CHAPTER 23

2.8K 83 3
                                    



DANE is staring out the balcony but he is seeing nothing of the lovely scenery spread out before his eyes. Hindi siya imbitado sa kasal kaya hindi siya um-attend ng wedding ceremony. Imbes ay sa ibang resort siya tumuloy. He should have gone back home but his heart and mind are in a turmoil. Pinili na lang niyang pakalmahin muna ang kaguluhan sa pagkatao niya bago siya magmaneho pabalik ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagtunghay sa scenery. Pero imbes ang magandang tanawin ay ang naging buhay nila dati ni Lara ang nakikita niya sa isipan.

The life you threw away, sumbat ng katinuan niya.

Yeah, he is to blame. Inaamin niya iyon. But he was fighting his own demons at that time and that made it hard to realize what he would be wasting by dwelling on his grief.

Ngayon ay hindi niya malaman kung paano babawiin ang naiwala niya. Iyon ay kung mababawi pa niya ito. That is what he had been hoping for. Ang dahilan kung bakit patuloy siyang tumatanggi na mag-cooperate sa isasampang annulment petition ni Lara. Sa isang bahagi ng pagkatao niya ay nandoon pa rin ang pag-asa na baba, BAKA, may mangyaring himala at magawa niyang makuha ulit ang pagmamahal ng asawa.

Napapikit si Dane sa sakit na tumagos sa kanya nang maalala ang sinabi ni Lara. Na si Ivan ang balak nitong akitin kaya may nangyari sa kanila. He could almost believe she was just so horny that she was not able to stop herself from accepting, even reciprocating, his sexual advances even after she discovered who he is. Almost lang dahil kung tama ang pagkakakilala niya rito ay alam niyang hindi ganoong klaseng babae ang asawa niya.

The fact that she allowed herself to be swept away by his kisses and caresses and the different kind of lovemaking he gave her could mean she still has some feelings for him. Feelings she is doing her darnest best to bury in the deepest recesses of her heart. It is up to him to pull those feelings back up to the surface. At handa siyang gawin ang lahat para mangyari iyon.

No holds barred. Kaya ganoon na lang ang pag-asam niya na mapapayag niya ito sa alok niya na sumama ito sa kanya.

It is a desperate move. Ni ayaw niyang isipin ang puwedeng maging consequence niyon. Kapag kumasa si Lara sa hamon at nalagpasan nito iyon ay mapipilitan siyang sundin ang sariling kundisyon niya. Huling baraha na ang isusugal niya kaya determinado si Dane na huwag matalo.

But there are no guarantees in life. Kaya kahit alam niyang may laban siya kahit paano ay hindi niya maiwasan ang kabahan at mag-alangan. If he lost Lara...

No, he would not think of such a painful scenario. Kahit naman kasi matagal na silang hindi nagsasama ay iba pa rin kapag nawala na ng tuluyan ang legal ties na nag-uugnay sa kanila. Lara would then be truly free. Puwede na itong mag-asawa ng iba.

"Aaaargh!" Nasapo ni Dane ang ulo. Gusto niyang iuntog iyon. Parati ay ganoon ang nararamdaman niya kapag naaalala na kasalanan niya kung bakit napunta siya sa sitwasyong kinaroroonan niya ngayon.

So, okay, he would roll the dice and pray. But he also needs to hedge his bets. With determination burning in his heart, he took out his phone. Nagpipindot siya roon. Handa siyang gamitin ang anumang advantage na mapapasakamay niya.

THE WEDDING ceremony passed in a blur for Lara. Iyong mga tagpo kasi nang nagdaang araw ang nagpupumilit maglaro sa diwa niya kaya ni hindi tumatagos sa isip niya ang nagaganap sa altar ng maliit na chapel ng resort. Kahit nga sa reception ay tulala siya. Hirap siyang makipag-usap sa mga kasama. Kahit nga kay Carrie ay hindi niya masabi ang mga kaganapan. She needs time to process it. Sa unang pagkakataon na nasilip niya ay umalis muna siya sa pagtitipon.

Sa garden na nasa likurang bahagi ng resort siya dinala ng mga paa niya. Pero bumagal hanggang sa tuluyang nahinto ang paghakbang niya nang makita na may nauna na sa kanya roon. Iyong tao na hindi niya sigurado na gusto niyang makausap nang mga panahong iyon. Si Ivan. Bago makapagdesisyon si Lara kung aalis ba siya o tutuloy sa paglakad ay napalingon ito sa kinatatayuan niya.

Tipid na ngumiti si Ivan saka inilahad ang mga braso sa kanya. Parang may nagtulak kay Lara papunta rito. Mabilis na siyang naglakad saka pumaloob sa mga braso nito.

Matagal na walang umimik sa kanila. Nanatili lang si Ivan sa pagkakayakap sa kanya. Si Lara naman ay sinamantala ang kapayapaang hatid ng pagkakakulong niya sa mga brasong napaka-pamilyar na sa kanya. Affection for this guy surged in her heart.

"Is...is it true? Balak mo 'kong i-seduce?" anang lalaki na inilayo nang bahagya ang sarili sa kanya para masdan ang mukha niya.

"Oo nga." Nag-init ang mukha ni Lara. Nagsimula siyang yumuko pero pinigilan iyon ng kamay ng lalaki. Itinaas pa nga nito ulit ang ulo niya. "Ang sabi ni Carrie iyon ang kuwarto mo kaya akala ko...ikaw iyong pumasok," patuloy niya.

"Sinabihan ako na napalitan ang mga room assignments," anang lalaki. "Sayang pala. Kung nagkataon..." A flicker of a smile lit up Ivan's face. Pero nawala din agad iyon. "But you ended up...in bed with Dane." Nahaluan ng lungkot ang boses nito.

Hindi siya makaimik. Yes, that was because of a mix-up but there was also the reality that even after she realized who she was with, she still allowed herself to continue with what she was doing.

"Wala akong excuse na maibibigay sa iyo kung bakit nangyari iyon," sabi na lang niya.

"Pwera na lang siguro sa katotohanan. Na mahal mo pa rin siya somehow."

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now