CHAPTER 35

2.4K 67 6
                                    



"NAAKSIDENTE si Robert."

Alam ni Lara na pinsan iyon ni Dane at minsan lang niya na-meet.

"His kidney was badly damaged. They needed to remove it. Puwede naman daw iyon kasi may isa pa siyang kidney. Unfortunately, that other one started malfunctioning. Kailangan na niya ng kidney donor at mas malaki ang chances na mag-match ang donor kung galing iyon sa pamilya. I volunteered. Iyon ay kahit pa hindi ganoon kaganda ang relationship naming mag-pinsan. Habang lumalaki kasi kami ay parang lagi siyang antipatiko sa 'kin. Kahit nga ang parents niya ay parang hindi natutuwa kapag nakikita ako. Nakakapagtaka kasi nag-iisang kapatid ni daddy si Tito Don at close naman silang dalawa. Anyway, I told them I'm willing to be tested. Pumayag sila kahit pa nga parang hindi sila masyadong kumbinsido. The tests came back negative. Nakalabas na 'ko ng pinto ng hospital room ni Robert nang marinig ko ang komento ni Tito Don. He said that he would really be surprised if I was a match considering the fact that I don't have a drop of Alcantara blood flowing in my veins. Akala siguro niya ay nakaalis na ako at hindi na narinig ang sinabi niya. I went back in and asked him to tell me straight to my face if what he said is true. Umamin siya. At nalaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkato ko."

She saw the glint of tears in Dane's eyes once more. Pero kagaya kanina, mukhang pinigilan ng lalaki ang pagtulo niyon. Sucking in a harsh breath, he continued talking.

"Sa isang orphanage daw ako nakuha nina daddy. And my guess was right. He just wanted someone to carry his name and someone to continue his freaking company. Si mommy raw, napilitan lang. Nag-away pa nga ito at si daddy. But they finally agreed to adopt a child. Wala raw ideya si Tito Don kung ano ang background ko so I hired an ivnestigator to find out. Confidential ang records pero alam mo naman sa Pinas. When there's a will, rather, when there's money involved, there is always a way. Nalaman ng investigator na...anak ako ng isang prosti. Namatay siya sa isang drug raid sa lugar na tinitirhan niya dahil ang kinakasama niya, who, according to the records, was presumed to be the man who fathered me, is a drug dealer. I was a toddler then. Walang mag-aalaga sa 'kin kaya itin-nurn-over ako sa DSWD. Sa isang ampunan ako napadpad. Damn!" bulalas nito na napasuntok sa kalapit nitong mesa. Pagkatapos ay kumuyumos ang mga kamao, kitang-kita na may pinaglalabanan itong malalim na emosyon.

"I felt so...dirty. Bigla ay nawala iyong image ko na isa akong respektableng tao. I lost myself, Lara. Iyong taong nakilala ko bilang ako ay isa palang ilusyon lang. I didn't know how to deal with the loss of my identity. I was struggling. Drowning. Pero hindi pa man ako nakakabawi ay may panibago na naman akong dagok. I lost my unborn child, the child I had pinned my hopes on, the child who would have changed my life and probably made me feel whole again. At hindi lang siya ang nawala sa 'kin kung hindi ang pag-asa na magkaanak pa. It was too much to take in."

Mas naintindihan na ngayon ni Lara ang naging reaksiyon ni Dane. Mukhang iyon ang self-defense nito sa matinding sakit, ang mag-retreat sa sariling mundo nito. He probably tried to shut out the pain by trying to ignore it, by focusing his attention somewhere else.

"I...I hate it when you try to talk about our baby. Naalala ko lang kasi lalo iyong gumuho kong pangarap. Wala rin akong ideya kung ano na ang gagawin, kung ano ang ipapalit doon na bagong pangarap. Tama ka. I abandoned you to your grief. But that is because I could barely handle mine. I needed a distraction, not a reminder of the pain."

"Kaya ka naghanap ng aliw sa kandungan ng iba?" Masakit pa rin para kay Lara ang ginawa nito.

"I was drunk. It's a lousy excuse but I really wasn't aware of what I was doing. Kung malinaw lang ang isip ko ay hinding-hindi ako papatol sa iba. I was fully committed to you and our marriage back then, I swear," hayag nito. "Nang sabihin mong gusto mong maghiwalay na tayo, hindi na kita kinontra nang husto. Pagod na pagod na kasi ako noon sa mga dagok. I was down and out by then. And these past many months, I had been trying to make myself whole again. Hindi pa tapos ang proseso. I doubt if I will ever be the same guy I once was before I discovered the truth about my existence, but I had been trying so damn hard. May na-realize ako sa gitna ng lahat ng pinagdadaanan ko. Iyon ay kung gaano ka kahalaga sa akin. I missed you so badly, Lara. I miss the warmth of being in a loving relationship. Kaya nag-decide ako na bawiin iyong dating meron ako na nawala sa 'kin dahil sa pagpapabaya ko. Kung hindi man ako maging successful, masasabi ko sa sarili ko na sumubok ako. At susubok talaga ako sa abot ng makakaya ko. I promise you that.

"Sex ang naisip mong paraan para gawin iyon?"

"Not at first. Balak kong...ligawan ka ulit. Pero dahil sa nangyari sa resort noon, well, that gave me an idea. And after the hot encounter we've shared, I'll be damned if I'll ever let you go. It just made me realize all the more how good we are together."

"In bed, yes."

"Iyon siguro ang gusto mong isipin. Pero mas mabuti na rin na mapatunayan natin. I don't want anything to come between us anymore. Especially not the spectre of another man. Your friend is like a ghost hovering over our relationship and it's time I banish him for good. Okay lang na maging kaibigan mo siya. A purely platonic friendship is okay. Ang mahirap ay iyong lagi mong iniisip na baka mas higit siya sa akin, na puwedeng maging mas better off ka kung siya ang kasama mo sa buhay. Noon pa man ay hindi na mawala-wala ang pakiramdam ko na iyon."

"Dane, hindi ko naman iniisip na mas better off ako..."

"Really, Lara? Can you honestly say that? Look deep inside your heart and then tell me so?"

Natahimik siya. She realized that there is a grain of truth to what Dane said. Kung magpapakatutoo siya sa sarili ay aaminin niya na may bahagi ng pagkatao niya ang talagang may soft spot para kay Ivan. Sinubukan niyang huwag pansinin iyon, pinilit ang sarili na mawala ang nararamdaman niya. May mga pagkakataon nga na inakala niyang nagtagumpay siya. But time and time again, the feeling kept popping up. So maybe it's true that deep inside her she keeps thinking that things would have been more wonderful if it was Ivan she hooked up with. At hindi nga ba balak na niya itong i-seduce sa kadesperaduhan niyang maalis na sila ng lalaki sa friendzone?

SHOWDOWNWhere stories live. Discover now