5.7 [H]

7.7K 245 28
                                    

Part 7.

Daryl's POV

"Ano... 'yan?" sabi ko kasi hindi ko inexpect na may ibibigay siya sa'kin.

"Kunin mo na lang," sagot ni anae ko.

Sus, ano ba kasi yung tanong ko? Kita ko namang regalo siya sa'kin ng asawa ko! Yihhhh.

Hindi ako bading. Kinikilig lang. Ayoko lang ipakita.

"Kukunin mo ba o hindi?!" inis pang sabi niya kasi napatagal ata titig ko dun sa regalo.

Hinablot ko tuloy agad 'yung regalo niya. Baka maihagis niya pa sa pool or di na lang niya ibigay eh.

Alam kong inaantay niyang buksan ko 'yun kaya binuksan ko na.

"Hindi ako maalam pumili kaya pagtyagaan mo na lang yan," rinig kong sabi niya.

"Akala ko kasi galit ka kaya binilhan kita niyan," sabi niya pa. "Apology gift."

Napangiti naman ako ng malapad. Nakita kong nakatingin siya sa'kin.

"Nung nakita ko kasi 'yan," sabi niya. "Ikaw agad naalala ko eh."

"Talaga?" nakangiti kong sabi.

"Oo," sabi niya kaya binuksan ko na 'yun agad.

Nakakita naman ako ng kwintas.

"Susi?" tanong ko kasi susi 'yung design niya. "Mukha ba akong susi?"

Nakita kong tumingin siya agad sa ibang direksyon.

"Eh kasi... 'yun nga..." panimula niya habang nakatingin dun sa mga kamay niya. "Siguro kasi... ano... slowly?"

Tumingin siya sa'kin at biglang ngumuso.

"Basta! Isuot mo 'yan. Kung ayaw mo edi 'wag," sabi niya ng mabilis. "Gutom na ko. Kakain na ko ah."

Patakbo siyang umalis at pumasok sa loob.

So, na-late ba siya dahil nito? Yihhhhh. Kinikilig ako pero 'wag niyo sabihin kina Ji. Tatawanan lang ako ng mga 'yon.

Ay nako, sabagay, bahala na kung tawanan nila ako. Natutuwa ako eh. Ayaw tuloy maalis 'yung ngiti kong malapad.

Pero ba't di niya sinuot sa'kin hehehehe. Sariling sikap tuloy ako dito sa likod ng garden.

"First!" rinig kong tawag ni Yoon Jae. "Anong ginagawa mo d'yan?"

Ayan na nga po sila.

Kita kong lumapit silang apat sa'kin at napatingin sa suot-suot kong kwintas.

"Bigay kaya 'to ni anae ko," proud kong sabi sa kanila.

"Owwwwwh," pang-aasar pa nila sa'kin.

Tuloy pa rin sila sa pang-aasar habang pumapasok ulit kami sa mismong venue ng event.

Na'san kaya si anae ko?

Napatingin ako kay Ji na kasalukuyang may tinitingnan.

"May gusto ka ba 'dun kay Bianca?" tanong ko.

"Bianca? Sinong Bianca?" tanong niya.

"Yung kaibigan ni anae," sabi ko.

"Wala akong kilalang Bianca," sabi naman niya. "May fiancé ako."

"Pero hindi pa naman kayo engaged," sabi ko naman.

Natahimik lang siya at napatingin sa nanay niya.

Hindi ko na lang siya kinulit. Baka marinig pa ni tita.

Actually, hindi ko agad nalaman na magiging fiancé niya pala si Pamsy. Ni hindi ko nga alam kung bakit; kung may kinalaman 'yon sa business nila or wala.

Pero para kasing napapansin ko lately na lagi siyang napapatingin dun kay Bianca eh. Nahuhuli ko rin madalas na parang sinusubukan niyang mapalapit sa kanya.

O siguro, mali lang din ako.

Nakita ko namang kumakain si anae kasama 'yung mga kaklase niya ata. Lima sila dun. Para ngang may kulang eh.

"Parang kulang 'yung kasamang ininvite nung asawa mo," bulong sa'kin ni Jun Su.

Napatingin naman ako sa kanya, "Bakit? Ilan ba ininvite niya?"

"Parang lang," sagot niya lang at nagkamot ng ulo.

Nilapitan ko si anae. Napatingin siya sa'kin habang kumakain ng salad.

"Patabi," sabi ko at akma na sanang ilalagay 'yung silya sa pagitan nila ni Bianca.

Pinigilan niya naman 'yun, "Ayoko."

Napatitig lang ako sa kanya.

Ang lakas niya kasi. Hindi ko magalaw 'yung upuan eh kahit anong galaw ko.

"Ang lakas mo," puna ko kaya bigla niyang binitawan 'yung silya kaya muntik nang tumalsik. Buti di ko binitawan.

Dali-dali ko namang tinabi 'yung silya sa pagitan nila ni Bianca para katabi ko na siya.

Nakita kong napatingin siya sa'kin at napatingin sa suot kong kwintas. Hindi ko tuloy napigilang hindi din siya tingnan. Ang ganda niya kasi lalo ngayon.

Plano ko lang na tingnan 'yung mga mata niya nang mapansin kong may suot din pala siyang kwintas.

Puso na parang may kandado. Tinitigan ko 'yun.

"Teka, couple necklace ba—"

Hindi ko na natapos tatanungin ko kasi sinubuan niya agad ako ng ice cream para kainin ko.

<NOW PLAYING: A'ST1 - Yearning Heart>

"Gutom ka na?" tanong niya sabay bigay ulit sa'kin ng isa pa.

Sobrang lamig naman nung ice cream pero okay lang, gamit ko 'yung kutsara niya eh hehehehe.

"Uy! Naka-couple necklace sila oh!" rinig kong puna nung isa niyang kaklase.

Nakita kong kumunot noo ni anae, "Hindi kaya."

"Oo, couple kasi kami," singit ko sabay ngiti ng malapad.

Nilagay niya 'yung palad niya sa bibig ko. Natawa tuloy ako.

"Ingay mo," sabi niya pa.

"Yihhhhh," sabi naman nung mga kaklase niya.

Naki-yihhhh din ako kaya nakita ko yung asar na asar niyang mukha. Tawang-tawa tuloy 'yung Bianca.

"Slowly," pang-aasar ko kaya tiningnan niya ko ng masama.

"Nampyeon," sabi niya kaya napatigil ako. "Magtigil ka d'yan."

Ha? Teka, tinawag niya ba akong nampyeon?

"Ano sabi mo?" tanong ko. "Paulit?"

Tumitig lang siya sa'kin. Nag init tuloy mukha ko. Kung tinawag niya kong nampyeon kanina, ibig sabihin, asawa na rin turing niya sa'kin?

"Tayo na ba?" tanong ko tutal sabi nila 'wag daw mahiyang magtanong.

"Di," agad niyang sabi at hinila 'yung upuan ko. Malayo na tuloy ako sa table.

"Shu," rinig kong sabi niya na may hand gesture pa.

Grabe talaga siya sa'kin, pero okay lang. Ang cute niya pa rin lalo na nung ineexplain niya kung bakit niya ko binigyan nung susing kwintas. Ayaw niya pa sabihin na siguro unti-unti, pwede akong makapasok sa puso niya. Yihhhhhhhh!

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon