CHAPTER 1

7.2K 123 4
                                    



IPINUNAS ni Lara ang mga palad sa gilid ng bestida niya. Ganoon siya kapag kinakabahan. Nagpapawis ang mga kamay niya. At sa mga panahong iyon ay aminado siyang kabadong-kabado siya. Konti na nga lang ay magtatatakbo na siya palayo sa pintong pakay dapat niya.

Abort mission! Abort! May sumigaw sa isipan niya at gustong-gusto na niyang sundin iyon. Pero kinontra iyon ng isa pang tinig. Boses ni Carrie, kaibigan niya.

Heto na iyong chance mo. Sasayangin mo pa ba? Hindi na uso ngayon ang pabebe, girl. When you want something, you go and get it. Tumambay na kayo ni Ivan diyan sa friend zone for the longest time. Kung walang kikilos sa inyo, baka umuugod na kayo ay friends only pa rin ang status niyo. Mukhang walang balak si Ivan na ibahin ang status niyo kaya ikaw na ang gumawa ng paraan. Nag-echo sa pandinig ni Lara ang sinabi nito.

Agree siya sa assessment nito. Ang tagal na nga nilang natengga ng lalaki sa friend zone at parang wala nga sa plano ni Ivan na alisin doon ang relasyon niya. So maybe Carrie is right. It is up to her to make the next move. Iyon na ang chance niya, sa kasal ng isa sa mga kabarkada niya na sa isang resort gagawin. Ang entourage at mga piling guests ay ikinuha ng accomodation para two days before the event ay puwede na silang doon matulog. Kasama sa mga iyon si Lara pati na si Ivan. Ang suggestion ni Carrie, gapangin niya ang lalaki.

May naramdamang pagkaligalig sa pagitan ng hita niya si Lara nang maisip ang gagawin niya. Her throbbing core seems to be reminding her how long it had been since it had entertained a visitor. Sa madaling salita, tigang na siya. Tigang na tigang at ramdam na ramdam niya bigla iyon ngayon. Ang gusto niyang tumapos sa matinding tagtuyot sa sex life niya ay ang lalaking ang tagal na rin niyang ina-ambisyong maging bagong ka-forever niya. Si Ivan. Lumabas sa diwa niya ang pinapangarap niyang magiging honeymoon scene nila kung sakali...

Ivan's eyes instantly blazed with desire the moment he opened the door and saw her on the bed. Nakatali sa poste ng kama ang dalawang kamay ni Lara, ganoon din ang mga paa niya. Maluwag lang ang pagkakabuhol ng silk restraints, paano ay siya lang ang nagtali ng mga iyon. She hoped that her partner would love the surprise she prepared for him on their honeymoon.

Mukhang nagustuhan nga nito. Kitang-kita niya ang pagsiklab ng pagnanasa sa mga mata nito nang mapagmasdan ang estado niya. She is wearing a barely-there underwear. It's just a wisp of lace, actually. May biyak pa ang gitna niyon at dahil nakabuka ang mga hita niya ay aninag na aninag sigurado ng lalaki ang pinto niya na maghahatid sa kanila sa langit.

"What are you waiting for, big guy? The feast is waiting." Iginalaw-galaw niya ang balakang. Umalog ang dibdib niya sa pagkilos niya. Sa mga iyon naman napunta ang paningin ng lalaki.

Utong lang halos ang natatakpan ng bra niya. Bumabakat pa ang mga iyon sa brassiere cups na gawa sa satin. Sa pagkaalog nga ng magkabilang bundok ay lumihis ang isa sa mga cups at lumabas ang kalahati ng kanyang right nipple...

Tunog ng papalapit na yabag ang pumigil sa tagpong nasa imahinasyon ni Lara. Ang init na mabilis nang gumagapang sa katawan niya ay napalitan ng pagkataranta. Sa lahat naman ng manggagapang ay siya yata ang pinaka-shunga. Hayun at parang parating na ang pinkahihintay niya pero imbes nakapag-ready na siya ay nandoon pa siya sa labas ng kuwarto nito, nakatulala at nag-i-imagine ng kung ano-ano.

Mabilis na niyang itinuloy ang paglakad sa corridor at kahit nanginginig ang mga kamay ay nagawa niyang isuksok ang keycard sa slot niyon. Hindi niya alam kung paano nakakuha ng duplicate si Carrie pero saka na niya ito tatanungin. Ang importante ay makapasok na siya bago dumating ang lalaking plano niyang gapangin.

Nang nasa loob na ay sinunod ni Lara ang scenario na si Carrie ang bumuo. Pinatay niya ang ilaw. Ang tanging itinira niya ay ang night light na nagbibigay ng napakahinang liwanag sa kuwarto, sapat lang para makita niya ang outline ng mga bagay-bagay. Naupo siya sa gilid ng kama para hintayin ang pagpasok ni Ivan sa kuwarto. Ilang beses siyang huminga ng malalim para subukang kalmahin ang tila sanglaksang paro-parong nagliliparan sa sikmura niya.

Inaatake talaga siya ng matinding kaba at parang hindi niya makakayang ituloy ang pangahas na balak niya. There is so much at stake. Kapag pumalpak siya ay posibleng masira ang pagkakaibigan nila ni Ivan. Kaya lang ay sawang-sawa na talaga siyang maging friends lang sila ng lalaki. It's time they move on to the next level.

Maya maya ay narinig na niya ang tunog ng susing isinuksok sa pinto. Umaalon ang kaba sa dibdib, mabilis siyang tumayo at naghintay sa harap ng pinto para salubungin ang dumating.

Mula sa liwanag na galing sa hallway ay nakita ni Lara ang outline ng lalaking nagbukas ng pinto. As expected, kinapa ng kamay nito ang light switch para sindihan ang ilaw. Kumilos na siya bago pa mabahag ang bunton niya. Hinagip ni Lara ang kamay na humawak sa switch ng ilaw para pigilan ang pagpisil niyon doon. Hinila niya iyon para maipasok nang tuluyan sa pinto ang lalaki saka niya ito sinalubong ng yakap.

"What..."

Hindi niya binigyan ng pagkakataong makapagsalita man lang ang dumating. Sinakop agad ng labi niya ang bibig nito kaya hindi nito naituloy ang sasabihin.

Kiss him like there's no tomorrow. Para hindi na siya makapag-isip. Pag-initin mo na agad at nang hindi na makatanggi. Parang narinig pa ni Lara ang instructions ni Carrie. Sandali siyang nag-alangan. Bigla kasi siyang nailang. Somehow, it doesn't feel right to be kissing Ivan who had been her friend for the longest time.

Girl, you think too much. In fact, you tend to overthink your next move when it comes to Ivan. Ang kulit ng boses ni Carrie kaya sa bandang huli ay sinunod na niya ang payo nito. With a boldness she never knew she possessed, she started sucking at his lips while she glided her tongue into his mouth.

SHOWDOWNUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum