3.9 [D]

9.2K 240 10
                                    

Part 9.

Napamulat agad ako ng mata at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Agad ko ring tiningnan ang orasan dahil sobrang liwanag na ng paligid!

Pagtingin ko sa orasan, mag 9:20 AM na. Ang first class pa naman namin ay nung 8 AM! Buti na lang hindi Martes ngayon dahil flag ceremony namin 'yun.

Pero... Hindi na naman ba tumunog ang alarm ko? Saka, bakit hindi ako ginising ni Mama?!

Kung sabagay, bakit ba ang lakas ng loob kong magpuyat eh may pasok nga ng maaga?

Tiningnan ko yung phone ko at nakita kong nagtext at nagchat pa si Bianca kung nasaan na daw ba ako o kung papasok ba ako.

Nagreply naman ako at sinabi ko na sa pang 10 AM na subject na lang ako papasok kasi tinanghali ako ng gising.

Pagkatapos kong mag ayos, binuksan ko na ang gate.

At habang nilolock ko ang gate ay napansin kong may tao sa likod ko.

Nagkatitigan tuloy kami... ni Gosu.

Ba't andito 'to?

"Pano ka nakarating dito?" tanong ko.

Madami kasing pa-sikot sikot 'yung address namin eh. Madami tuloy naliligaw sa sobrang daming liko.

"I followed my heart," sagot niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Ang korni niya kasi.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag lo-lock ng gate.

"I'm here to tell you I'm your tutor," sabi niya pa nang di ko siya pansinin sa walang tigil niyang pangungulbit.

"I don't need one," seryosong sabi ko.

Dumiretso ako sa paglalakad pero sunod pa rin siya ng sunod kaya tiningnan ko siya. "Now, what?"

Ngumuso siya ng konti, "Where are you going?"

"Paki mo?" inis na sabi ko.

Gutom na ko so please!

"Wala lang," sabi niya. "So why are you absent in your first subject? Do you have... hmmm, sakit?"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ko.

Tumigil din naman ako sa paglalakad kasi pakiramdam ko sinusundan niya ako.

"Can you stop following me?" inis na sabi ko nang nakatalikod. Alam ko kasing nasa likod ko siya.

"Who? Me?"

Napatingin tuloy ako sa likod kasi iba yung boses. Pagkita ko, si Gian pala at ngumiti siya sa'kin.

"Ba't andito ka?" tanong ko na lang.

"Absent ka?" tanong niya.

I'm hangry so please stop asking me questions!!!

"Di, tinanghali lang ng gising," sagot ko.

"Ah..." sabi niya na parang nalungkot.

Naalala ko tuloy ang sinabi ko sa kanya last time.

Aalis na sana ako nang mapansin kong nalapit siya sa'kin.

Pa-simple naman akong lumayo sa kanya.

"Papunta kang school?" tanong niya.

"Ah, eh... pauwi ako, may nalimutan kasi ako," pagdadahilan ko.

"Ah, samahan kita?" alok niya at tumingin sa paligid. "May sumusunod ba sa'yo?"

"Ha? Wala, imagination ko lang pala," sabi ko agad at tumingin tingin din sa paligid ko.

Natahimik naman siya.

"Sige ah, una na ko," sabi ko at akma na sanang aalis.

"Charice," tawag niya kaya tumingin ako. "Ayaw mo ba sa'kin?"

Napaisip tuloy ako dun. Ayaw ko ba sa kanya?

Umalis na lang ako nang walang sinasabi. Hindi ko rin kasi alam. Crush ko naman siya dati pero siguro I don't see myself with him? Ayoko pa namang magpaasa ng tao. Hindi ko lang alam kung ano yung right words for that.

"May gusto ka bang iba?" rinig kong tanong niya kaya napatigil ako ng bahagya sa paglalakad.

"Meron ba?" tanong niya pa.

Naglakad na lang ako ng mabilis bago pa niya isiping meron.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon