6.9 [N]

7K 224 17
                                    

Part 9.

Bianca's POV

"Tama na! Pagod na kooooo," sabi ko at naglupagi sa sahig.

"Dali na mommy, isa pang buhat!" sabi naman ni baby Erika.

Wah! Suko na ko!!! Ang hirap pala talagang maging magulang!

Buti na lang, mamayang 5 P.M. ay patapos na rin 'to! Daig ko pa kasi ang nag general cleaning ng buong bahay eh! Sobrang haggard ko nang tingnan!

Nakita ko namang lumapit si baby Erika sa'kin at pinipilit pa rin akong buhatin siya.

"Tama na ngaaa! Ang bigat muu supeeer!" sabi ko at di na napigilang ngumuso.

"Eeeh! Dali naaa!" pagpupumilit pa rin niya.

"Ako na," rinig kong sabi naman ni Ji my labs.

Omg! Pero pareho naman kaming pagod kakahalili sa pagbubuhat sa kanya eh!

Napatayo tuloy ako agad, "Ah, 'wag na. Ako na lang," sabi ko naman habang na-bwelo para buhatin si tabachingching.

"Hindi, ako na," sabi naman niya.

Yihhh! Ba't feeling ko ang haba ng hair ko?

"Ah, ako na," pagpapabebe ko naman.

"De, pagod ka na eh. Ako na," pambebebe naman niya sa'kin. Charot!

"Ako na. Ako naman 'yung daddy eh," rinig kong singit ni Mario kaya napatigil ako at napatingin sa kanya.

Oo nga pala, siya 'yung daddy.

"Di, bro. Hindi ba ako 'yung katulong?" sabi naman ni Ji my labs.

"Pero mas may karapatan ako sa bata 'di ba, bro?" sabi naman ni Mario.

"Pero ako dapat 'yung nagbubuhat 'di ba, kasi ako 'yung katulong?" sabi naman ni Ji my labs.

Uhhh... Mukhang mag-aaway sila ah?

"Ako na," sabi ni Mario sabay higit 'dun sa bata.

"De, ako na," sabi naman ni Ji sabay higit din sa bata.

"Ako na sabi eh," sabi ulit ni Mario sabay higit ulit.

"Tangina, ako na nga eh," inis na sabi ni Ji kaya nagsalita na ko.

"Uhm, ako na lang," sabi ko at tumawa ng peke.

Napatingin sila sa'kin at sabay nilang inalis 'yung mga kamay nila sa braso ni Erika.

"Tsk!" parehas pa nilang sabi habang binubuhat ko naman si baby Erika.

How nice. Nag jojoke lang talaga ako pero ako pa rin nga eh! Kainamana nga ireh!

At dahil tumahimik na sila ay naglakad-lakad na lang ako na buhat si Erika sa kung saan.

Nang makita niya si Chan Hee na naglalaro sa may gilid, nagpababa siya sa'kin at pumunta 'don.

At dahil andoon naman sina Cha, naglakad-lakad naman ako ng konti habang nag-s-stretch ng braso dahil ngimay na ngimay na.

"Stop it already Gian. We can't be lovers."

Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Lindsay.

Pero lovers?!

"Pero... we can still work this out right?" rinig kong boses ni Gian.

Lindsay and Gian are—?!

"Humanap ka na lang ng iba please," sagot ni Lindsay kaya napatago ako sa isang gilid.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon