngayon at malamang na gagamitin ni Dane lahat ng paraan para huwag mapawalang-bisa ang kasal niyo."

"So you're saying that I should go with him?" tanong ni Lara.

"No! I'm just saying...I'm just saying that I hate myself for not acting soon enough. For hesitating for so long. It's just that..." May dumaang ulap sa mga mata nito. Napailing-iling din ito. "I have my reasons but I also couldn't stop blaming myself. Kung naging mas matatag sana ako, wala tayong ganitong problema ngayon. But you think about this some more. Gusto ko lang linawin sa iyo, I'm here for you. No matter what." Hinawakan ni Ivan ang baba niya para iangat ang mukha niya.

The look of tenderness she saw on his face warmed her all over.

"I've waited for so long but I'm still willing to wait not matter how long," hayag nito saka dinantayan ng banayad na halik ang labi niya.

Ang instingtibong reaksiyon ni Lara ay ay ibaling palayo ang mukha niya. She should return his kiss but she hesitated, torn by her sense of decency and morality. Hindi siya kumportable sa ideyang dalawang lalaki ang pinapatulan niya. Noong mga panahong para na silang estranghero ni Dane ay mas madaling isipin na wala na silang malalim na kuneksiyon nito. But now, after the hot and steamy sex they shared, that is no longer the case. Kunektado siguro talaga ang puso at katawan, at least in her case, kaya may epekto sa pananaw niya ang nangyari sa kanila ng asawa.

Noon na-realize ni Lara na kung hindi mapapa-annul ang kasal nila ay palagi na lang sigurong ganoon ang mararamdaman niya. Conflicted siya. Hindi masunod ang udyok ng kalooban – at katawan – niya. So maybe it's time that once and for all she settles the issue between her and her husband. It's time she moves on.

"Lara..." Boses ni Carrie ang narinig niya. "Hinahanap ka ng newlyweds. Magpi-picture-picture raw at gusto niya eh buo tayo." Pagkasabi niyon ay umalis na rin agad ito.

Lumayo na si Ivan sa kanya pero inilahad naman ang kamay sa kanya.

"Lets go," yaya nito.

Inabot iyon ni Lara at magkahawak-kamay silang naglakad pabalik sa reception. Pero bago sila pumasok sa pinto ay sabay sila napabitaw ng lalaki sa isa't isa. Mukhang pareho nilang naisip na hindi magandang tignan na humarap sila sa madla na ganoon ang posisyon.

Yeah, I definitely need to put my life in order. Ayoko nang manatili sa limbo, naisip niya.

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now