CHAPTER 4

4.4K 84 19
                                    



NAKADAPA sa kama si Lara, nakasubsob ang mukha sa unan. Pain. Unbearable pain. Iyon ang unang rumehistro sa utak niya pagdilat niya. It's been like that ever since she lost the baby. Hindi pisikal ang sakit. Sa pagdaan ng maraming buwan mula nang makunan, at pagkatapos ng ilang surgeries na sinailaliman niya, ay naghilom na ang sinapupunan niya. Ang hindi gumagaling ay ang hapdi sa puso na hatid ng kaalamang gumuho ang pangarap niya.

I'm sorry but tests show that there are new scar tissues in your uterus...

Parang minaso ang dibdib ni Lara nang marinig na naman sa isipan ang sinabi ng OB niya. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na iyong simpleng pangarap niya na maging isang ina ay malabo nang magkatutotoo samantalang kailan lang ay excited na siyang mamili ng mga gamit para sa baby nila ni Dane.

Kahit nasa early stages pa ang pagbubuntis niya noon ay sinimulan na nilang ayusin ang isa sa mga kuwarto ng bahay para maging nursery. Nasa hardware store si Lara sa loob ng isang mall, nasa kalagitnaan ng pagkilatis sa paint swatches, nang maramdaman niya ang matinding sakit sa puson niya. It felt as if a knife had slashed through her womb. Halos mahimatay siya sa kirot na hatid niyon. Mabuti na lang at kasama niya si Dane. Agad siyang isinugod ng asawa sa ospital.

She had a miscarriage. Nagkaroon din siya ng heavy bleeding na ayaw tumigil kaya kinailangan siyang sumailalim sa emergency surgery. Ilang linggo lang pagkatapos niyon ay ibinalik siya ni Dane sa ospital. Nagkaroon kasi ng infection ang uterus. Gumaling naman iyon pero sa mga tests na ginawa sa kanya pagkatapos ay nakita ng doktor na nagkaroon siya ng scar tissues. She was operated on again to remove the scarring. Unfortunately, later tests showed that new scar tissues had formed once more in her uterus and they are more extensive this time. Hindi na raw advisable na operahan ulit siya dahil malamang na magkakaroon din lang ulit siya ng scarring kung gagawin iyon. Dahil doon ay ang liit na raw ng tsansa, halos wala na nga, na magbuntis siya.

Uterine scarring decreases the ability to get pregnant because it decreases the blood supply to the endometrial lining. Kung minsan naman ay pinipigilan niyon ng mag-attach nang maayos iyong fertilized ovum sa endometrium o uterine lining, paliwanag ng OB-Gyne niya.

Her doctor's words were like a death knell to her dreams of being a mother, of raising a family with her husband. Plano pa naman niya na magkaroon ng tatlong anak. Only child siya kaya alam niya kung gaano kalungkot ang maging solong anak. Ni wala siyang makasalo sa lungkot nang biglang mamatay sa aksidente ang mga magulang niya noong kaka-graduate pa lang niya ng college. Pero ngayon, ni isang anak pala ay malabong mabiyayaan siya. Sila ni Dane.

Bumukas ang pinto ng banyo. Iniiwas agad ni Lara ang mukha sa asawa niya na lumabas galing doon. Hindi na rin siya umasa na aaluin siya nito. He tried to do so before, during the days after her miscarriage and her surgeries. Pero nang mga panahong iyon ay mukhang walang puwedeng gawin o sabihin ang kahit sino para mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya. Her longed-for dream of being a mother had been dashed to the ground. Ang pinakamahalagang inaasam niya, na akala niya ay abot-kamay na niya, bigla na lang naglaho at hindi na babalik pa. Sino ang hindi mahihibang sa ganoon katinding dagok?

Dane grieved, too. Mukhang kasing tindi rin ng sa kanya ang sakit na naramdaman nito. Pero kahit nagluluksa rin ito ay hindi ito kagaya niya na iyon lang ang inaatupag. Para ring binigyan nito ng time limit ang sarili, na paglagpas ng panahong itinakda nito ay pipilitin na nitong lagpasan ang masagwang pangyayari.

She was hoping they would be able to find comfort with each other. Posibleng sa pamamagitan niyon ay maibsan ng konti ang lungkot na dala ng pagkawala ng anak nila, ang sakit na dala ng nakakapanlumong katotohanan na malabong magkaanak pa sila kung hindi sila mag-aampon. Pero imbes damayan siya sa pagluluksa niya ay mas pinili ns ng lalaki na maging abala sa negosyo nito. Ni ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila o ang mag-plano kung paano sila makakabuo ng pamilya.

"Umiiyak ka na naman." Hindi siguro mahirap para kay Dane na hulaan iyon dahil lagi naman na iyon ang ginagawa niya.

"Hindi ko lang mapigilan. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin..."

"Lara, tama na. Our baby is gone. Kahit umiyak ka ng drum-drum na luha ay hindi na siya babalik pa. All you can do is to get on with your life. It's time to get on with your life. Our lives."

Mas lalo pa siyang parang pinagsasaksak sa sinabi nito. Get on with your life, he said. Paano ba ginagawa iyon?

Para bang nagmamadali na itong makalayo sa kanya, mabilis nang tinapos ni Dane ang pagbibihis.

"Magkakape na lang ako. May breakfast meeting ako kasama ang isang potential client," anito pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto nila. Iniwan siya nito para solo ulit harapin ang pait sa kalooban niya na hindi niya alam kung kailan mawawala, o kung mawawala pa.

Nakaalis na't lahat si Dane ay nakahiga pa rin sa kama si Lara. Pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan para bumangon. Kahit ang trabaho niya bilang graphic artist ay hindi na sapat para hilahin niya ang sarili mula sa kama. Ang tagal na mula nang tumanggap siya ng online project. Para kasing tuyo na pati imahinasyon niya dahil sa kakaiyak niya.

Nang hindi na makayanan ni Lara ang bigat ng kalooban ay inabot niya ang teleponong nasa tabi niya. Sandali siyang natigilan. Sino ang tatawagan niya? May mga kaibigan siya pero ang hirap din na buksan nang todo ang damdamin niya sa mga iyon.

Numero ni Carrie, ang best friend niya, ang hinanap niya saka niya dinutdot ang screen. Pero dumiretso sa voice mail ang tawag niya. Ni hindi na niya sinubukang mag-PM dito sa messenger. Puwedeng out of the country ang kaibigan niya. Product buyer kasi ito para sa isang department store chain at sa trabaho nito ay madalas itong umaalis ng bansa. Isa pa, kapag ganoong hindi nito nasasagot ang phone ay ibig sabihin lang na sobrang busy ito. Nakakahiya na istorbohin niya ito. Iyong ibang kaibigan niya, kung hindi over-achieving career-women ay nagpapaka-super mom naman.

May isa pa siyang puwedeng tawagan pero habang pinag-iisipan niya kung gagawin ba niya iyon ay nauna nang nag-ring ang phone niya. Pangalan ng taong siya mismong nasa isip niya ang nakita niya sa screen.

"O, Ivan, what's up?" Pinilit pasiglahin ni Lara ang boses niya.

"Wala naman. Naalala lang kitang kumustahin. O, ano na?"

"I...I just woke up."

"I bet hindi ka pa kumakain," anito.

"Wala pang gana."

"Naku, masama 'yan. Sabi ni Carrie ang payat mo na raw."

"Naniwala ka naman doon. Exag lang iyon." Sumulyap sa salamin na katapat ng kama si Lara.

Hindi exaggeration ang sinabi ng kaibigan niya. Kitang-kita rin niya mismo sa repleksiyon ang laki ng ipinayat niya. Kung dati ay sasabihing voluptuous siya – malaman – ngayon ay para na siyang tingting. Ni hindi nga siya matatawag na fashionably slim. Kapayatan iyon na hindi na maganda. Matagal-tagal na silang hindi nagkikita ni Ivan kaya iyong description lang ni Carrie ang basehan nito para magka-ideya sa itsura niya. Ang huling beses yata na nagkaharap sila ay noong dumalaw ito sa ospital noong operahan siya sa huling pagkakataon

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now