1.1 [E]

21.8K 432 19
                                    

Chapter 1

Part 1.

Charice POV

It's Sunday. Nakikinig lang ako ng K-pop via Bluetooth speakers nang bumukas ang pinto.

"Charice?" rinig kong tawag ni mama na nasa may pinto.

Tiningnan ko lang siya habang patuloy naman sa pagtugtog 'yung pinapakinggan ko.

"Aalis lang ako para mamili ng grocery," sabi niya.

Wala naman akong sinabi at nagpatuloy lang sa pakikinig ng K-Pop.

"May gusto ka bang bilhin ko?" tanong niya pa.

Tumingin lang ako sa kanya. Nakita kong nakasilip siya sa pinto at inaantay ang sasabihin ko.

"May gusto ka bang pasalubong?"

"Tsk," sambit ko at kinuha ang phone ko para i-disconnect ang speakers. Sinaksak ko naman ang earphones ko sa phone ko.

"Uhhh, okay Cha," rinig kong sabi niya pa na may pagtungo pa ng ulo.

Nilagay ko naman sa tenga ang earphones ko. Narinig ko rin na sinara na niya yung pinto.

Tell me your wish!
Aren't you tired of the boring days?
Have you become buried by your ordinary life?
Now stop and wake up. You're my superstar, shining star, superstar
(Girls' Generation - Tell Me Your Wish [English Trans.])

Dahil ayoko naman talagang mag earphones, inalis ko 'yon sa tenga ko at nag-inat.

Napatingin naman ako sa isang dako kaya tumayo ako at binuksan ang mini ref na nasa kwarto ko.

Kinuha ko mula doon ang ka-isa-isahang ice cream popsicle na nakalagay sa freezer at binuksan ito.

Bumalik naman ako sa kama habang kinakain 'yon.

"Aalis na ako, Cha!" rinig kong sabi ni mama mula sa may sala. "H'wag kang magpapapasok ng kahit sino ha?"

Hindi naman ako sumagot kaya narinig ko na ulit ang mga hakbang ni mama na papunta sa may kwarto ko.

Dahil mukhang malapit na siya, nagmadali din ako sa pagkuha ng earphones ko at sinaksak ulit ito sa tenga.

"Cha?" rinig kong sabi niya pagkabukas agad ng pinto. "Narinig mo ba ako?"

Tulad kanina, tiningnan ko lang siya.

Inalis ko na lang 'yung earphones ko at tinitigan ulit siya.

"Do you want ice cream?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy lang ang pagkain ng popsicle na hawak-hawak ko.

Narinig kong napabuntong hininga siya, "Alright, Cha... I-lo-lock ko 'yung pinto ah. H'wag kang magpapasok ng kahit sino ha?"

Inilagay ko ulit 'yung earphones sa tenga ko kaya sinaraduhan niya na ulit 'yung pinto. Matapos din ang ilang minuto, narinig ko ang pagsara ng main door namin at 'yung gate sa labas.

Tinitigan ko na lang 'yung popsicle stick na hawak ko at tinapon ito sa basurahan.

***
(The author is using "Charter" font.)

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon