9.7 [I]

5.8K 166 4
                                    

Part 7.

Charice POV

"Hi anae," rinig kong bati ni Gosu sa'kin nang makabalik ako galing sa clinic para sa urine drug test.

Umupo lang naman ako sa upuan ko at naglabas ng notebook.

"Wala kang work?" tanong ko kasi sabi niya sa'kin kahapon hindi siya makakapasok ngayon.

Bago naman siya makasagot, nilapitan na siya ng mga kaklase kong nagtatanong tungkol sa nangyari nung Monday.

Padami naman ng padami ang pumunpunta palapit sa kanya na halos mapaalis na ako sa pwesto ko.

"Who told you you can go close to me?" inis na sabi niya nang may babaeng lumapit sa kanya na sobrang lapit. Ang nakakapagtaka pa nito, hindi naman namin siya kaklase.

Napaatras naman ang lahat at lumayo ng konti.

"Just because I'm letting you guys talk to me doesn't mean you can talk to me anytime," sabi pa niya.

Nakita ko namang pinapalayas ni Jaeki ang mga lumapit kay Gosu.

Nang mawala na sila, dumating na 'yung prof namin at sinabing mag self-review na lang muna kami para sa darating na exam next week.

"Anae," tawag sa'kin ni Gosu habang nagsasagot ako ng sample questions sa Physics.

"Oh?" tanong ko.

Hindi naman siya umimik kaya napatingin ako sa kanya.

"Uh, nevermind..." sabi niya at naghalukipkip at parang di mapakali.

Ok?

Tumingin ulit ako sa workbook ko at sinubukan ulit sagutin 'yung sinasagutan ko.

"Anae," tawag niya ulit sa'kin kaya di na ko umimik.

"Anaeee," ulit niya nang mapansin niyang diretso ako sa pagsasagot.

Humawak siya sa braso ko at niyugyog 'yun para siguro mapatigil ako sa pagsusulat.

"Bukas na ang birthday ko!" sabi niya agad nang mapatingin ako sa kanya.

"Ha?" tanong ko.

"Sabi ko bukas na ang birthday ko!"

"Tapos?" tanong ko.

"Ano kayang ireregalo sa'kin ni wifey?" pabebe niyang tanong sa'kin.

Ano nga ba?

Should I just ask him directly?

"Ano bang gusto mo?" tanong ko kaya napaayos siya ng upo.

"Bibigyan mo ba ko, anae?" tanong niya pa.

"Nagpaparamdam ka eh," sagot ko.

Tiningnan niya naman ako. Mukha siyang nag iisip ng kung anong ipapabili sa'kin pero at the same time, parang hindi.

"Yung mura lang ah," sabi ko agad bago siya makapaglista ng mga kung anu-anong mamahalin na gamit.

Napatawa naman siya saka natahimik saglit.

"Gusto ko..." panimula niya atsaka tiningnan kung nakikinig ba ako sa kanya. "'Yung pinag isipan."

Napatitig lang ako sa kanya.

Napag isipan? Eh wala nga akong maisip!

"Something na galing sa puso mo," dagdag pa niya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon