1.3 [C]

12.5K 372 3
                                    

Part 3.

Charice POV

Nakita kong nakakunot yung noo niya at tumingin sa'kin ng masama. Tumingin din siya kay Bianca.

"Can't you fucking see I'm sleeping? How annoying!" sabi niya na parang Amerikano pero mukhang Pinoy naman siya na may halong Koreano.

Teka, ano ba talaga?

Anyway, ramdam naman namin ni Bianca ang pag tahimik ng tao sa paligid at tumingin sa'min.

Tumingin ako kay Bianca kung ano ang reaction niya. At nakita kong nakatitig siya don at mukhang kinikilig.

"Woy," tawag ko agad sa kanya.

"Ahihihihihihihi!" tawa niya na may halong kilig.

Wait? Don't tell me na-love at first sight na naman 'tong bruhang 'to?

"Para kang luka," seryoso kong sabi sa kanya para matauhan naman siya.

Pagkarinig niya naman 'non, agad niya kong hinampas.

"Good," agad kong sabi.

Tiningnan niya naman ako ng nagtataka.

"Sinasabunutan mo kasi ako pag na love at first sight ka na nga," sabi ko pa kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Ano ka ba! Kaibigan 'yan ng aking my labs!"

Akin na nga, may my labs pa?

"Inggit ka lang! May my labs kasi ako!" sagot niya naman sa tinging binigay ko sa kanya.

"Bakit, labs ka ba?" sabi ko kaya ngumuso na naman siya.

Siguro yung tinutukoy niya yung lagi niyang kinkwento na unrequited love niya chuchu. Hindi pa naman ako interesado makinig sa mga kilig kilig niya kaya madalas oo na lang ako ng oo pag nagkwekwento siya.

Pinapakinggan ko naman siya kung tungkol sa iba ang kwento niya. Pero kung related sa crush niyang 'yon, binabalewala ko na lang. Halos paulit-paulit din kasi.

"Cha!" tawag na naman ni Bianca sa'kin kaya tiningnan ko siya.

Tinuro niya naman yung tulog na lalaki gamit 'yung labi niya. Parang may pinahihiwatig siyang may gawin ako.

Tumingin naman ako sa kanya tutal nababasa niya ang mga tingin ko.

Ano naman gusto mong gagawin ko sa gagu?

"Kulbitin mo! Dali!" bulong at utos niya sa'kin.

What? Ang random naman 'non?

Saka, ayoko nga! Ba't ko naman yan kukulbitin? Paki ko d'yan?

Nakatingin lang ako kay Bianca tapos tiningnan ko yung lalaki.

"Cha!" bulong niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin.

"Charice Eliza!" tawag niya pa para mapansin ko siya.

Tiningnan ko siya.

Bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit hindi na lang ikaw?

"Gawin mo na lang kasi!" sabi pa niya.

Iiwan ko na sana si Bianca nang magising ulit 'yung lalaki. Nagising siguro dahil sa ingay ni Bianca.

Tumingin na lang ako sa may board para di niya malaman na nakatingin ako. Baka magmura na naman 'yan eh. Agaw eksena masyado.

"Sino dito 'yung Charice?!" tanong niya na nakakunot ang noo.

Ramdam ko naman yung pagtingin sa'kin nung mga naging kaklase ko. Parang binibigyan nila ako ng tinging anong-ginawa-mo-sa-gagu.

Hindi ko sinagot yung tingin nila kase wala naman talaga akong ginagawa—

"Hindi ba kayo magsasalita?" tanong pa niya ng pasigaw. "Narinig ko pangalan 'non eh. Asan 'yon?!"

Agaw eksena talaga 'to ah?

Tiningnan tuloy ako ng mga kaklase namin.

"Oo nga no? Charice din siya," rinig ko pang bulong ng mga kaklase ko.

Charice din siya?

Ano naman kaya 'yon?

Narinig ko namang sumisigaw na naman siya na parang nang aagaw ng pansin. Paulit ulit naman ang tanong niya at 'yon ay kung sino daw dito 'yung Charice.

Lumingon naman ako pa-likod at tiningnan siya, "Ako 'yon. Bakit?"

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon