CHAPTER 38

2.3K 70 2
                                    



MULA SA balkon ay ibinaba ni Dane mula sa mga mata ang binoculars na hawak niya. Nakita niya kanina ang pahangos na pagpunta ni Lara sa baybayin. Hahabulin dapat niya ito pero bago niya magawa ay natanaw niyang palapit ito sa kinatatayuan ni Ivan. Ang lalaki ba ang pakay nito?

His heart clenched. Gustong-gusto man niyang sundan si Lara ay pinigilan niya ang sarili. He doesn't want to crowd her. Hindi nga ba at ang pakay niya sa pagyaya rito sa lugar na iyon ay para makapamili ito? Well, he should give her the freedom to choose. Kaya kahit ganoon na lang ang pagkukukot ng kalooban niya ay hindi niya sinunod ang utos niyon na habulin niya ito.

But there is an urge he couldn't stop himself from doing. Patakbong tinungo ni Dane ang cabinet saka naghalungkat sa drawer. Kinuha niya roon ang binoculars saka nagpunta sa balkon para sundan na lang ng tingin ang babae.

Magkayakap sina Lara at Ivan nang mahagip ito ng binoculars niya. Nagtagisan ang mga bagang ni Dane. He couldn't believe the pain that shot through him. Gustong-gusto na niyang sugurin ang dalawa at paghiwalayin. Salamat at kusang naghiwalay ang mga ito. Nalaman din agad niya ang dahilan. Ang pagdating nina Marj at Wick.

May naalala siya. Iyong nabanggit sa kanya ni Marj noong isang araw. May kinalaman iyon kay Ivan. Nabawasan kahit paano ang parang mahigpit na pagkakapiga sa puso niya dahil doon. If Lady Luck would smile on him, he would win Lara fully, once and for all without constantly feeling threatened by her best friend.

Nagpabaya siya noon kaya nawala sa kanya si Lara. Kaya ngayon ay isusugal na niya ang lahat. If he loses her...

Ipinilig ni Dane ang ulo. Hindi niya iisipin iyon. Hindi niya kayang isipin. He turned away from the two people who are still on the beach. He could not bear watching them.

Sa pasilyo ay nakasalubong niya sina Marj at Wick.

"Care to join us?" yaya ng babae, may nanunuksong ngiti sa labi.

"Yeah, man, it would be fun," segunda ng kasama nito.

"No, thanks. It's not really my cup of tea," tanggi niya.

"Such a shame." Pumalatak si Wick.

"But there's hope for us yet of getting some action around here," sabi ni Marj. Kumikislap sa pagnanasa ang mga mata nito.

Nakuha ni Dane kung ano ang ibig sabihin nito.

"Dane! Dane!"

Naagaw ang pansin niya ng pagsigaw galing sa labas. Pagsilip niya sa bintana ay ang humahangos na si Ivan ang natanaw niya. Nagmamadali siyang lumabas para salubungin ito. Nakita niyang basang-basa ito. Kinabahan siyang lalo.

"Si Lara! Lumusong siya sa dagat at...hindi ko siya makita. Sinubukan ko siyang hanapin pero..."

Hindi na pinakinggan ni Dane ang ibang sinabi ng lalaki. Tumakbo na siya papunta sa direksiyong pinanggalingan nito. Sumunod din naman sa kanya si Ivan.

"Saan siya kanina?" Saglit niya itong binalingan.

"Doon sa bandang batuhan. She was standing on the rocks when she fell..."

Iniwan na niya si Ivan. He ran straight for the spot he mentioned. Papalapit pa lang siya sa nasabing lugar ay naramdaman na niya ang malakas na daloy ng tubig. It is trying to suck him down. Mukhang may undercurrent sa parteng iyon. What the hell is Lara doing in that place?

Sa itsura ni Ivan ay mukhang lumusong din ito sa tubig at hindi raw nito mahanap ang babae. Mabilisang kinalkula ni Dane sa isipan ang direksiyon ng daloy ng tubig para magkaroon ng ideya kung saan puwedeng tinangay niyon si Lara sa loob ng panahong nahulog ito at bago siya makarating doon. Pagkatapos ay mabilis na siyang lumangoy papunta sa tantiya niya ay posibleng kinapadparan nito.

Mahirap sagasain ang alon. Nagiging malikot na rin ang dagat, pa-high tide na siguro. Kailangan na niyang bilisan ang paghahanap. Maya't maya siyang sinasalpok na tubig. May pagkakataon pa na sa lakas niyon ay nakakainom siya at nasasamid.

His strength is ebbing fast. Hindi biro ang makipaglaban sa alon. Mabilis na ang pag-angat ng tubig. Paragasa ang dating niyon. Lalangoy dapat siya sa banda pa roon nang may marinig siya.

"Tulong. Tulooong. Ivan!" The voice was almost drowned out by the roar of the waves.

Kasabay ang panalangin na sana ay tama ang tantiya niya ay lumangoy si Dane sa direksiyong hula niya ay pinanggalingan ng boses. Kailangan na niyang magmadali. Nagsisimula nang lumubog ang araw. Kapag tuluyan nang lumubog ang araw ay mahihirapan siyang lalo na mahanap si Lara. Baka nga hindi na niya magawa.

No! Hindi siya susuko.

"Tulooong!" Narinig na naman niya ang boses.

"Lara!" ganting sigaw niya. "Lara, nasaan ka?"

"Dito. Sa mga bato."

He saw a cluster of boulders somewhere to his right. Ilang metro lang ang layo niyon sa kinaroroonan niya pero kakailanganin niyang tumawid sa nagsasalubong, nagsasalpukang daloy ng tubig. Could he make it?

He had to. Taking a deep breath, he started swimming. He was immediately buffeted by the waves. Mabuti na lang at mahilig siyang mag-scuba diving. Mahusay siyang maglangoy at alam niya ang tamang paraan ng pagsagasa sa alon. Imbes kontrahin ang daloy ay palihis sa malakas na current ang paglangoy niya. Mahirap pa rin pero kahit paano ay nakakasulong siya.

"Lara! Lara!" tawag niya sa babae para matantiya ang kinaroroonan nito.

"Dito! Nandito ako!"

Sa wakas ay naaninag niya ito. Nakakapit ito sa gilid ng batuhan. But it was a precarious hold. May pagkakataon na halos makabitaw ito sa tuwing sasalpukin ito ng alon na palakas na nang palakas.

"I'm coming, baby! Just hold on." Binilisan ni Dane ang paglangoy. Malapit na siya nang magsimula siyang pulikatin. Napilitan siyang huminto dahil hindi niya maigalaw ang paa niyang biglang nanigas at nanakit.

To his horror, he saw a wave crash over Lara. Sa pagbayo niyon ay napabitaw ito sa kinakapitan at nagsimulang lumubog.

"Nooo!" he screamed in anguish. 

SHOWDOWNOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz