1.7 [T]

10.7K 282 14
                                    

Part 7.

Charice POV

"Woy," tawag ko habang hawak ko pa rin 'yung maliit niyang salamin.

Pag sa galing naman ano? Makukumpleto na niya ata ang full face foundation coverage.

"Oh?" tanong niya habang tinitingnan niya sa salamin kung pantay na 'yung foundation niya.

Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa'kin.

"Sino ba pinagagandahan mo?" tanong ko. "Saka ano ba 'yang The Five Kings? Bakit 'yung isa hindi napunta dito?" tanong ko pa.

Dinamihan ko na para di na paputol-putol.

"Hmmm..." panimula niya habang inaayos yung fake eyelashes niya saka umaura.

"Eh kasi, napasok lang 'yun pag exam," dagdag pa niya. "Pero wag ka, consistent A-student 'yon."

Pwede ba 'yon?

"May scholarship kasi siya for working students kaya exempted siya sa attendance," paliwanag naman niya sa'kin. "Pero nakita ko na siya once at nakita kong pinakagwapo nga siya kaso pinakamasungit kaya ekiz."

Hindi na tuloy ako nagsalita.

Eto kasing si Bianca todo make-up. Hindi ka tuloy gaganahin makipag-usap.

"NASA HALLWAY NA SILA!" sigaw nung lalaki kanina.

Siya nga ata siguro 'yung look-out.

Nakita ko namang nagkaguluhan 'yung mga tao.

"Dapat nag ayos ka rin, Cha!" sabi naman niya sa'kin habang tinatabi niya dali-dali 'yung mga makeup niya.

Tiningnan ko naman siya.

Ba't naman ako mag-aayos?

Bago niya naman niya nasagot ang tingin ko, bumukas na 'yung pinto. Napatingin tuloy ako kasi na-cucurious ako.

Feeling ko tuloy, ako lang ang walang alam 'dun sa The Five Kings kahit na simula mag secondary, dito na ko pumasok.

Pinagmasdan ko na lang 'yung pumasok na isa... dalwa... tatlo... apat— 'yung apat na lalaki.

Napansin ko naman agad ang pag-iba nung pag aura ng mga babae dito sa cafeteria kumpara kanina. Para bang lahat sila nagpapapansin.

Totoo kayang hari at galing sila sa royal family kaya ganito ang mga babae dito?

Pero may royal family ba sa Pilipinas? Wala naman 'di ba?

Tiningnan ko na lang ulit tuloy 'yung apat na lalaki at napansin kong dalawa sa kanila ay kaklase namin.

"Cha, yung Jaeki, 'yung kaklase natin, siya yung 3rd king," bulong ni Bianca sa'kin. "Si Jun Su naman ang 5th at si Ji ang 2nd."

Ji? Nagtitipid ata sa pangalan 'yun ah. Pero parang familiar.

"Ang 4th ay si Yoon Jae," tuloy niya pa.

"So, sino ang 1st?" tanong ko naman.

Uh well, I don't really care about these things. Di ko nga rin alam kung bakit ako nagtatanong eh. Baka for a change?

"Si Daryl Seuk," sagot niya.

Daryl Seuk?

Kung siya ang first...

"So siya ang pinakamayaman?" tanong ko.

Mga half-korean ba sila or something? So... Kings ba sila sa Korea? Wala na naman atang mga hari na dun?

"Oo. Tatay niya 'yung may ari ng S & K Corporation kung saan under ang school natin," kwento pa niya. "Saka siya din ang pinaka-gwapo, pinaka-masungit, pinaka-maangas at pinaka-matalino sa kanila."

Talaga?

"All-in-one oppa," pagdescribe pa ni Bianca. "At siya 'yung sinasabi kong hindi napasok... 'yung wala diyan."

Pinagmasdan ko sila.

Parang nothing special naman sa kanila, eh.

"At Cha, dami ko nang beses sinasabi sa'yo pero yung Ji... siya 'yung crush ko," sabi niya na kinikilig.

Oh, sabi na eh, familiar.

"Korean sila lahat?" tanong ko na lang at baka magkwento na naman.

"Oo, ang gwa-gwapo 'di ba? Very oppa!"

Ganon?

"So, hindi sila nag tatagalog?" tanong ko.

"Nagtatagalog sila 'no! Pero nag ko-korean din. Kaso yung leader nila, hindi mo maririnig mag tagalog."

Leader?

Tiningnan ko naman ulit sila isa-isa. Wala namang nasa gitna sa kanila eh.

"Sino ba ang leader nila?" tanong ko tutal apat sila at walang nakapwesto sa gitna.

"Syempre 'yung Daryl Seuk! Obvious naman 'di ba? Siya nga 'yung First eh."

Napakunot ako ng noo, "Ha? Eh sino ba d'yan 'yung Daryl Seuk?"

"Yung hindi nga napasok!" inis na sagot niya.

"Ah, eh sino ba d'yan 'yung Ji?" tanong ko na lang tutal nakalimutan kong nasabi na nga pala niya 'yon.

"Yung gwapo!" sagot naman niya.

Yung gwapo?

Eh... Wala namang gwapo?

Maputi lang sila saka mukhang makinis kaya yayamanin.

"Gwapo kaya nila!" sabi niya pa sa'kin kaya tiningnan ko na lang siya.

Nababasa talaga ako ni Bianca kahit hindi ako magsalita.

Maya-maya ay umalis na yung apat na hari-kuno. Bumalik naman sa dating itsura 'yung cafeteria at umingay na din ulit ang mga estudyante na nandito.

"Nga pala, may fan club sila. Ano ang sasalihan mo?" tanong ni Bianca habang inaalis 'yung makeup niya gamit ang wet wipes kasi bawal sa school ang may makapal na makeup.

Hindi naman ako sumagot sa tanong niya.

Fanclub? Eh hindi naman ako fan ng ni-isa sa kanila, eh?

"Sa school kasi may official fan club sila. At ang pinaka maraming fans eh syempre si Daryl," paliwanag niya.

Official fanclub? So ginawa nga talaga 'yung The Five Kings para lang magpa-peym?

"Pero galing mo naman magtago, Cha."

Napatingin tuloy ako kay Bianca.

"Kasi sa school na ' to, required na may isa kang sinalihang club ng The Five Kings 'no!"

Ganon?

"Kasi, pag may nagtanong sa'yo kung anong fan club mo," sabi pa niya ng seryoso. "Dapat may ipapakita kang card. Parang pass."

Pass? Ano 'yan, parang...

Napansin ko namang lumapit siya sa'kin para bumulong, "Pag wala kang mailabas..."

Napatingin naman ako sa mga tao sa paligid.

Pag wala akong mailabas... anong mangyayari?!

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! JOKE LANG! KINABAHAN KA NO?!" tuloy ni Bianca na malapit pa rin sa tenga ko.

The hell?! Kaka-sura ang tawa.

Parang nabingi ako dahil ng tawa niya!

"Cha! Yung mukha mo!!! PRICELESS!" loko pa niya sabay tawa at punas ng mata niya kasi naluluha na siya sa kakatawa.

Luka talaga 'to.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon