CHAPTER 49

2.3K 64 2
                                    



ULO ni Dane ang sumungaw doon.

"O, maiwan ko muna kayo. Tatawagan ko lang si Nico." Ang nobyo nito ang tinukoy ni Carrie. Nasa Hongkong ang lalaki nang mga panahong iyon kaya hindi naka-attend ng party. Tinapik pa nito ang braso ni Dane bago ito lumabas ng kuwarto.

"Tulog na pala siya." Tumingin ang lalaki sa kuna kung saan nakapikit na si Dano.

"Napagod eh kaya hayan," nakangiting sabi ni Lara na tumunghay din sa anak.

Umangat ang isang braso ni Dane at dumantay sa likod niya. Madalas iyong gawin nito. Si Lara naman, isinandal ang ulo sa dibdib nito.

"Lara, may...may gusto sana akong pag-usapan tayo," sabi nito. "Tungkol sa...kasal natin?"

Kinabahan siya bigla. Is he going to tell her that he wants to push through with the annulment? Inaasahan na niya iyon pero may parte ng pagkatao niya ang tutol doon. Ironic dahil dati ay siya ang sobrang atat na mapawalang-bisa ang kasal nila.

"Yes," sabi agad niya.

"Yes? Ni hindi mo pa alam ang sasabihin ko," komento ni Dane na halatang nagulat.

"Kung gusto mong ituloy na ang pagpapa-file ng petition for annulment, yes, payag ako." She tried not to show the pain that suddenly shot through her heart.

May naaninag siyang lungkot sa mukha ng lalaki.

"You're still that eager to get rid of me?" anito na may pait sa tinig. "Dahil ba nagte-therapy na ulit si Ivan ay..."

"Ano ka ba?" sabad niya. "Walang kinalaman si Ivan dito. He's a dear, dear friend at na-realize ko na rin na mas uubra kami sa ganoong relasyon. I was not thinking straight before. Inakala ko na in-love ako sa kanya, na gusto kong maging kami, pero hindi pala romantic love ang nararamdaman ko para sa kanya. It was a deep affection. Something I would feel for a dear brother. So no, it's not because of Ivan that I want our marriage to be dissolved. This time, I want the annulment for your sake. May karapatan ka rin naman na maging masaya. Bilib nga ako kay Amber at matiyaga siyang maghintay."

Sandaling natigilan si Dane. Parang may sasabihin ito pero mukhang nagbago ang isip.

"So, sino ang magpa-file? Ako ba o ikaw na?" patuloy niya.

Nagkibit-balikat si Dane. "It can wait," anito.

"O, akala ko iyon ang gusto mong pag-usapan," pagtataka niya.

"Oo pero parang mas magandang huwag ngayon." Tumingin ulit ito kay Dano. Kagaya kanina, kinabig siya nito at inakbayan. "We're lucky to have such a wonderful child. Ang cute-cute. Manang-mana sa 'yo."

"Sa 'ting dalawa," giit niya.

Habang nakatunghay lang sila sa anak ay hindi maiwasan ni Lara na asamin na sana ay naging isang masayang pamilya na lang sila. But fate seem to have other ideas. Kaya iyong sayang nararamdaman niya ngayon ay tatanggapin na rin niya.

NAKAALIS na lahat ng mga bisita nang may mag-doorbell. Nagulat si Lara na noon ay nagpapahinga sa lanai. Napaahon siya sa kinauupuan. Napakunot siya nang matanaw kung sino ang nasa labas.

"Hi!" Alanganin ang ngiti ni Amber nang buksan niya ang gate. Hula ni Lara ay ganoon din siya. Malamang na tabingi ang ngiti niya. Hindi niya inasahan na darating ito. Wala siyang maisip na rason para magpunta ito sa bahay niya. "P-puwedeng tumuloy. May...may gusto lang akong sabihin."

"Oh, of course. Sorry, nagulat lang ako." Pinapasok niya ito. Sa loob ng bahay dapat niya ito papapasukin pero nang nasa patio na ay tumigil sa paglakad si Amber.

"Kahit dito na lang tayo mag-usap," anito.

"O-okay. Have a seat."

"Hindi ko alam kung paano ito sisimulan," anang babae nang nakaupo na ito. "Mahirap ito para sa 'kin."

"Kung tungkol ito sa relasyon niyo ni Dane ay wala kang dapat alalahanin. Alam ko naman iyon at..."

"Wala kaming relasyon ni Dane," bulalas ni Amber, parang nagulat pa sa sinabi niya.

"Ha? Pero nakita ko kayo sa department store dati. Lagi rin kayong nag-uusap sa phone at alam kong nagkikita rin."

"Dahil lang iyon may business deal si Dane at ang kapatid ko. Architect siya at interior designer na rin. At iyong sa department store, tiyempo lang na nagkita kami sa ground floor. Pupunta raw siya sa baby section para tumingin ng regalo para sa kaibigan niyang bibinyagan ang anak eh nagkataon na may bibilhin din ako roon para sa kapatid kong manganganak na. Nagkakuwentuhan kami. Wait, iniisip mo ba na may relasyon kami?" Parang nananantiya ang tono ni Amber.

"Hindi naman malayo. May history kayo, di ba?"

Hindi agad nagsalita ang babae. Parang nag-aalangan ito. Napansin nga ni Lara na binasa pa nito ang labi saka ilang beses na lumunok.

"Iyon din ang dahilan kaya nandito ako," hayag nito.

She didn't want to hear the story. Masakit pa rin, na-realize niya.

"Wala kaming naging relasyon ni Dane kailan man," hayag ni Amber.

"Oh, please, nakita ko kayo..."

"Kung anuman iyong nakita mo, mali ang interpretasyon mo."

"Ang hirap bang i-interpret kung ano ang ibig sabihin ng magkasama ang isang babae at isang lalaki sa kuwarto at parehong halos walang damit ang mga ito? I saw you walking towards our bedroom, Amber. And then you took off the towel, which, by the way, is the only thing covering your naked body."

Kinagat-kagat ng babae ang labi nito.

"A-ako lang naman ang pursigidong may mangyari sa 'min ni Dane. Matagal...matagal na kasi akong may gusto sa kanya. Pero ikaw lang ang mahal niya. Nang magkaroon kayo ng gap, nakita ko iyon bilang pagkakataon para...maakit siya. Alam ko, ang sama ko. Pero bata-bata pa 'ko noon, masyadong mapusok, di nag-iisip ng matino. Kaya sinubukan ko siyang i-seduce. Hindi umuubra ang mga pakitang-motibo ko. Hanggang sa magkaroon ng inuman sa isang office party. Nalasing siya. Rather, parang sinadya talagang maglasing. Hindi siya makapagmaneho kaya nag-presinta ako na ako na lang ang magda-drive. Nabanggit kasi niya na mag-isa lang siya sa bahay dahil nasa kaibigan mo raw ikaw. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nang pumayag siyang ako ang mag-drive ay tuwang-tuwa ako. Magdamag ko siyang makakasama eh."

"Huwag mong sabihin na sa buong gabing nasa iisang kuwarto kayo ay walang nangyari sa inyo."

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now