6.3 [N]

8K 260 14
                                    

Part 3.

Prances POV

Sinundan namin ng tingin ng 'yung dalawa.

OMG. Ang cute ng Gocha! Pareho silang naka-lollipop!!!

Pero dahil kanina pang galit 'yung prof namin, inutusan niya si Gosu na pumunta sa faculty at kausapin 'yung faculty head. Hindi ko lang sure kung bakit siya 'yung inutusan.

At dahil inaantok na ako, nakatulog ako.

Paggising ko, kinukulbit na ko ni Cha at sinasabi na pinapapunta daw kaming lahat sa may gym.

"CLASS B! Pila ng ayos!" sigaw ng bida-bidang class president namin. Joke.

Pumila naman kami. Hindi by height, kundi by friends.

Nakita naman namin si Bianca sa gym na mukhang kakapasok lang ata kahit halos patapos na ang klase ngayong araw.

"San kayo kanina, Cha?" pag uusisa ni Layzzah.

"Library," maikling sagot ni Cha.

"Anong ginawa niyo 'dun?" tanong niya pa.

"Assignments," sagot ni Cha.

"Nagkiss kayo 'dun, no?" bulong ni Kimberly kaya napakunot ang noo ni Cha.

"Huy, ano bang sinasabi mo d'yan!" sabi agad ni Bianca bago pa siguro magalit si Cha.

"Nanggaya lang ako ng assignment niya," paliwanag naman ni Cha.

Hindi na naman sila nagtanong pa kasi nagsimula na kaming bumaba papuntang gym.

Nakakita naman kami ng mga bata dun. Siguro mga nasa daycare ang mga 'to. Ang cu-cute!!!

"Ugh kids," rinig kong reklamo ni Cha kasi ang iingay ng mga bata.

"Grade 12!!!" bati sa'min ng isang energetic na babae. "Hellooo!!!"

Nag usual "Hi~" naman kami sa kanya.

May flinash naman na PPT. Ang nakasulat: Introduction to Parenthood.

T.L.E.-related ba 'to?

"Maybe you're wondering kung bakit kami andito at kung bakit may mga bata dito. Well, we're from Mandyston Northville Daycare Center and these kids are from our school."

Mamaya, nagsimula silang magdiscuss ng introduction about parenthood. Yung importance daw ng parents chever.

Nakita ko naman si Cha na may tinetext. Syempre, sinilip ko. Nakita ko lang tinatanong niya kung na'san si Gosu. Yihhhhhhh! Ang tsismosa ko!!!

"So tomorrow, for ONE whole day," rinig kong sabi. "Magiging parents kayo!"

Ay, ano daw?!

Umingay tuloy sa gym. May positive at negative reaction.

"Dapat may role na mother at 'yung isa father. It doesn't matter kung same kayo ng section or not! Basta dapat may isang babae at isang lalaki."

Lalo tuloy nag ingayan. Wait, so meaning dapat may partner!? Kawawa naman kaming mga single hoy!!!

"Uy Cha! May partner ka na?"

Napatingin ako sa nagsalita. Teka, is that Gian?

Nabalitaan ko na umamin daw siya kay Cha pero hindi ba binasted ata siya?

Hindi ba siya informed na nagkakamabutihan na sina Gosu and Cha?

Napatingin tuloy ako kay Cha pero dedma lang siya kahit katabi niya lang si Gian.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon