CHAPTER 31

2.8K 79 9
                                    



NAGISING si Lara sa mahinang tunog. Napabalikwas siya ng bangon, iginala ang tingin sa silid. Night light lang ang nakasindi kaya hindi ganoon kaliwanag, sapat lang para maaninag niya ang mga bagay-bagay. Wala siyang nakitang kakaiba. Aayos na dapat ulit siya sa pagkakahiga nang may marinig na naman.

It was grunt followed by a soft thud. Mukhang galing sa labas. Napakunot siya. Naghalo ang pagkabahala at pagka-intriga sa kanya. Hindi siya nakatiis, bumangon siya saka bumaba ng kama. Habang naglalakad siya papunta sa pinto ay naulit pa ng ilang beses ang tunog.

The hallway is lit by dim lights. Pero sa isa sa mga kuwarto, sa pinakadulo, ay lumalabas ang liwanag mula sa entrada. Iyon ang tinumbok ni Lara. Bukod sa tunog ng pag-ungol at kalabog ay narinig niya ang mahinang tugtog. Classical music iyon. Mukhang alam na niya kung ano ang nangyayari. True enough, when she slipped her head through the doorway she saw Dane lying on a padded bench. Nagwo-work-out ang lalaki.

Nagwo-work-out talaga? Sa ganitong oras? May wall clock sa isang bahagi ng kuwarto kaya nakita ni Lara na ala una na nang madaling araw.

Humawak na naman si Dane sa iron bar na may nakakabit na pagkalalaking weights. Matapos itong huminga ng malalim ay unti-unti nitong iniangat iyon paalis sa stand. He did several repetitions. Sa bawat pag-angat niyon ay napapaungol ito. That explains the moans she heard. Nang matapos ito ay ibinalik nito sa rack iyong binubuhat saka binitawan iyon. Lumikha iyon ng tunog. Iyon naman ang narinig niya kanina na kalabog.

Bumangon ang lalaki. Dalawang malalaking dumbells naman ang inabot at ang mga iyon ang iniangat-baba sa magkabilang kamay. Pawisan na ito. Mula sa kinatatayuan ni Lara ay nalalanghap niya ang amoy nito. The smell of clean sweat. It is a musky scent that made her stomach heave, not with disgust but with something that feels like...desire.

Imbes na umalis siya o tawagin ang pansin ni Dane ay natagpuan ni Lara na pinapanood lang niya ito. Walang suot na pang-itaas ang lalaki kaya kitang-kita niya ang katawan nito. She was transfixed by the sight of his body, glistening and wet with sweat, his muscles bulging and shifting with every flex of his arms.

Her eyes strayed to his muscular thighs. They look as hard as steel. Bigla ay gusto niyang kumandong sa mga iyon. Paharap sa lalaki. She would wrap her arms around his firm body, her hands caressing every ridge.

Tumingin si Dane sa malaking salamin sa harap ng exercise bench at doon ay nakita siya nito. Nagtama ang mga mata nila. Bumagal saka tuluyang huminto ang pag-angat baba nito ng mga barbel. Ibinaba ng lalaki ang mga iyon saka humarap sa kanya.

"Ba't gising ka pa? Oh, wait, did I wake you? Sorry," anito.

"Okay lang. Makakatulog naman ulit ako. Ikaw ba, ba't gising pa? And seriously, nagwo-work-out ka sa ganitong oras?"

"Naging habit ko na 'to kapag..." Natigilan ito. "Kapag frustrated ako."

"Frustrated?" naulit niya. "Oh." Nakuha rin naman agad ni Lara ang tinutukoy nito. Dumako ang tingin niya sa harapan nito.

"Not just sexually," anang lalaki bilang paliwanag siguro sa kawalan ng malaking umbok doon. Natural lang na malaki ang ari nito kaya nakaangat pa rin ang harap ng shorts nito. But when he's aroused, Lara knows how big his organ could get. Halos sumilip na ang ulo niyon sa waistband ng boxers nito.

"I..." Tumingin sa bandang bintana ang lalaki. Madilim sa labas kaya walang makikita roon pero doon nito itinuon ang mga mata. "There are times when I miss having a warm body lying next to me. Having someone to hug. Well, not just any body but the body of someone who means a lot to me." Huminga ito ng malalim.

"You can have anybody. Siguradong maraming babae na papayag tabihan ka," sabi niya.

"Is that a compliment?" Napapangiti ito nang bumaling sa kanya.

She was transfixed once more. Pero hindi na sa katawan nito kung hindi sa mukha ng kaharap. Bakit ba niya nakalimutan ang pamatay na ngiting iyon? Oh, hindi pala pamatay kung hindi makalaglag-panty. Siya naman ang napatingin sa bintana. Mas maganda na sigurong iyong kadiliman ang titigan niya kesa ang nakakatuksong ngiti ng kaharap niya.

"Not a compliment. I'm just stating a fact." Nawala ang tuwang kumikiliti sa puso ni Lara nang maalala ang isa sa mga babaeng hindi nag-atubiling tumabi kay Dane kahit alam nitong may asawa ang lalaki.

"What?" tanong ni Dane.

"Anong what?"

"Biglang umasim ang mukha mo. And there I was enjoying the sight of your lovely face."

"Sus, 'wag kan mambola at masyado ng gabi."

"Wala namang time restrictions ang pambobola. At kahit meron man, walang problema kasi hindi ako nambobola. Like you, I'm just stating a fact."

Ang husay ng birada nito. And what makes his lines more potent is the way he delivered them. Para bang tutoong-tutoo ang sinasabi nito. Kung sabagay, hindi naging bolero si Dane kahit kailan. Kahit noong nanliligaw ito ay hindi nito gawi iyon. So that means he really finds her lovely?

So what? Dahil lang ba doon ay tatambol na ng ganoon kabilis ang dibdib niya?

"You cheated on me. Walang araw na lumipas na hindi ako pinahihirapan ng ideyang may ibang nagpasasa sa iyo." Gustong kagatin ni Lara ang dila pagkatapos niyang maibulalas iyon. Bakit kailangan pa niyang ipaalam sa lalaki na hanggang sa panahong iyon ay apektado pa rin siya ng nangyari dati? Na iniisip pa rin niya iyon?

"M-matutulog na 'ko." Tatalikuran na dapat niya si Dane.

"I'm so sorry," anito.

Sorry really doesn't cut it. Kulang iyon. Kulang na kulang. It's been a while since her heart was shattered by the scene she came upon. Bawas naman na ang sakit pero aminado siya na may dala pa rin iyong kirot.

"Sa kuwarto pa talaga natin, Dane? Doon ka pa gumawa ng milagro?" Hindi rin niya napigilan na manumbat. "It made me feel so cheap, so replaceable. It was the last straw that made me realize our relationship won't work. Na hindi ko kayang makisama sa isang tao na alam kong sa panahon ng krisis ay hahayaan akong mag-isang harapin iyon. Or worse, maghahanap ng ibang paglilibangan."

"Dammit!"

Napalundag si Lara sa igting ng pagbulalas ni Dane.

"I...I hated that it happened. And I hated myself. Hanggang ngayon. Dahil ang tutoo ay sising-sisi, SISING-SISI, ako sa nagawa kong kasalanan sa iyo. I was at my lowest moment at that time and..." Ipinilig nito ang ulo saka bumuga ng hangin. "No excuses. Alam kong ayaw mong makarinig ng mga iyon. But I am still going to say sorry. Really, truly, sorry." She thought she saw the glint of tears in his eyes but before she could be really sure, he turned away.

Nang bumaling ulit ito sa kanya ay mukhang nagawa na nitong kalmahin ang sarili. 

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now